Chapter 13: Superman

10.5K 115 11
                                    

Sarah’s POV

 

3 months...

Sa loob ng panahon na iyan... ipinaramdam sa akin ni Matt kung paano nga ba mahalin at alagaan ng isang tulad niya.

And I must admit, I loved the feeling...

Halos araw-araw siyang nasa bahay, maliban na lamang sa araw na may trabaho ako o kaya naman ay siya.

Pati nga ang mga kasambahay naming sina Ate Charie at Ate Bogs, nasanay na sa presensiya niya sa bahay. Minsan ay nakikita ko siyang kabiruan pa ang mga ito. Narinig ko pang binibiro niya si Ate Charie na ipapakilala doon sa isang niyang driver na binata pa, dalaga pa rin kasi itong si Ate Charie.

Noong isang araw naman ay nakita kong kalaro niyang mag-chess si Kuya Badong, isa sa mga bodyguard, habang sina Kuya Jerome at Kuya Jun ay matiim na nanonood sa laban ng dalawa (mga driver namin).

Tatlong beses na rin siyang nakasama sa get together namin ng mga tita, tito at pinsan ko. Nagba-bonding kasi kami at least once a month. Ito ngang sina Janus at Jepoy (3 & 4 yrs. old), ang pagka-ku-cute kong mga pamangkin sa pinsan kong si Ate Carla, ay nabihag din ng charm nitong si Matt.

I appreciate his effort and he’s been the closest so far...

Jepoy: Tita, pupunta po ba ngayon si Tito?  

Sarah: Sinong Tito? Si Daddy Pogi? Andun na siya sa loob baby... (Ganun ang tawag nila kay Daddy, ayaw pa kasi nitong magpatawag ng Lolo).

Jepoy: Hind po si Daddy Pogi... si Tito Pogi po Tita, si Tito Matt!

 

Nag-init ang mukha ko sa sinabi nitong si Baby Jepoy... buti na lang at walang ibang nakarinig sa pag-uusap namin.

Janus: Ano po Tita? Pupunta po ba si Tito Matt?

Sarah: Yes baby, pupunta siya... teka, sino ba nagsabing tawagin niyo siyang Tito? Just call him Kuya Matt, ok baby?

Janus: Ayaw!

Sarah: Anong ayaw? Aba...

Jepoy: Kasi Tita...Tito Matt told us that he’ll give us miniature nung mga race car, ‘pag tinawag namin siyang Tito.

 

Pagdating nga ni Matt, dala-dala niya ang mga race cars na ipinangako niya sa dalawa.

Janus: Tito Matt, you’re the best! (Sigaw nito sabay yapos)

Jepoy: Ikaw na magiging Tito namin ‘di ba?! (Sabay halik sa pisngi ni Matt na ngiting-ngiti sa sinasabi ng dalawa)

 

Sabi nito na nagpahagalpak sa aming lahat habang ako ay wala nang ipupula pa ang pagkapula ng mukha.

Ate Carla: May dalawa ka na palang kakampi Matt! (Panunukso nito)

Joy: Isama mo na din ako, Ate! (Pang-gagatong ng paborito at pinaka-mapang-asar kong pinsan).

A peek on their real life (looking through their eyes)Where stories live. Discover now