Chapter 12: Get Here

10.5K 125 11
                                    

Sarah’s POV

 

Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa akin pero nagawa kong makapag-paalam kina Mommy at Daddy to dine out with Matteo and his friends...

Ooops! Kulang yung info

I brought along with me, si Ate Jona, si Joy (cousin ko na sobrang ka-close ko din) at ang isang PSG, este, body guard ko.

 

Well, well, well... In a span of two weeks, tatlong beses na kaming nakakalabas.

Kaibigan si Matteo... Yun ang representation ko kina Mommy and Daddy.

Yung tipong parang sina Kuya Mark, Kuya Eric, Kuya Christian... kaya siguro wala nang masyadong tanong at pumayag naman sila.

Sa 3 beses na yun tuwing pauwi na kami galing sa dinner, laging may pabigay na pasalubong si Matt para kay Mommy.

Nung 1st dinner, isang malaking basket ng fresh fruits, ito yata yung pinangako niya kay Mommy.

Nung pangalawa bes, 10 boxes of choco mangga from Cebu (Author’s note: P500+ isang maliit na box niyan, kaya hindi ko yan binili last week nung nag-visit ako sa Cebu, hehe!).

At nitong huli, isang set ng kitchen utensils made of wood. One of their business din daw nila yun.

Ayaw ko na ngang tanggapin dahil nakakahiya na talaga pero sobrang kulit at alam ko namang he’s doing this for us, investment kumbaga. (ansabeehh ng for us?!!!)

Si Mommy naman, hiya-hiya din pero tanggap din naman ng tanggap! Haha!

At si Daddy naman... Yes, si Daddy...

Ganun pa rin, nakakunot pa rin yung noo kapag nalaman niyang lumabas uli kami nila Ate kasama sina Matt.

Oo, under si Daddy kay Mommy kaya hindi siya makapalag kapag ok na kay Mommy.

Pero nitong huling gabi, hindi na niya napigilang hindi magsalita.

A peek on their real life (looking through their eyes)Where stories live. Discover now