Chapter 36:Great Day

2.4K 192 20
                                    

Chapter 36: Great Day
~💖~

Drei's POV

"Hayyy.. Nakakapagod talaga.. "  Sabi ni Mild.
Nakahiga kami ngayon sa kama ng kwarto nya, dahil pinatulog namin si Baby Lea, late na rin at sobrang pagod nung bata ay mabilis itong nakatulog.

Tiningnan ko naman si Mild, nakatulong na rin sya at nakaharap sya kay Baby Lea, bale ang position namin ay nasa gitna namin ang bata para kaming isang masayang pamilya.. Hayy.. Sana balang araw ay maging ganito rin kami kasaya.

Teka, para naman hindi ko makalimutan ang araw na 'to kailangan ko ng remembrance.

Kinuha ko yung phone ko at inilagay ko sa may camera, i take pictures of ours, at sinulit ko na.

Masayang-masaya talaga ako dahil binigyan nya ako ng second chance, at hinding-hindi ko sasayangin ang opportunity na 'to. Sisiguraduhin kong babalik kami sa dati.

I closed my eyes with a smile in my lips.

~•~

Nararamdaman kong may yumuyugyog sakin at tinamaan ng sikat ng araw ang mukha ko.

"Drei, gising na. " Pag gising sakin ni Mild.

"Hmmm.. " Pag stretch sa katawan ko at dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.

"Bakit? Ang aga pa ha?" Tanong ko sa kanya.

"Magbihis ka na may pupuntahan tayo." Sabi nya habang nag aayos.

"Saan?" Tanong ko.

"Pupunta tayo sa bukid namin. "  Nakangiting sabi nya.

"Anong gagawin natin dun?"  Tanong ko habang kinakamot ko ang ulo ko. Oyy.. wala akong kuto ah..

"Basta, bilisan mo na at baka naiisip na si Vinchy dun." Sabi nya.

"Bakit kailangang kasama pa sya?!" Pagdabog ko.

"Tama na nga ang katatanong mo, tanghali na at naiinip na yun kahihintay satin." Sabi nya at lumabas ng kwarto.

Anyway, i will make sure na this day will be a great day. Hehe.

Nagbihis na ako at nag quick breakfast. Masaya rin pala sa probinsya dahil dito mo mapapatunayan ang salitang feel at home. Hehe.

Lumabas na kami ni Mild, at sumakay kami ng tricycle. Bumaba na kami at naamoy ko ang sariwang hangin galing sa bukid.

"Halika na Drei, sasakay na tayo para mabilis tayong makarating dun. " Alok nya sakin.

"May sasakyan dito?" Takang tanong ko.

"Meron, ayun oh. " Sabi nya sabay turo sa isang hayop.

"Huh? Alin dyan?" Tanong ko.

"Ayun oh, yung kalabaw. "  Nakangiting sabi nya.

"Huh? Se-seryo-so k-ka?" Nauutal kong sabi.

Hindi pa kasi ako nakakita nyan o nakakasakay, di ko nga alam ang tawag dyan eh.

"Haha. Hindi ka pa ba nakakasakay sa kalabaw? First time?" Natatawa nyang sabi.

"H-hindi pa eh." Nahihiya kong sabi sabay kamot sa batok.

"Don't worry, siguradong mag i-enjoy ka. Haha. " Sabi nya.

"O-okay." Sagot ko.

Sumakay na din kami sa sinasabi nyang kalabaw, nakakaenjoy nga lalo pa't sya ang kasama ko.

Ang saya mag try ng mga bagong bagay kasama ang taong mahal mo.

Nakarating  kami  sa may parte ng bukid na may maraming coconut trees. Sinalubong naman kami ni Vinchy, Psh. May singit na naman.

My Bad Ass Girl's Revenge || LisKook FFWhere stories live. Discover now