Chapter 18

33 3 0
                                    

Chapter 18: Passing Time

Krista's PoV

Habang nag-uumagahan biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong tinignan at nakita kong ang kambal kong masungit ang dahilan kung bakit ito tumunog, tumatawag siya.

"Yes?" Sagot ko sa tawag.

"Hoy buntis, buksan mo 'to!"

Agad akong napahagikgik dahil nagsusungit na naman ito. Ewan ko ba, dati naman naiinis ako kapag nagsusungit siya. Dahil na rin siguro sa pagbubuntis ko.

"Huh? Eh te nasan ka ba?" Nakangusong tanong ko na animo'y nakikita ako ng masungit kong kambal.

"Buksan mo ang pinto ng malaman mo! Bwisit!" Inis na sabi naman nito.

"Nako ate ah! Wag mo akong mabwisit-bwisit baka hindi ko pahawak sayo si baby!" May tampong sabi ko.

"Bwisit!" Natawa naman ako sa sinabi na lang nito at dahan dahang naglakad para buksan ang pinto ng mansion ng aking masungit na kambal.

Ng mabuksan ko na ang pinto nakita kong nakaparada na sa garahe ang kaniyang motor na ducati.

Bakas ang inis sa mukha niya pero ng makita ako ay agad rin naman siyang ngumiti at inalalayan pa akong maglakad pabalik sa kusina.

"Dito muna ako." Sabi niya.

Napakunot noo naman ako sa kakaunti niyang salita.

'O oh... Moody na naman is me.'

"Kung magsasalita ka ng kakaunti lang manahimik ka na lang! Tsk." Inis na sabi ko.

'Ugh! Kahit ako naiinis sa sarili ko eh!'

Kumunot ang noo nito pero tumahimik na lang din. Mukhang naintindihan niya ulit ang sitwasyon ko.

"Moody is real!" Taas babang sabi niya.

Tinarayan ko na lang siya at nagdadabog na inakyat ang kwarto ko.

"Hoy hoy, krista ah! Tandaan mo! Buntis ka! Wag kang padabog dabog diyan at baka malaglag yan!" Narinig kong sigaw niya sa akin.

Humarap ako sa kaniyang may lumuluhang mga mata.

"Galit ka?"

Nakita kong bumuntong hininga siya bago nagsalita. "I'm not. Go. Rest now."

HIA: All boys SchoolWhere stories live. Discover now