ONCE

142 9 1
                                    

Abala ang Donya sa mga apo niya at pakikipag kwentuhan kay Ate Lusila. Masaya akong makita siyang nangiti at nageenjoy. Tama ngang bumisita kami dito, nararamdaman ko kasi ang lungkot ni ina kapag nasa bahay lang siya at nagbuburda, minsan pa nga nakikita ko siyang tulala sa labas ng bintana. Nasa sala ako ng bahay, open ang area ng salas nila tingin ko para narin maging tanggapan ng bisita. Parang isang malawak na balkonahe na siya. May mauupuan na gawa sa kahoy bawat gilid kung saan ako nakaupo ngayon at nakatanaw sa mga batang naglalaro sa tapat ng bakuran. May mga magagarang mesa at upuan din sa gitna, mukang tanggapan ng mamahaling bisita.

Masaya akong nakamasid lang sa mga bata. Ibang laro naman ang nilalaro nila ngayon. Kanina nakabilog sila at naka upo. May mga pares ng stinelas sa gitna nila, may isang taya na tatalikod at huhulaan niya kung sino at saan ang kapares ng isang stinelas. Ngayon naman naghuhukay sila sa lupa. May mga stick sila na kasing laki at haba ng SOS flashlight ng eat bulaga. Again not sponsored! Kalahati ng katawan nun ay nakalibing sa maliit na butas. May pamalo naman silang kahoy na kasing katawan ng stick na nilibing nila doon pero mahaba lang ng kaunti,yun iyong pinapang palo nila sa nakalabas na dulo nung maliit na stick na nasa lupa. Kapag lumipad na sa ere ung stick saka nila papaluin ulit iyon palayo. Palayuan sila ng mararating. Hindi ko man lang naranasan ang larong kalye.

Komplikado ang buhay ko noong kabataan ko pa. Bihira lang akong palabasin sa bahay ng lola ko noong elementary,kesyo daw may kukuha sa akin at ilalayo sa kanya putchuputchuputs at tanging si Mavros na apo ng frenny ni lola ang naging kaibigan ko. Madalas siyang tambay sa loob ng bahay namin at naglalaro ng baril barilan at cars. May isa akong laruan noon na barbie at gustong gusto niya talaga iyon. Nagiisa lang iyon at hindi ko naman pinaglalaruan kasi ayaw ko ng barbie. Ang creepy lang ng ngiti niya. Kaya naman noong hiningi ni Mavros ay binigay ko na, pero syimpri magpaalam ako kay lola grandma iyon kasi ang pangalawang regalo niya sa akin. Mas nauna kasi si lightning mcqueen.

Tuwing napapadalaw si Mav sa bahay namin noon lagi niyang dala ang Barbie na iyon at ang bruhildo pinangalanan pa iyon ng Lesly. Natatawa ako tuwing naalala kong sinusuklayan pa iyon ni Mav kasabay ng paghawi ng sarili niyang bangs kuno na hindi naman visible sa mata ko. Dahil bata pa ako nun wala akong pakialam sa kanya. Kung hindi naman akong naglalaro ng cars at baril barilan kasama si Mav at Lesly, ay nasa likod bahay ako at naglalaro ng dart kasama si lola. Pilit din niya akong tinuturuan mag archery kahit na ayaw ko kasi masakit na sa braso at kamay. Nakakangalay lang. Naiiyak na nga ako minsan pero mas nakakaiyak naman iyong palo ni lola sa akin pag nagiinarte ako. Huhu.
Hanggang sa nasanay nalang ako sa ganong takbo ng buhay ko.

Noong nag high school naman kami ni Mav, nasa iisang school lang kami kaya naman kapag maraming nang bubully sa kanya ako ang pansalag niya. Natuto lang naman akong makipagbasag ulo noong mga panahong di ko na kinayang makita si Mav na unti-unti ng nadedepress. Pero ang walangya, noong nakita niya ulit ang Crush niyang niyang si Leucine parang kahit bugbugin siya nakangiti padin ang loko. Feeling nya ata nasa heaven siya eh. High na high ang hayuf. Pero nagkahiwalay din ang landas namin ni Mav noong mamatay ang lola ko. Ang daming nangyari at wala akong ibang naiisip kundi ipagtulakan siya palayo dahil ayaw kong madamay siya sa mala amusement park kong buhay. Namiss ko na si lola grandma...

Hindi pa man din ako tuluyang nakakabalik sa reyalidad nang may tumamang kung ano sa noo ko. Napamura ako sa sakit. Shetpak lang. Solid ang sakit tagos ng cerebrum ko! Pakiramdam ko lumabas ang 3 dimentional spirit ko. Linsyak na yan. Inis kong tiningnan kung ano ang tumama sa akin habang kinakamot ang makati kating masakit kong noo. Pinulot ko iyong stick na inililibing nila sa lupa para paluin. Waw. Ang taba nito para sa noo ko.

Medyo mataas ang bahay kaya walang ibang nagawa ang mga bata kundi ang natawin ako. Madudungis na ang hitsura nila ngayon. Halatang babad sa laro at araw. Dagdag mo pa yung maalikabok na sila at may bahid ng lupa.

Three Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon