VIENTE

96 8 0
                                    

"Senyorita! Sandali lamang baka may makakita po sa inyo at malalagot po tayo!" Halos kaladkarin na ni Neray ang kanyang sarili dahil naunang maglakad si Julia at ayaw na magpapigil pa. Nakapambihis si Julia kagaya ng suot naming kupas na baro't saya kaya mukang walang pinagkaiba ang estado namin sa buhay ngayon.

Hindi naman kumibo pa si Julia, sandali itong nahinto at ng muntik ng mabunggo si Neray sa likod nito ay nagtuloy ito sa paglalakad na hindi man lang lumingon. Hindi na nagsalita sa si Neray at tahimik na naglakad sa likod ni Julia. Nasa likod nila akong dalawa dahil medyo mabagal ang aking paglalakad. Malapit na kami sa palengke. Malawak ang lugar,napakatanga kong mag-isip at magbakasakali na lumitaw dito si Ingko sakay ng kanyang puting kabayo. Palinga-linga ako maging sa aking likuran. Napailing nalang ako at sinaway ang aking sarili dahil hindi kagaya ng reyalidad ang mga napapanood ko palabas na bigla na lamang susulpot ang lalaki galing sa kung saan at masusurpreysa ang babae. Napairap nalang ako. Ngayon palang Brosia, stop doing whatever you'll be doing.

"Senyorita may nais ho ba kayong ipagbili? Ipagkakasya ko po ang ibinigay sa akin para sa inyo." Sabi ni Neray. Maingay naman ang paligid kaya walang makakarinig sa kanya. Umiling lang naman si Julia na manghang-mangha sa mga nakikita niya. Nasa gulayan kami, at habang namimili ng gulay si Neray ay kinikilatis naman ng señorita Julia ang iba pang gulay na makita niya doon.
Wala na kasi masyadong bunga ang mga gulay doon sa gulayan ng mga Ybañez. Limitado lang ang mga naroong gulay at limitado lang din ang pangunguha dahil kakatanim lang daw nila noong nakaraang buwan sa gulayan na iyon. May tumubo na puno ng malunggay doon kaya doon na rin nila tinanim ang iba pa.

Nakarating na kami sa isdaan at sobrang lansa at nakakasulasok sa ilong ang amoy ng mga isda pero muka naman silang fresh at malinis.

"Manang magkano ho ang tilapia ninyo?"

Habang nagtatanong si Neray ay nakatingin naman ako kay Julia na titig na titig sa isdang kulay pinky- orange. Nilapit niya pa ang muka para matitigan iyon ng maigi saka marahang sinundot ang tiyan noon. Biglang gumalaw ang isda at nagulat si Julia na halos tumalon na siya. Napabulanghit ako ng tawa. Sinamaan naman ako ng tingin ni Julia.

"Paumanhin pero ngayon lang ho ba kayo nakakita ng buhay na isda?" Natatawa ko pading sabi. Napaismid naman siya sa akin.

"Ngayon lamang ako nakarating sa ganitong lugar kung saan ang mga buhay na isda ay binebenta ng wala sa tubig." Napakainosente pala ng isang ito at naiintindihan ko dahil namumuhay siya bilang unica ija ng mga Ybañez. On the other side, I was really amaze by her personality. Hindi siya nagiinarte at nagbubuhay mayaman.

"Ano ho ang inyong dahilan at sumama ka sa amin senyorita?" Tanong ko sa kanya. Si Neray ay abala pa din sa paghahanap ng mga sangkap.

"Julia na lamang ang itawag mo sa akin Tasya."

"Ngunit bakit?"

"Kung lumalabas sana ako ng aming tahanan noon at nakikisalamuha sa ibang binibini ay tiyak na naging kaibigan kita,pagkat parehas tayong may gustong takasan at maging malaya kahit na sa maikling panahon lamang." Kalmado niyang sabi at parang malalim ang iniisip.

Napangiti ako sa kanya.
"Kung tatanggapin mo ho ako sa gantong kalagayan ay maari mo pa din akong maging kaibigan." Kahit isa na lamang akong pobreng nilalang. Matamis na ngiti ang binitawan ni Julia sa kanyang mga labi. Nagningning din ang kanyang mata at lumiwanag ang kanyang muka.

"Kung ganoon ay ikaw ang pinakauna kong kaibigan Tasya at magiging huli. Salamat sa pagkakataong kagaya nito, lubhang nasisiyahan ang aking puso."

"Ako ho Señorita kaibigan mo na din ba?" sabat ni Neray. Natawa nalang kaming dalawa ni Julia.

Nang makauwi na kami ay palihim na bumalik sa mansion si Julia. Nakapagbihis narin siya ng normal niyang damit dahil tinago niya pala ang  kanyang kasuotan kanina sa kung saan man para makapagbihis siya ng yagit na damit.

Three Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon