LABINGLIMA

1.2K 33 9
                                    

ISA.

Paulit-ulit lalaban at di-mawawalan ng pag-asa.

DALAWA.

Laging katuwang sa bawat paghimno, pakikigulo... pero walang susuko.

TATLO.

Masaya kami hangga't tatlong bes kaming kumakain, kahit anong nakahain.

APAT.

Sa apat na sulok ng maliit na bahay na ito namin binuo ang aming pangarap.

LIMA.

Ang bilang ng taong sa buhay ko'y nagbibigay saysay.

ANIM.

Sa bawat pag-ngiti ng aking pamilya sa bawat aking pagkanta, animo'y walang humpay ang ligaya.

PITO.

Heto na nga yata, tila abot-kamay ko na ang tagumpay

WALO.

Nakakaliyo pala sa mundong 'to, pero sabi ko nga, bawal ang sumuko.

SIYAM.

Bawal ang magdamdam, bawal ang matigas ang ulo, 'wag sayangin ang talento.

SAMPU.

Ayan na nga po, ito na ang bunga ng sakripisyo... Pangarap na buhay para sa kanila, ay natanto.

LABING-ISA.

Bakit ganito sa itaas? Nakakalula.

LABING-DALAWA.

Bawal ang sumuka, kaya kahit mahirap, UMAYOS ka.

LABING-TATLO.

Ginusto ko ito... pero bakit ako liyong-liyo?

LABING-APAT.

Ayan na naman ang mga bulong... Lumaban ka.
Humataw ka.
Mag-ingay ka.
Umayos ka...

Huwag sumuko, 'wag sayangin ang talento. Laban lang... PARA SA KANILA

LABINGLIMA.

Ba't parang wala na...
'Tila ba nanlalata, tila ba nanghihina.
Pwede bang magpahinga?
Pwede bang wag muna lumaban?
Pwede bang kahit kung ano muna ako? Kahit magulo, kahit walang kaayos-ayos..

Pwede bang tumahimik?

Lumagay sa tahimik.

Sana... AKO NAMAN.

A peek on their real life (looking through their eyes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon