DIYES

149 10 0
                                    

"Tasya" hindi ko alam bakit parang narinig ko ang pangalan ko na tinatawag niya and take note binasa ko lang ang binigkas ng labi niya.
Parang nagugulumihan ako sa mga nangyayari. Nahilamos ko nalang ang kamay sa aking muka. Shockless! Mababaliw na ako ditoooooo! Waaaaahhhh! Okay Ambrosia calm your tits kung meron man... inhale, inhale lang. Okay. Maski pangalan ko nakalimutan kong ako pala si Ambrosia. This world is getting me lost my sane.

Natauhan ako nang may taong bumunggo sa akin. Muntik na akong maoutbalance at mabungkal sa kinatatayuan ko.

"Paumanhin-" kapagkuway tumakbo na si judas.

"Hulihin niyo ang kawatan na iyon! Harangin ninyo! Buwesit mga hangal!" Tumabi ako para bigyan daan siya bago pa man niya ako mabundol. Parang nagslowmo ang lahat ng malapit na siya sa akin. Hindi ko alam pero nagawa ko pa siyang titigan mula ulo hanggang paa. Nang makalampas na siya sa kinaroroonan ko saka lang bumalik sa normal ang lahat. Hinahangin ang iilang hibla ng aking buhok. Pero ang mas lalong nagpakaba sa akin ay ang kanyang muka. Nanlaki ang mga mata ko nang mag sink in sa utak ko ang itsura niya. Agad akong lumingon para masundan kung saan siya tumungo pero wala na siya. Urgh.

Kaelin Dukas is also here?! Parang iiyak ata ako sa sobrang tuwa. All of a sudden. Why now? Bakit nangyayari ito ngayon? Sa gitna  pagtataka ay pumasok sa isipan ko ang lalaking una kong nakita kanina dito sa plaza. Sinuyod ko ng tingin ang buong paligid. Umikot na nga ata ako ng 360°, pero wala na siya. Ni hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya nang magkasama kami noong gabing iyon. Kailangan ko pa ba itanong iyon? Like duhh? Syota yun ni Tasya-but right now Im Tasya,so yeah, whatever. Ang dapat kung alalahanin ay kung paano ako makakauwi. The F naman kasi mga boi, parang nagteleport ako sa lugar na hindi ko naman alam kung saan. Naglakadlakad nalang muna ako para saksihan ang kaganapan sa paligid at para narin maging pamilyar ako lugar na ito. Ilang oras na ang nagdaan at nakakaramdam na rin ako ng pagod at pagsakit ng paa,hindi ko parin alam kung paano umuwi. Wala akong pera pambayad sa kalesa o ano mang karwahe. Tanging itong basket lang ang dala ko. Nanunuyo narin ang lalamunan ko. Huhu. Sumalampak nalang ako ng upo sa gilid ng kalsada. Kung binaybay ko ang mga daanan na nakita ko kanina baka tuluyang hindi na ako makauwi. Napabuntong hininga nalang ako.

"Sino ba kasi ang nagdala saken sa lugar na ito!" Kausap ko sa sarili ko. Sakto na may humintong kalesa sa tapat ko akala ko may ibababang pasahero. Pinaihi lang pala niya iyong kabayo! Aba't- napatayo ako ng wala sa oras, ikaw ba naman matalsikan ng ihi gusto mo nun?

"Manong!" Tawag ko sa driver ng kalesa. Lumingon naman sa akin ang lalaking medyo may edad na.

"Alam po ba ninyo ang lugar kung saan nanunuluyan ang pamilya Salamanca ngayon? Iyong nayon ho."
Napakamot ako ng ulo, di ko alam kung anong eksaktong lugar iyon.
Sa pagtango niya ay nagliwanag bigla ang buhay ko. Insert Meralco. Not sponsored. Charos.

"Kung gayon ho ay maari ninyo po ba akong ihatid doon?"

"Isang daang kusing iha ang ibabayad mo sa akin." Wait,nahilo ata ako sa 100 niya.

"Haha...doon nalang po ako magbabayad manong,wala... kasi akong dala dito, haha..." awkward kung sambit sa kanya. Napakamot naman siya ng batok.

"Ipagpaumanhin mo binibini, ngunit kailangan mo pong magbayad muna bago ang serbisyo ko sa inyo. Napakarami ng manloloko sa mundo binibini." Mahinahon niyang sabi at pinaandar na ang kalesa niya.

"Hoy! Hindi ako manloloko!" Sigaw ko sa kanya. Matandang iyon, mapahusga masyado.
"Teka lang manong ano ang ngalan ng nayon na iyon! Manong! Manong!!" Sinubukan ko pang habulin pero sobrang layo na niya. Putspa naman ser!

Brosia!sige bobohan mo pa!

Psh! Anong gagawin ko ngayon huh? Mainit na ang sikat ng araw at naguumpisa na akong mangitim. Urgh, kung titingnan iyong anit ko sobrang white cause I don't stand sa ibaba ng sun. How dare is this world ba? Padaskol na ginawa kong panakip ulo ang basket na kanina ko pa hawak.

Three Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon