Chapter 21

41 2 0
                                    

Malalim akong bumuntong hininga. Malalim kong iniisip ang aking mga sunod na gagawin. Kakatapos ko lang mag exercise kaya naman medyo hinihingal pa ako.

Hindi ko napansing meron palang kumakatok sa pinto ng aking kwarto.

Haish! Akala na naman siguro nila tulog pa ako.

Lagi kasi akong patago kung mag exercise kaya naman hindi nalalaman ng kung sino na gising na ako. Gaya ng dati kumuha ako ng isang mabigat na bagay tapos ay bumalik sa pagkakahiga't inihagis ito sa may pinto.

Tumigil naman na ang pagkatok sa pinto. Tumayo na ako at nagsimulang gawin ang morning ritual ko. Nang ako'y matapos ay sinimulan ko namang magligpit.

Alam kong male-late na ako sa klase pero mas gugustuhin kong makipagsagutan sa aking guro kaysa naman makasalamuha ko ang aking kuya na kararating lang.

Dito na kasi niya ipinagpatuloy ang ksniyang pag-aaral na hindi ko alam kung bakit. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin siya kinakausap.

Hindi kasi ako masyadong magaling sa english kaya naman hindi ko masyadong masagot sa ngayon. Mag-aral muna siyang magtagalog noh! Hahahaha!

Tsaka tinatamad din akong pumasok. Nakakainis lang kasi hindi ko nagawa yung goal kong tapusin ang istoryang ginagawa ko.

Lumabas na ako pagkatapos kong maglinis. Pagkababa ko galing kwarto ay nakita ko kaagad ang isang katulong na papalapit sa akin.

"Naku ma'am! Hindi ka agad nagising. Hindi niyo po tuloy nakita si sir." sabi nito sa akin.

Maang maangan naman ako.
"Po? Hala! Sayang naman po pala kung ganoon. Ni hindi ko man lang siya nasilayan. Sige po mauna na ako. Late na po kasi ako eh."

Tumango't yumuko naman si manang.
"Ah sige po. Mag-iingat po kayo."

"Opo. Bye po." Pagkatapos ay umalis na ako.

Naglakad ako papuntang school dahil hindi naman ito kalayuan. Isang all boys school ang pinapasukan ko. At nagpapanggap akong lalaki.

Hindi naman siya ganun kahirap dahil wala akong P.E subject. Nagwi-wig din ako para walang makakilala sakin.

Sa kabila ng pagiging busy ni kuya sa pagma-manage ay hindi niya parin napapabayaan ang pagiging agent.

Kaya din siguro umuwi si kuya. Siya siguro ang pinadala para maiayos ang Keirine International Academy.

Ang sabi ng boss namin ay may isang sindikato daw na nagpapanggap na isang estudyante sa parehong paaralan. May dalawa daw'ng miyembro na ipinadala sa parehong paaralan upang mag-spy.

Hindi katulad ko, ang lalaking itinalaga sa Keirine ay hindi na kailangan pang mag-disguise. Magagamit daw kasi nito angking kagwapuhan (gwapo ba talaga?) sa pag-aayos ng eskwelahan.

Kahit itine-train ako sa pagkukunyaring lalaki ay hindi ko parin maiwasang kabahan. Hindi dahil sa pag-arte kundi sa mga posibilidad na maaaring may masaktan dahil sa pagpapanggap ko.

Napabuntong hininga ako bago buksan ang pinto ng room na naitalaga sa akin. Binuksan ko ito gamit ang aking paa. Nakagawa into ng malakas na ingay sanhi ng pagtingin sa akin ng halos lahat ng estudyanteng naroon.

Nakikinig sa tugtog na lumakad ako sa bakanteng upuan na aking nakita at hinila ito papunta sa pinakalikod ng silid at isinandal ito sa pader.

Nasa gitnang dulo ang aking upuan kaya naman kitang kita ko ang lahat at dahil sa nakatingin ang lahat sa akin ay tinanggal ko ang earphones na suot at nagsalita.

HIA: All boys SchoolWhere stories live. Discover now