Chapter 38: Let her go

8.2K 113 62
                                    

Sarah’s POV

After nang closing prod, nandito kami sa may tapat ng dressing room and just waiting for Mommy, Tita and my P.A. na inaayos pa yung mga gamit sa loob.

May something sa mukha nito na alam kong nagtatampo na naman ito…

Sarah: Hey… what is it?

Matt: Will you be heading home? (Pag-iwas nito)

Sarah: Yeah… Love, what is it? Tell me… (Sabay hawak ko sa balikat nito bilang paglalambing)

Matt: I know what you’re doing. (He said seriously and folded his arms instead)

Sarah: Ano ba kasing problema? (Sabay hawak ko naman sa braso nito).

Medyo may idea na rin kasi ako kung bakit ito nagkakaganito.

Nakita kasi ako nito nung kinausap ako ni Ray after ko manood ng prod number ni Luis.

Nangamusta lang naman yung isa at sobrang saglit lang nun. Pero ramdam kong nag-iba na yung timpla niya after noon.

Nakita niya ring kabiruan ko si James (Reid) after ng speil namin. Nakita kong nakatingin siya mula doon sa malayo. Alam niya kasing gwapong-gwapo ako sa batang ito, pero ‘hello’ parang kapatid ko na kaya yun. Naalala ko pa noong may na-post ako about James, nung concert tour ko sa Abu Dhabi kung saan guest ko ito. Genuine appreciation lang naman yung nai-post ko pero napagtalunan pa namin yun over the phone at wala akong nagawa kundi burahin. Mahirap na may tampuhan lalo na at magkalayo kami that time. Iba kasi ang level nang pagkaseloso nitong boyfriend ko. Nakakakilig rin naman pero nakakainis naman kapag wala namang basehan para magselos.

Matt: O sige… anong pinag-usapan niyo ni Ray kanina? (Kitang-kita ang asar nito sa ginagawa nitong paghawi sa buhok niya).

Sarah: Naku, ayan ka na naman… (Sabay ayos ko din sa buhok nito, patuloy na paglalambing ko)

 

Pero hinawi niya lang ulit yung buhok na inayos ko. Hindi ko malaman kung matatawa ako o ano sa pag-iinarte nito.

Sarah: Nangamusta lang yung tao, okay? Akala ko ba kaibigan mo yung tao?

Matt: ’Ex’ mo siya Sarah…

A peek on their real life (looking through their eyes)Where stories live. Discover now