Chapter 16

41 4 3
                                    

DUMATING ang lunes. Ang araw na pinakaayaw dumating ni keira. Tinatamad man ay tumayo siya at bumaba.

Nakalimutan niyang wala na ang kambal kaya naman napakamot siya sa ulo ng maghanap siya ng makakain sa kusina ng dorm.

Tinatamad naman siyang pumunta pa sa bahay kainan kaya naman nagbukas na lang siya ng delata at kumain na.

Naghugas siya ng kinainan niya at kumilos na para makapasok. Ngunit dahil nga tinatamad ay nalate siya.

Hindi pa siya agad nakapasok dahil inabangan siya ng mga estudyante. Kinuha ng mga ito ang kaniyang bag pagkatapos ay inilaglag ang mga laman nito.

Hindi lang yon, tumulong pa sa pangbu-bully ang kaniyang kapatid na si keith at ang mga kasama nito.

Hinawakan siya ng mga ito at binuhusan ng kung anu-ano. Tawa pa ng tawa ang mga ito dahil nakita nila ang napkin na dala at ang jacket na nasa loob ng bag niya na nakakalat ngayon sa koridor.

Pagkatapos buhusan ng kung anu-ano ay nagsi-alis na ang mga ito. Nanlagkit si keira ng mapansin niyang nagdikit na sa kaniyang damit ang basura.

Dahil pati ang basurahan ay itinaktak ng mga ito sa kaniya. Lalo siyang nanlagkit ng mapansin ang mga bubble gum na nadikit sa ulo niya.

'Hayst! Ang lagkit ko na! Nagsisimula na naman sila...'

Nasabi na lang ni keira sa isip niya habang naglalakad papuntang shower room. Habang nagsho-shower may naisip na naman siya.

'Kamusta na kaya si krista? Panigurado pagagalitan na naman ako nila mom kapag hindi ako pumasok ngayon. Hayaan na nga.'

Pagkatapos maligo at maglinis ng katawan pumunta siya sa salon ng manliligaw na babae ni demetri.

Napatawa siya sa naisip. At napatingin sa paligid. Hmm... halatang itong school na ito ay hindi para sa mga babae.

Walang mga mall, salon, at iba pang mga bagay na pinupuntahan ng mga babae maliban na lang sa bar.

Kung saan pwedeng pumasok ang mga outsiders. May pool din dito, at basketball court na sobrang laki.

Pwede ring pumasok ang outsiders sa basketball court pero kapag may laban lang.

Marami ring mga bagay dito na talagang nagagamit ng mga lalaki at talaga nga namang sulit dahil hindi ka maboboring kung ikaw ay lalaki.

Marami ring nagka-cutting pero alam ni keira na hindi na iyon kasama sa kaniyang misyon.

Ang tanging misyon lang kasi niya ay ang patigilin sa mga bisyo ang mga lalaki at tanggalin ang pagiging bully ng mga ito.

Kailangan niya na ring magmadali dahil naisip at napagkasunduan ng kaniyang mga magulang at mga magulang ng mga estudyante na gawing normal na paaralan ito.

Ilang buwan na lang at pwede na lahat ng mga babae rito pumasok. Mukhang iyon ang panibagong naisip ng mga ito na paraan upang mas tumino ang kanilang mga anak.

'Mukhang mas tatalab kung sa isang buwan, isang linggong sarado ang bar at sa isang linggong iyon ay maglilinis ang mga estudyante at titingnan sila ng kanilang mga magulang.'

Naisip ni keira pero agas din naman niyang tinutulan ang naisip.

'Hindi maaari. Baka makaistorbo lang ito sa mga magulang.'

Tutol niya sa naisip niya. Pero bumagsag din ito sa ideyang sabihin sa mga ito ang naisip.

Naisip niya ring walang darating sa kaniya kung ganoon. Pero agad pumasok sa isip niya ang mga kaibigan.

HIA: All boys SchoolNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ