UNO

1.2K 31 2
                                    

Nagising ako mula sa isang bangungot. Bangungot ng aking nakaraan. Posible bang may nakamasid sa akin habang natutulog ako kaya masasama palagi ang panaginip ko? No!

Bumangon na ako at agad dumiretso sa banyo para maghilamos. Nakikinikinita ko ang malabong repliksyon ko sa salaming nasa harap ko. I slowly touch the mirror, I want the girl in front of me to put a smile on her lips,she seems so lonely but suddenly I feel like spinning around kaya napakapit ako sa lababo at pinahupa ang aking pagkahilo. Pero nang mag angat ako ng tingin iba na ang nakikita ko. 

Naging gawa sa kahoy ang pader, wala na ang lababong marmol at faucet,maski ang bath tub o shower. Tanging ang salamin na lamang na nakasabit sa pader ba gawa sa kahoy ang pamilyar na bagay na nakikita ko sa apat na sulok ng kuwartong ito. 

A very old room, what the heck is happening? 

I was shock at the scene but in a blink of an eye, everything fades, bumalik ako sa kasulukuyan at kasabay noon ang panandalian kong pakatulala sa tubig na patuloy paring umaagos galing sa faucet. Ipinilig ko ang ulo ko, maybe I was just hallucinating or something.

Saka palang nagsink in sa utak ko kung anong araw at petsa na ngayon. Napailing nalang ako at binitawan ang mapait na ngiti sa aking labi. 

Mabilis akong kumilos at nag-ayos ng sarili. Binulsa ko nalang ang susi ng kotse. Hindi ako pwedeng magmaneho baka dun na ako matuluyan. 

Naalala kong naiwala ko pala ang cellphone ko kagabi. Goodness Rosha.
Napairap nalang ako. May nangyari kagabi at naihulog ko sa kanal ung phone ko. That pieces of craps. Nakakakulo ng dugo. Kung pwede lang madungisan ng dugo ang mga kamay ko,maybe I'll rip their souls out. When they found out that their companion was dead inside my hideout they freaking went after me.

Bago ko pa man din mabuksan ang pintuan palabas ay nagulat ako sa tunog na nilikha ng mga utensils sa kusina. Sinilip ko iyon at nakita kong nagkakalat na sa lababo ang lahat ng nakasabit na sandok, spatula at tongs. Anong nangyari? Galing ako kanina dito pero sigurado akong ayos pa lahat ng gamit dito. 

Tiningnan ko ang bintana, kaunti lang ang pagkakabukas nito. Hindi naman lumindol kanina... is it ghost na naman? Kinilabutan ako sa naisip ko. No way! Halos magbuhol ang mga paa ko makalabas lang ako ng bahay na iyon. Simula ng tumungtong ako sa apartment na ito di na ako matahimik.

No choice ako kundi sumakay nalang ng taxi. Pinadaan ko muna sa flower shop bago kami dumiretso sa White Lies cemetery. Nagpaparamdan na siguro ang mga mahal ko sa buhay. Myghash! No. Paano kung hindi sila ang nagpaparamdam sa akin cause for all I know good spirits will not stay in the human world. 

Inalalayan ko ang sarili para makarating sa kung saan nakahimlay ang dalawang mahal ko sa buhay.

Hanggang sa dulo magkasama parin silang dalawa. Mom and dad...kung saan man kayo ngayon I hope you're doing well...

Once you died then you became nothing but ashes and a memory to someone else's. Sumikip ang dibdib ko kapag naalala ko kung paano sila nawala sa akin. Sumisikip sa sobrang sakit at poot.

After nun naglakad nalang ako papunta kung saan ngayon ang kaibigan ko. Alam kong hindi ko na sya maaabutan dun pero nagpatuloy parin ako. Pambihira, oras na ata ang inabot ko sa paglalakad dahil wala akong suot na eye glasses o contacts man lang. 

Napailing nalang ako ng maalala ko kung paano ako asarin ni kuya noon. Sasabihin niyang 'Ilan to?' tapos itatapat ang dalawang daliri sa muka ko, malabo na talaga ang paningin ko mula pa noon. He's just a boy back then...the best man in this cute earth is my dad. After my grandma's death a family adopted me,they only had a son and they wanted a daughter.

Three Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon