Chapter 6

90 5 0
                                    

Chapter 6: Weird Guy

Keira's POV

"Maraming salamat lord at nagising pa po kami sa panibagong umagang ito. Tulungan niyo po kami mapatawad ang mga taong nagkakasala sa'min at mapatawad din po kami ng mga taong pinagkasalaan namin. Amen."

Pagkatapos kong magdasal lumabas na ako ng dorm building. Lumabas muna ako ng School at nag jogging.

*after one hour...*
Kung san-san na ako napunta kakatakbo at medyo pagod na rin ako kaya naman naisipan kong huminto muna sa isang...

*Bahay Kainan*

Pumasok ako rito at humanap ng upuan. Nang makahanap ako agad akong umupo at tumingin sa lamesa.

'Huh? Bakit wala yung menu ng pagkain?'

Inilibot ko ang paningin ko at na-gets na kung bakit wala. Yun pala pupunta ka muna sa cashier dahil nandun yung mga pagkain.

'Eat all you can in just 500 pesos.'

Basa ko sa sulat na nakadikit sa dingding.

'Oh...'

Lumapit ako sa may cashier at nagbayad ng limang daan. Pagkatapos ay tumingin na ako ng mga pagkain.

May kare-kare,minudo,kaldereta at merong iba't ibang putahe ng adobo,sinigang,nilaga at marami pang iba.

'Ayos ah? Andami naman nito? Wala pang dessert 'to.'

Tumingin naman ako sa desserts...
May leche plan,halo-halo,Ube,pichi-pichi,sorbetes at marami pang iba.

d*°*b

'Wow... babalik ako dito mamaya! Dito ako bibili ng makakain.'

Pinili ko yung mga gusto ko at kumain na. Makalipas ang ilang minuto natapos na akong kumain kaya naman ay bumalik na ako sa dorm building namin sa Harrison International Academy (HIA).

Naligo't nagbihis. Nagmadali talaga ako para mabilis rin akong makapunta dun. Ginamit ko yung motor ko. Pinadala ito ni dad kasi alam niyang gagamitin ko 'to.

Nagpants muna ako at inilagay sa bag ko yung palda ko. Nagdala ako ng maraming maliliit na baunan at isang medyo malaking baunan at milagyan yun ng maraming kanin.

Inilagay ko lahat yun sa isang basket. Malaki ito kaya naman nagkasya lahat. At binuhat na yun para lumabas na.

Maya-maya pa nakita ko si krista na nakabihis na rin.

"Oh twin? Bakit parang nagmamadali ka?"-krista

d-_-b

"Basta... Una na 'ko."

Tapos nagmamadaling lumabas at inayos ang motor ko.

Nang makapunta ako ulit sa bahay kainan nagbayad lang ako ng tatlong daan. Tatlong daan lang daw kasi kapag take out lang.

Halos lahat ng putahe at panghimagas tinake-out ko. Tapos bumalik sa HIA at pinark ang motor ko.

Dinala ko lahat yun at pumasok na.
It's tuesday at iba na naman ang schedule ko.

Tuesday

First Subject: Geometry 2 hrs.
Second Subject: Algebra 2 hrs.
Third Subject: Measurements 2 hrs.

End of Class

Natapos ang klase kaya naman agad akong lumabas at pumunta sa rooftoop ng building.

HIA: All boys SchoolWhere stories live. Discover now