QUINCE

100 7 0
                                    

Kinabahan ako ng may marinig akong kaluskos sa paligid. Isang bulto ng tao ang nakita kong papalapit sa direksyon ko. Pilit kong kinalma ang sarili ko dahil nasa harap ko na siya. Hindi ko alam pero tuwing nasa paligid siya sobrang kaba ang nararamdaman ko. Inalis niya ang suot nyang tabungaw at nagyuko sa akin, and I even saw him smirk at me.

"Anong ginagawa mo dito?"nanlaki ang mga mata anas ko.

"Ako ang maghahatid sa iyo." Pormal niyang sabi. Para akong napipe na sumunod sa kanyang maglakad. Napapikit nalang ako ng madiin at kinagat ang itaas kong labi. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

Nasa likod lang ako. Alam kong pinapakiramdaman niya ang kilos ko kahit na mukang wala siyang pakialam na kasama niya ako. I sighed. I feel safe and secure with him but it's just a false hope and irrational feeling to be felt.

"Malayo pa ba?" Tanong ko sa kanya. Halos mag iisang oras na kaming tahimik na naglalakbay at nanunuyo na ang lalamunan ko. Nanakit na din kasi ang bukong-bukong ko kakalakad at kakasunod kung saan niya ako dadalhin. May pinarada daw kasi siyang kabayo na hindi ko alam kung totoo ba. Sa kabila ng nalaman ko hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan, pero nakikita ko parin ang sarili kong nagtitiwala sa kanya. Parang any time soon nanganganib ako.

Hindi na kami naguusap kagaya ng nakagawian namin noon. Malamig na din ang turing niya sa akin. We're like a total strangers to each other now. Joke time lang pala lahat. Bakit, kami ganito?

"Nakikita ko na siya." Sabi ni Luinco.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa hingal. Isang hakbang niya kasi dalawang hakbang ko. Nakakapagod maglakad takbo.

Isang puting kabayo ang nakatali sa isang payat na puno. May pulang bandana ang tali ng kabayo tanda siguro ng pagmamay-ari.

Sumampa na siya doon matapos niyang tanggalin sa pagkakatali ang kabayo. Ako na si timang ay hindi alam ang gagawin ko. Isang metro ang layo ko sa kabayo baka magwala iyon dahil nakakita ng diwata. Charos.

Senenyasan na ako ni Ingko na umakyat sa kanyang kabayo pero paano? Huli kong sakay ng kabayo noon sa pagkakaalala ko ay halos ikamatay ko na. Hindi pa man ako nakakasampa noon ay nagwala na ang salbaheng kabayo na iyon at nagtatakbo. Gusto ko na sanang barilin sa ulo naalala kong baka makulong ako. Sinumpa kong hindi na sasakay ulit ng kabayo.

"Ano pa ang iyong inaantay?" Anas niya. Napabusangot nalang ako at nilakasan ang loob na sumampa doon. Inisip ko nalang ang pamilyang nagaantay sa akin.

I was amaze by the horsy kasi ang taas niya, ang laki at malaman. Hindi katulad ng kabayo sa Luneta at Intramurous na kinulang sa lahat, bultong mga tao pa ang isinasakay sa kalesa para hatakin ng isang maliit at patpating kabayo. Tss.

Hindi ko magawang kumapit kay Ingko kahit gaano pa kabilis ang paglakad ng kabayo at umaalog-alog ako. Hindi naman ako mahuhulog-

"Aahhhhh!" Halos mapamura na ako dahil bigla niyang pinatakbo at halos ikahulog ko na. Punyeta! Napayakap tuloy ako sa bewang niya ng napakahigpit. Naisahan niya ako ah.

Halos isang oras ang inabot ng paglalakbay namin. Nadadaanan na rin namin ang pamilyar na daan patungo sa Biak na Bato. Inalis ko na ang ulo ko sa pagkakasandal sa likuran ni Ingko. Napagod na din kasi ako kakapalatak dahil sa bilis niyang magpatakbo.

Bigla ay inihinto niya ang kabayo saka bumaba mula doon. Susunod din sana ako pero pinigil nya ako. No choice ako kundi ang manatiling nakasakay, habang siya ay hawak ang tali at naglalakad kasabay ng kanyang alaga.

Mukang hindi naman ako itatakbo ng kabayo kaya kalmado lang ako. No unnecessary movement for me baka biglang takbo ito ewan ko nalang saan ako pulutin. Saglit na dumako ang mga mata ko kay Ingko. Malapit na at magiging ermetanyo na sya sa haba ng bulbol nya sa muka. Pero kahit ganon, hinawakan ko ang dibdib ko, ang lakas padin ng dating niya sa akin. Lihim akong napangiti doon.

Three Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon