Chapter 26:1st Heartbreak

2.6K 208 15
                                    

Chapter 26:1st Heartbreak
~💖~

Drei's POV

Flashback...

"Drei.." Tawag nya. Humarap naman ako sa kanya, nginitian nya ako pero  seryoso lang ang mukha ko.  Kailangan kong magpanggap para mapadali na at matapos na 'to.

"So you're here.." Salubong ko sa kanya.. hindi ko sya nginitian.. kahit gusto ko, hindi pwede..

"Ah, b-bakit mo nga pala ako pinapunta dito?" Kinakabahan nyang tanong. Huminga naman ako ng malalim.

"Let's Break up." Sabi ko. Mukhang nag iba ang reaksyon nya.

"Huh?" Tanong nya.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko Break na tayo." Medyo irita kong sabi.

"Huh? N-nagbibiro ka ba?" Kinakabahan nyang tanong.

"Do i look like kidding Mild? I'm serious here ok." Seryoso kong sabi.

"P-pero b-bakit naman?" Nauutal nyang tanong.

"Dahil ayoko na, sawa na ako sayo. HINDI NA KITA MAHAL." Pagsisinungaling ko.

"Hi-hindi kita maintindihan Drei, ano bang mga pinagsasabi mo?" Nauutal nyang tanong.

"Tanga ka ba?! Ang sabi ko tapos na tayo, wala ng tayo!" Sigaw ko sa kanya. I'm sorry...

"P-pero di ba sabi mo m-mahal mo a-ako?" Naiiyak nyang tanong sakin. Medyo natigilan rin ako sa sinabi nya..

"Yeah, I said I love you... but i lied.." Seryoso kong sabi habang nakatitig sa mga mata nya. Alam kong iba ang iniisip nya, pero ang ibig kong sabihin sa mga sinabi ko ay Mahal ko sya pero nagsisinungaling ako para matapos na ang problema.. pero Mild, mahal talaga kita..

"H-hindi ako naniniwala.." Sabi nya habang umiiyak.

"For god sake Mild, isn't obvious?I didn't love you and i just used you!" Pagsisinungaling ko ulit.

"H-hindi pa rin ako naniniwala. Alam kong minahal mo ako, naramdaman at napatunayan ko yun Drei." Sabi nya. Tama sya...

"G-ginamit lang kita, just like a deal. Can you just accept it we're over." Sabi ko para maniwala sya. Ayokong masaktan sya pero i don't have any choice...

"He's right.." Biglang singit ng isang babae.. Si Sydney pala. Anong ginagawa nya dito? panu nya nalaman na andito kami?

"W-what do you mean?" Naguguluhang tanong ni Mild kay Sydney..

"That he just used you, and make you look like a fool this entire time.." Nakangiti nya sabi. Bakit ba umeksena pa 'to? Sabi kong ako ng bahala ang kulit talaga.

"Sinungaling ka, hindi ako naniniwala sayo." Sabi ni Mild sa kanya.

"Oh really? Sino kaya ang sinungaling.. kapag may naipakita akong proof.." Naka smirk nyang sabi. Anong binabalak ng babaeng 'to?

"Hindi ako maniniwala sayo, alam kong gusto mo lang kaming paghiwalayin kaya mo to ginagawa, Ahas ka!" Sigaw ni Mild sa kanya.

"You know what.. you're really getting on to my nerves!" Irita nyang sabi sabay kuha ng phone nya at parang may kung ano-anong kinalikut.

"To see is to believe.." Sabi nya sabay pakita ng isang video mula sa phone nya.

Anong ginagawa nya? nababaliw na ba sya? Sabi nya hindi nya na 'to ipapakita? Bigla naman napaupo si Mild.

"See, i told you... do you really like hurting yourself.. nakakaawa ka, bakit ka ba kasi umaasa? Sa tingin mo ba seseryosuhin ni Drei ang katulad mo?" Sabi nya habang pinagmamasdan si Mild.

My Bad Ass Girl's Revenge || LisKook FFWhere stories live. Discover now