Chapter 37: Lip Gloss

8.9K 125 27
                                    

Sarah’s POV

Sa ibang lalaki siguro, hindi maaari yung ganitong klaseng higpit ng magulang sa girlfriend nila.

Kung hindi man sukuan ang relasyon ay maaring sinagot-sagot na nito ang parents ko.

Pero iba siya, ibang-iba. Basta...

Sa kabila nga nang hindi pagpayag nila Mommy na sumama ako sa Cebu for Ironman at ang patuloy at lalo pa nilang paghihigpit sa paglabas-labas namin, nakita ko na sumama ang loob niya paminsan dahil napaka-tranparent talaga nito sa kanyang emosyon. Pero walang pagkakataon na nagdisrespect siya kina Mommy, kahit nga ang magtaas man lang ng boses ay hindi niya ginawa.

Pero wala na rin ang effort nito na makipag-close sa kanila, bagay na napansin ko nitong nakaraan... In-open up ko ito sa kanya nung hinatid ko siya sa sasakyan niya, nagpaalam kasi itong mauuna na, kahit na 6:00PM pa lang.

Sarah: It’s still too early, you know...

Matt: I think your Mom wants me to go home na, based on the way she looked at me... (Makahulugang sabi nito)

Sarah: It seems that you’re already giving up on courting them, Love. (Sabi ko habang nakasimangot)

Matt: No, not really... Nagpapalamig lang.

Sarah: Baka lalo silang lumayo, let’s work on this together ha?

Matt: Love... I don’t know... maybe not this time.

Sarah: Maybe you don’t understand... This is not for me, para sa atin ‘to...

Matt: Love...

Sarah: Please?

Matt: Okay... I’ll try.

Sarah: Thank you... (And I gave him a kiss on a cheek).

Matt: You really know my weakness, Love...

Sarah: I love you...

Matt: Now you know how much I love you and you’re using it against me, huh?!

 

I just nod as a response.

Matt: I’m screwed!

Sarah: Haha!

--------------------------------------------------------

Kinabukasan dumalaw uli ito sa bahay ng mga 3:00PM na yata at may dala-dala itong tuna pasta and vegetable sandwich na siya pa daw ang may gawa. Nagbiro pa nga ito dahil mauuna sana akong kumuha, kanila Mommy daw yung dala niya, hindi raw yun para sa akin. Pigil man pero nakita kong natawa si Mommy, magaling talagang manligaw itong boyfriend ko.

May times naman na magdadala ito ng wine na pinapabigay daw ni Tito Gian sa Daddy ko. At pagsasaluhan nila yun ni Daddy hanggang sa umabot na sila ng gabi sa pagkukwentuhan ng kung anu-ano.

Nito ngang isang araw, natawa kami kay Daddy habang nag-bi-breakfast...

A peek on their real life (looking through their eyes)Where stories live. Discover now