Chapter 3

91 6 0
                                    

Chapter 3: First Day in Harrison International Academy

Keira's POV

"Maraming salamat Lord at may panibagong umaga na naman kaming kinahaharap ngayon. Tulungan,turuan at gabayan niyo po kami sa tamang daan."

Pagkatapos kong magdasal ay inayos ko na ang aking higaan at tumayo na upang dumiretso sa banyo at naghilamos at nagmumog.

Nagpalit rin ako ng damit at lumabas upang makapag-jogging. Maaga pa upang pumasok at maghanda kaya naman naisipan ko munang mag jogging.

Makalipas ang ilang oras sa pagjo-jogging ay naisipan ko munang magpahinga bago manggising.

Maagang umalis sila mom at dad upang pumasok sa trabaho. Linggo lang kasi ang pahinga ng buong empleyado sa aming kumpaniya ganun pa man ito'y kumikita parin kahit walang pasok.

Tuwing may pasok lang sila mom at dad ako ang taga-linis ng bahay. Si kuya naman ang taga-laba (isang araw lang sa isang linggo siya naglalaba kaya naman halos wala rin siyang ginagawa.) At si Krista naman ang taga-luto.

Hindi kami sanay nang walang ginagawa. Ganun kasi ang kinamulatan namin. Mayaman man kami hindi namin kinalilimutan na ang pera nauubos kaya hanggat may pera nararapat lang na gamitin namin iyon sa nakabubuti. Tumutulong rin kasi kami sa mga orphanage at sa anawim (ampunan o tirahan ng mga matatanda o mga inabandona.)

Pagkatapos kong magpahinga ay kinatok/ginising ko na sina kuya at twin. Naunang nagising si twin dahil nga sa antukin si kuya (antukin nga ba? O puyat lang? O baka naman may lahing sleeping beauty ito? Hahaha!)

Nagluto na si twin nang magawa na ang morning rituals daw.Nang makapagluto siya...

"Twin, gisingin mo ulit si kuya Keith nang makapag-umpisa na tayong kumain."-Krista

"Hmm." Pagtango ko naman sa kaniya.

Umakyat ulit ako at ginising na nga si kuya Keith. Nang magising siya'y pumasok ako sa kwarto at naligo na. Nagbihis na rin ako bago bumaba ulit.

Pinasadya talaga nila mom at dad ang uniporme namin dahil nga hindi naman dapat kami doon mag-aral.

Pagkababa ko'y nakabihis na rin pala sila. Halos magkakasabay lang kaming natapos mag-ayos. Sabay sabay kaming nagtungo sa kusina at kumain na.

Pagkatapos kumain...

"Ako na munang maghuhugas."
-kuya

"Ako nalang kuya. Para mapainit mo na ang makina't pagtapos ko'y makaalis agad tayo."pag piprisinta ko.

Hindi kami pinapayagang mag commute. Baka daw hold-up-in kami hahaha!

"Sige."  Pagkatapos ay lumabas na siya.

"Sige twin. Magre-review lang ako."
-krista

Tumango lang ako at nagsimula nang maghugas. Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na ako.

*ring ring ring*

Tinignan ko naman ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si mom. Sinagot ko agad ito...

"Bakit mom?"

"Nasan na kayo? Tapos na ba kayong kumain?"-mom

"Opo. Kakahugas ko nga lang po ng platong pinagkainan eh."

"Nag-gloves ka?"-mom

"Hindi po."

"Dapa--"-mom

HIA: All boys SchoolWhere stories live. Discover now