Chapter 15: Breathe slow

11K 130 11
                                    

Sarah's POV

I've never been in this territory, its feels so strange but I also feel equally happy.

I never had that so called "legal boyfriend" in my entire life, not until now...

With Ray, he didn't even had the chance to enter in our house, more so of the chance to enter my life.

With Ge, they know that he's courting me but they didn't even know that we're already in a relationship for some months, before we call it over.

I don't know what to expect, see I've never been this way before.
But I'm hopeful and excited kung saan patungo itong relasyon namin. Hoping for the best kumbaga.

2 days after Ate Jona's birthday, nag-set si Mommy ng dinner sa bahay para pag-usapan na din ang mga bagay-bagay.

Matt and I expected some rants from them.

But what surprised us is that we talked like a family including Matt.


Daddy D: So, gaano na kayo katagal?

Matt: Wala pa pong 2 weeks.

Mommy D: Matt, sana naman ay pagtrabahuhan niyo yang relasyong meron kayo.

Ang sa akin lang din, ayokong pag-fiesta-han kayo ng publiko. Hanggat maaaring tayo-tayo na lang sana muna ang maka-alam.

Napakalaking bagay nito sa mga fans ng anak ko... sana naiintindihan mo, hijo.

Tango lang ang isinagot namin ni Matt.

Daddy D: Matteo, inaasahan kong aalagaan mo ang anak ko.

Sana natatandaan mo yung mga pinag-usapan natin, hijo.

Matt: Opo.

Daddy D: Payag na ako sa mga paglabas-labas pero may curphew pa rin kayo, 10PM.

Matt: 10 PM? Paano po kapag out-of-town trip?

Daddy D: Sinong nagsabing pwede na ang out-of-town trip? (biglang nag-iba ang emosyon nang mukha ng Daddy). Bagong-bago pa lang kayo, ang layo na yata ng naiisip mo, hijo.

Matt: Pero Tito...


Sasagot pa sana siya kaya hinawakan ko na lang yung kamay niya to send the message na huwag na siyang makipagtalo pa kay Daddy.


Mommy D: Kapag out-of-town siguro, papayag ako kapag may chaperon na kasama. Pasensiya ka na hijo, pino-protektahan lang naming itong anak ko.

Matt: Naiintindihan ko po Tita.

-------------------------------------------------------

Kahit kami na, hindi pa rin siya nagbabago, lagi siyang nasa bahay.

Ang kaibahan lang, normal na sa bahay na makita kaming magkahawak kamay at paminsan-minsan ay magkayapos.

Mommy D: O sige hijo, mag-iingat ka pauwi.

Matt: Tita, salamat po uli sa Dinner. Andami ko na pong utang sa inyo. (sabay kamot nito sa ulo)

Mommy D: Ito talaga, sige na hijo at nang hindi ka masyadong gabihin.

Sarah: Text me when you got home.

A peek on their real life (looking through their eyes)Where stories live. Discover now