Chapter 12: My Friends

60 4 0
                                    

Chapter 12

Keira's PoV

Nagising ako dahil sa ingay ng mga nagkwe-kwentuhan sa kusina. Mukhang kumakain na sila.

"Ni hindi man lang ako ginising." Sabi ko sa isip ko.

Tumayo na ako at inayos ang damit ko at naglakad na papuntang kusina habang nag-iinat.

Pagkarating ko sa kusina na tuloy tuloy pa rin ang pag inat ay napansin kong napatigil sila kaya naman tinignan ko sila.

Tinaasan ko lang sila ng kilay. Ang dami naman nila. Sinama pa ni kuya yung mga asungot.

Lumapit ako kila harabeoji at kiniss sila sa cheeks nila.

"Anyoung Haseyo." Sabi ko.

Pagkatapos ko iyon gawin ay naupo na ako sa may gitna. Nasa magkabilang punong upuan kasi sila.

"Anyoung Haseyo." Sabi ko naman kila kuya.

Nagsitanguan lang sila tapos ay nanahimik na ulit.

"So... bakit niyo ako pinapunta dito?" Tanong ko kay harabeoji.

"I just want to know something."
-harabeoji.

"What is it?" Sagot ko ng hindi tinitignan si harabeoji.

"Kailan ka bumalik ng bansa? At talagang pumunta ka pa sa korea before going back here, huh?!"
-harabeoji.

"Kailangan pa palang ipaalam sayo yun." Sagot ko naman habang patuloy sa pagkain.

"Of course! I'm the own who command to go you there."
-harabeoji.

"Did i ask?" Tuloy pa rin sa pagkain.

"Aba't!"-harabeoji.

Galit na siya. Alam ko. Pero hindi ko siya pinansin. Si halmeoni naman ay pinapakalma si harabeoji.

Tumayo na lang ako at inilagay ang pinagkainan ko sa may lababo. Bago humarap ulit sa kanila.

"Jwoesonghamnida. I just did that because it's too boring there." Sabi ko at tinignan ang wristwatch ko at nagpatuloy sa pagsasalita. "I have to go. May trabaho pa 'ko."

Tumango naman si halmeoni bilang sagot kaya umalis na ako.

***

Pumunta ako sa condo ko. Yes, meron akong condo at walang ibang nakakaalam nun kun'di ako lang at ang mga kaibigan ko.

Nandito lahat sa condo ko nakalagay ang mga sekretong bagay na meron ako. Pati ang cellphone ko.

Cellphone na binigay ng mga kaibigan ko. Isa akong spy. Katulad ng mga kaibigan ko.

Never pa akong pumatay pero ang umutos na pumatay nagawa ko na. Sa grupo naming magkakaibigan ako ang mas mataas.

Parang lider. Siguro dahil na rin nag-iisang babae ako. Nagsimula lang akong maging allodial spy nung malaman ko kung bakit ako pinapunta sa states.

At kung bakit ako pinagtraining ng kung anu-ano. Self-defense. Taekwando, Judo, Boxing, at iba pa.

At dahil yun sa isa sa mga makakapangyarihan na mafia ang pamilya namin. Si harabeoji.

Nang maging spy ako paggamit na lang ng baril ang tinuro sa'kin ng mga kaibigan ko dahil nga daw magaling na ako sa SD (self-defense).

Sa unang pasok lang ng condo ko masasabi mong maliit lang ito at wala halos gamit.

HIA: All boys SchoolWhere stories live. Discover now