Chapter 17

31 3 0
                                    

Keira's PoV

Natapos rin ang klase. Nakakainis lang na walang ibang ginawa ang mga kaklase ko kundi ang pagtripan ako.

Flashback

"Miss Jade?" Pagtawag sakin ng teacher namin bago siya lumabas.

"Po?" Magalang ko namang sabi.

"Come with me." Sabi lang nito sa akin kaya naman wala akong nagawa kundi ang tumayo.

Ng makita ako ng teacher namin na tumayo ay agad na siyang lumabas. Naglakad na ako para sundan siya.

Sa gitna ng aking paglalakad may isang lalaking namatid sakin. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

Syet lang! Muntik na yung ulo ko. Dibdib ko pa ang unang tumama sa sahig! Argh!!!

"Ano bang ginagawa ko sayo ha?" Tanong ko kaagad dito.

Ngumisi lang ito at hindi na nagsalita. Parang nang-aasar ang mukhang tumitig sakin.

Tumayo ako at pinatayo siya. Tumingin muna siya sakin ng nakakapagtaka bago tignan ang iba naming kaklase.

Pagkatapos ay tumayo na. Agad ko namang tinuhod yung ano niya. Syet siya! Bayad niya yun sa paglagapak ko. Dibdib ko ang nasaktan kaya pair.

"Woah!!!" Sigawan ng mga kaklase ko.

Hindi ko sila pinansin at nagdire-diretso na ng paglabas at sinundan ang teacher namin.

EOF

Napabuntong hininga ako. Ngayon ko lang naisip na gulo ang madadala ko dahil sa ginawa ko. Baka magalit pa sakin yung mga magulang ng mga estudyante.

Nawala sa isip ko ang illusyon kong mangyayari ng biglang tumunog ang aking cellphone.

Dali dali kong kinalkal ang aking bag at nakita ang cellphone. Tinignan ko muna kung sino ito bago sinagot.

Calling...

                 Mr. Secretary
--------Answer---------Decline-------

Agad kong sinagot ito.

"Oh? Napatawag ka? May problema ba?" Pagsasagot ko ng tawag.

"Ma'am hindi daw po makakarating si Mr. Demetri sa board meeting about sa sales ng buong month. Na-ospital daw po kasi ang kaniyang kasintahan." Paliwanag nito.

"Ha?! Ano na daw ang kalagayan?"

Sasagutin na sana nito pero biglang may lumabas sa screen na emergency call galing kay demetri.

Agad ko naman itong sinagot at pina pause muna ang aking sekretaryo.

"Kamusta siya?" Nag-aalalang sagot ko sa tawag.

"F*ck! Emergency, kei! Wala akong tiwala sa mga doktor dito!"

Agad naman akong nagtakbo papuntang dorm habang tinetext si sekretayo na ipagpaliban na muna ang board meeting.

Pagkadating ko sa dorm ay nagbihis agad ako. Agad akong pumunta sa ospital na tinext sakin ni tri.

Ginamit ko ang bigay niyang uniform ng doktor at nagmask. Tinext na rin sakin ni tri kung nasaan ang ER.

Pagkadating ko ay nakita kong nagkakagulo ang lahat. Ang mga nurse ay pinapahinahon si tri dahil nagwawala na ito.

"Doc! Buti po dumating kayo!" Sabi ng nurse ng makita ako.

Nginitian ko lang siya at binalingan si tri na nanahimik na marahil siguro nakilala niya ako.

Actually, hindi naman talaga ako doktor. Nakamask ako kaya hindi nila ako nakikilala.

Agad akong pumasok sa loob ng Emergency Room at hinanda na ang sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinimulan ang operasyon.

Sinabi ng lalaking nurse na nabaril daw ang pasyente kaya naman alam ko na agad ang gagawin.

Isa ito sa mga tinuro sa akin ni demetri nung maligtas niya ako. Kaya naman alam ko na ang mga bagay na ito.

---

"Ligtas na ang pasyente." Sabi ko agad pagkalabas ng ER.

Tinanguan ko muna si demetri bago ako nagmamadaling sumakay sa sasakyan at pinaharurot ang sasakyan paalis.

Agad kong inalis ang damit pang doktor na ipinatong ko lang sa damit ko at itinapon iyon sa malapit na basurahan.

Tapos ay bumalik ako sa sasakyan ko at muling bumalik sa ospital. Nagpalista pa ako as a visitor ng ka M.U ni demetri.

Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto ng kwarto. Nakita kong nakakunot noo si demetri habang nakatingin sakin.

Nandito na rin ang mga kaibigan namin. Pati na rin ang magulang ni julie.

"What?" Nagtatakang tanong ko.

"Julie said it was your plan." Halata ang galit sa boses nito.

"Yes." Lalapit na sana sakin si demetri habang ang kamay niya ay nakakuyom kung hindi lang siya pinigilan ng mga kaibigan namin.

"F*ck you!" Sigaw nito sakin.

Bumuntong hininga ako bago ako muling nagsalita. "Well, it's my plan to command to julie to be quiet and don't talk." Paliwanag ko.

"Are you happy now? Look at her! She get wound!" Sabat naman ng mommy ni julie.

"Hays... Ang plinano ko lang ay ang matigil na sa pagiging torpe si demetri. Sa paraan na alam ko. Hindi ko gusto na mabaril siya. Tingin niyo gagamutin ko siya at babalik ako dito kung ginusto ko yun? Tingin niyo ba hindi siya mahalaga sakin? Ilan ba ang mga kaibigan kong babae? Dalawa? Tatlo? Bilang pa nga sa daliri eh! Kaya pinahahalagahan ko siya! Kung ang simpleng pagtulong sa kaniya at kay demetri ay masama, edi yun ang pagkakamali ko!" Naiinis na sabi ko. Pagkatapos ay bumaling ako kay demetri.

"Hindi ko alam na ang kaisa isang lalaking nakakaalam ng lahat tungkol sakin ang siyang unang unang lalaking magdududa tungkol sakin. Bwisit kayo! Bwisit ka! Sperm! Hindi man lang niyo muna ginamit ang utak niyo bago kayo nagalit! Bwisit!" Naiinis na sigaw ko at nagtutumakbong umalis.

Sumakay muli ako sa motor kong gamit. At mabilis na drinive ang daan pauwi sa dorm ko sa Harrison.

Pinarada ko ang motor ko at binuksan ang pinto ng dorm ko. Kinuha ko lang ang susi ng condo ko bago ako muling sumakay sa motor at nagdrive papunta sa condo ko.

-

Pagkadating ay agad akong dumiretso sa kusina at dinikit ang aking kamay sa pader nito.

May lumabas na hagdan sa gilid ko. Gamit yun ay bumaba ako at pumalakpak ng dalawang beses.

Nagkailaw ang buong kwarto at bumungad sakin ang training room.
Pumunta ako sa boxing area at doon nilabas ang lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko.

Dito ko inubos ang natitirang oras at lakas ko. Pinagod ko ang sarili ko pagkatapos ay pumunta sa secret room ko at naligo. Pinatuyo ko lang ang buhok ko habang nagpu-push up ng 100 na beses at sit ups na 200 na beses.

Bagsak ang katawan at mata ko sa kama at agad na nakatulog ng walang kain-kain at inom-inom.

***

Thanks for reading!

Mon, Apr 16,2018

HIA: All boys SchoolWhere stories live. Discover now