VEINTIUNO

101 6 0
                                    

Lamig ng hangin, patak ng ulan,ingay ng mga rumaragasang sasakyan. Namulat ako sa kakaibang mundo na matagal ko ng labis na inasam. Hindi ko alam kung paano at bakit ako napunta dito. Naguguluhan ako sa nangyayari and aside from that sobrang sikip ng dibdib ko. Maraming bagay ang nawala sa akin sa maikling panahon na nanatili ako sa lugar na iyon. Ganito pala ang pakiramdam ng may iniiwan kahit hindi mo pa kagustuhan.

BEEEEEEEPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPP!!!!!!!!!!!!

Tulala akong nakatingin sa rumaragasang truck ng coca cola. Hindi ako nagpatinag pero naramdaman kong napasalampak ako sa sementadong kalsada ng EDSA.

"Huy! Balak mo bang magpakamatay! Lintek na mga tao sa pinas ang titigas ng ulo!" Sigaw ng mamang nakadungaw sa bintana niya. Napatingin ako nakalagay na signage.

"BAWAL TUMAWID DITO, NAKAKAMATAY."


Natraffic dahil sa akin pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon at naglakad papunta sa tabing kalsada. Halos bumaliktad ang ibang sasakyan sa lakas ng preno dahil sa akin but i dont give a damn. This is the point in my life where I needed the strongest word than saying fuck.

Halos mabingi ako sa busina at sigaw nila pero wala akong pakialam. Para akong basang sisiw na iniwan ng ina sa ulanan.
Sumalampak ako ng upo sa tabing daan. Pilit ko paring iniintindi ang lahat ng nangyayari. Imbes na maging masaya ako dahil nakabalik na ako ay hindi ko parin mapigilan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng luha sa bawat segundong naaalala ko ang mga taong naiwan ko at posibleng hindi ko na kailanman mabalikan pa.

"B-brosia?! O my freaking geez! Ikaw nga yan. What happened to you! Malalagutan na ako ng hininga just to find you for how many stressful weeks!" Mahigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko at inalog-alog pa ako nang hindi siya makontentong yakapin ako. Wala pa rin akong reaksyon dahil sobrang nadidrain ako. I feel nothing and Im getting numb. He touch my face at tinampal tampal ang pisngi ko.

"Look at you..." may pinatong siya sa balikat ko and somehow i can feel the warmth cause of it.

Nakita ko nalang ang sarili ko na nakasakay sa loob ng kotse niya. Hindi ko akalain na may sasakyan pala ang taong ito. Hanggang sa makarating kami sa condo ay wala padin akong kibo.

"Heto maligo ka tapos at magbihis ka na baka kung saang sakit ka pa abutin." Binigyan niya ako ng tuwalya at nagkumahog na din siyang magpunta sa kwarto niya. Baka maliligo din siya dahil lmaging siya ay nabasa sa ulan.

Tiningnan ko ang buong silid. Walang pinagbago simula ng mawala ako. Gayon din ang silid ko na mukang hindi man lang nagalaw ang kahit anong naroon. Hindi na nga siguro bumalik dito si Khione dahil kung bumalik siya ay ukupado niya ang kwartong ito cause she own it in the first place.

Pagkatapos kong asikasuhin ang sarili ko ay humilata na ako sa kama. Napapikit ako at dinamdam ang paglapat ng malambot ng kutson sa likuran ko.

"Mav..." banggit ko. Alam kong kanina pa siya nariyan at nakasandal sa gilid ng pintuan ko habang pinagmamasdan akong kanina pa tulala sa kisame.

"Are you-"

"Im not mav...i think Im sick."sagot ko sa alam kong tanong niya.

"Saan ka ba nagsusuot nitong mga nagdaang linggo ha, Brosia?" Tinaasan niya ako ng kilay habang nakaekis ang dalawang mga braso sa dibdib niya. Pero dama ko kung gaano siya sobrang nagalala sa akin.

"Anong petsa na ngayon mav?"

"Ados na ng oktubre,bakit?" Nagtatakang tanong niya. Napabuntong hininga nalang ako. Nananaginip lang ba ako? Parang mababaliw na ata ako. Maybe I need to see a psychiatrist tomorrow. Magpapaconfine nalang ako sa mental kapag nagkataon. Napailing nalang ako. Siya naman ang narinig kong bumuntong hininga at narinig kong lumabas siya ng silid. Pagbalik niya ay may dala na siyang kit saka tumapat sa paanan ko. He patted the edge of my bed. Napabangon ako at naupo doon.

Three Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon