Chapter 35:Could it be?

2.7K 188 21
                                    

Chapter 35: Could it be?
~💖~

Mild's POV

"Hoy! Ano ba ang bagal nyo!" Sigaw ko sa dalawang kasama ko.

"Sandali lang! Saan ba kasi tayo pupunta?!" Iritang tanong sakin ni Drei.

"At ba't kasama pa sya?" Dagdag nya pa at tinuro si Vinchy.

Nagkatinginan naman kami ni Vinchy at nagkangitian kami sabay wink.

"Ah, basta. Okay lang naman na hindi ka na sumama eh." Sabi ko sa kanya.

"Aish. Sige na nga,kung di lang talaga kita masyadong mahal... ay.." Sabi nya at parang batang nagdadabog.

"Yun naman pala, ang arte mo pa kasi eh." Sabi naman sa kanya ni Vinchy.

"Hindi kita kinakausap kaya pwede wag kang sumabat!" Iritang sabi sa kanya ni Drei.

"Oh tama na yan, halika na at dalawa ang pupuntahan natin ngayong araw." Pag awat ko sa kanila.

Sumakay na kami ng kotse at si Vinchy ang magda-drive, One week na nga pala kami dito sa Cam. Sur. at ngayon pupunta kami sa FM or Friendship Mountain dito sa may ******** at babalikan namin ni Vichy yung bato na naging palatandaan ng friendship namin. Totoong mountain sya para sa mga magbabarkada, friends, best friends lang. Huling punta ko ata nung last visit ko dito malamang.. andun pa kaya yung bato na may nakaukit na pangalan namin ni Vinchy?

Tiningnan ko naman si Drei, nakasandal yung ulo nya at natutulog.. mukhang napuyat ata. Pinagmasdan ko ang mukha nya, well aaminin ko gwapo at still Oozing pa rin sya.. tama kaya ang naging desisyon kong bigyan sya ng second chance? Hayy.. bahala na.

"Andito na tayo." Sabi ni Vinchy.

"Drei, gising na, andito na tayo." Pag gising ko kay Drei.

Gumalaw sya at dahan-dahan nyang minulat ang mga mata nya at lumabas na rin sya ng  sasakyan, ganun din kami. Pinagmasdan nya ang lugar.

"Halika na." Alok sakin ni Vinchy at inabot nya ang kamay nya.

Inabot ko naman ang kamay ko,

"Teka nasaan tayo?" Tanong ni Drei.

"Friendship Mountain, lugar ng mga magkakaibigan, kung saan ay palatandaan na magkaibigan sila." Sagot ni Vinchy kay Drei.

"Friendship Mountain? Ayoko hindi ako sasama o pupunta dyan." Pagreklamo ni Drei.

"Ano? Bakit naman?" Tanong ko.

"Di ba sabi nyo Friendship Mountain? Ayokong pumunta dyan, pag pumunta ako dyan edi ibig sabihin magkaibigan lang tayo, mas gusto ko sa Lovers Mountain dahil dun may pag-asa tayo. Okay na sana na kayo ang pupunta dyan dahil hanggang magkaibigan lang kayo." Sabi nya at sabay pout..

Napailing nalang ako, loko talaga 'to.

"Ano bang mga pinagsasabi mo?bahala ka nga kung ayaw mo maiwan ka dito." Sabi ko.

"Halika na Vinchy." Alok ko kay Vinchy.

Umakayat na kami papunta sa FM, nakakailang hakbang palang kami nang magsalita si Drei.

"Sandali lang!" Sigaw na Drei.

"Oh bakit nanaman?!" Tanong ko sa kanya.

"Bakit kailangan magkahawak pa kayo ng kamay ha?!" Irita nyang sabi.

"Dahil madali akong mapagod." Sagot ko.

"Ah ganun, oh edi ako na ang hahawak, sasama na ako. Hindi ako tiwala sa kanya, baka ano pang gawin  nyo." Sabi nya sabay hablot ng kamay ko.

My Bad Ass Girl's Revenge || LisKook FFWhere stories live. Discover now