SYETE

225 11 0
                                    

Parang binibiak ang ulo ko ng maramdaman kong tamaan ng sinag ng araw ang aking muka . Unti unti kong inimulat ang aking mga mata . Sa pagkakaalala ko nahulog ako sa balon pero bakit katabi  ko na ngayon ang balon?

Nangapa ako sa lupa nagbabakasakali na makita ang salamin ko at sa kabutihang palad ay nakita ko sya. Agad kong sinuot iyon madumi man at puno ng gasgas mas maiigi na basta nakakakita ako ng malinaw.

Laking gulat ko ng makita ang nasa paligid. Mga taong nagkukumpulan at lahat nakamasid sa akin na para bang isang maling galaw ko lang ay handa na silang tagain ako sa leeg. I look at how they dress. I laugh slightly. Pinagtitripan ba nila ako?

"Come on people! Anong pakulo na naman ba ito hah? Hindi na ako natutuwa. Sa susunod pa birthday ko, is this a freaking surprise? Sinong may pakana nito sabihin niyo sa akin. Sino?" Pinagtitignan ko sila pero sa bawat pagbigkas ng mga salita at pagtingin ko sa kanila ay napapaatras sila ng bahagya. Gosh! What is happening to these people. Napailing nalang ako. This is very frustrating.

"Huy! Magsalita kayo hindi iyong tinititigan niyo lang ako, like duh alam kong maganda ako, may party ba? Katutubong damit like that iyong theme niyo? Unique Idea ah, sinong nakaisip?"

Tumayo na ako at pinagpagan ang medyo basa ko pang pantalon, tiningnan ko ang maputik kong puting sapatos, urgh, frustrating yeah. Nakacrop top pa ako. Muka akong basang sisiw na nilublob sa putikan. I heard them gasp. I saw how shock they are seing me at this state. Awwwwiee, pity me. Nagumpisa na silang magbulungan. Their gestures made me feel like Im an alien in this area.

"Anong pangyayari ang pinagkakaguluhan ninyo sa lugar na ito- juskomaryosepmahabagingamapatawarinmonawahindiniyaalamangkanyangginagawa!"

Biglang sumulpot ang matanda at napasign of the cross siya nang makita ako. Napakunot ang noo ko saka pinagaralan ang paligid.

The last time I remember bumabagyo at hanggang tumakbo ako kakahuyan ng may mga taong naghabol sa akin. But right now I think Im in a different place. May nakikita akong maliliit na kubo sa paligid na gawa sa nipa, kawayan at kung ano pa man. Maayos at mukang bago pa ang balon dahil may kahoy ito, sa pagkakatanda ko ay wala ito kagabi. Nagugulumihanan na ako ng magsalita ulit ang matanda.

"Isang dayo! Ipagbigay alam agad ito sa kinauukulan dalian na ninyo!" Sabi ng matandang babae.

Napaatras ako ng magsilabasan ang mga hawak nilang itak, pambato,cross, rosaryo, bawang,asin at iba pang mukang pangontra sa akin. Is this what you call aswang gaming?

"Woaahhh,hindi ako masamang tao, wala akong gagawing masama sa inyo, calm your butts- i mean- ibig kong sabihin kayo ay kumalma- ako mabait-" Tinuro ko pa sarili ko.

"Ako- bait ako- bait..." pilit ko mang kumbinsihin ay mukang di ako kapanipaniwala.

Muka lang akong timang. May isang bata na humawak sa mapula pula kong kulot na buhok at mukang namangha sila, sinundan pa iyon ng iba pang bata na mukang marurungis.

Myghaddd, they're giving me goosebumps. Samantalang ang iba naman ay kumbinsido na hulihin ako utos narin ng nakakatanda habang inilalayo nila ang mga bata.

No choice ako alangan naman tumalon ako ulit sa balon, nabuhay na nga ako ngayon eh, diko nga lang alam kung saang planeta na ako naroroon.

Tumakbo ako palayo sa lugar na iyon, nakalimutan ko na nga na may mga sugat pa pala ako, naramdaman ko nalang ulit ang sakit ng mga iyon ng madapa dapa ako kakatakbo makatakas at makalayo lang mula sa mga iyon.

The fudge is happening to me?! Mukang mali pa ang nalusutan kong daanan dahil paglabas ko mula sa mapunong lugar na iyon ay bumungad sa akin ang mataong lugar.

Nilingon ko ang mga taong humahabol sa akin palapit na sila kaya tumakbo nalang ako sa hitna ng maraming taong abala sa pamimili.

In the middle of a sea of people I found my self being mesmerize by what I am seeing right now. Para akong nasa makalumang panahon.

May shooting ba?

Im not yet convince by my own hypothesis. Lahat sila nakasuot ng makalumang damit. May ilan ng nakakapansin sa akin lalo na ngayong bakas pala ang dugo sa suot kong damit. Binilisan ko ang paglakad baka mahuli nila ako at ibalik sa lugar na iyon. Baka ialay nila ako sa anito o kaya naman gawing bulalo. NO!

Napansin ko ang isang stall ng mga damit. Busy ang lahat ng mamimili sa pamimili ng mga bibilhin nila. So I sneak through the store at dumekwat ng pares ng barot saya.

"Ikaw! Madumi iyo kamay hawak mo aki paninda!" Sabi ng instik. Pero wala na akong pakialam. Hawak ko na ito kaya akin na ito.

Tinakbo ko na iyon na parang nakadepende doon ang buhay ko. Hindi ko alam kung ilang tao na ang humahabol sa akin. Pasimple narin akong humablot ng panali ng pamadaan ako sa tindahan ng mga pangkolorete sa buhok.

Nakita ko nalang sarili ko sa tabi ng ilog, bihis na ako na parang nabibilang ako sa mga sinaunang katulong. Tinali ko din ang buhok ko ng naayon sa damit ko ngayon.

I decided to make tapon my pantalon at crop top sa ilog. Ang mahalaga ay ligtas ako mula sa mga taong iyon.

Napasalampak nalang ako sa damuhan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon sa buhay. Im here sitting and creeping out of elsewhere and I don't know what to do damnit.

Im on the verge of crying, this whole thing is creeping me out. Nakatulala lang ako at tahimik na pinagmamasdan ang maingay na pag agos ng tubig ilog.

"Binibini, tama nga si Anchita dito nga kita matatagpuan,ipagpaumanhin mo po kunghindi na kinaya ni Anchita ang sundan ka pa sapagkat sukat lamang ang paghahabol ng kanyang hininga."

Napabalikwas ako ng tayo at pinakatitigan ang lalaking nasa harapan ko.

Muka siyang magsasaka in all fairness. Handa na sana akong karatehin sya,ready to make fightfight na ako eh pero mukang mabait naman sya at pinagtataka ko lang ay kilala niya ako.

"Kilala mo ako?"
Kumunot ang noo niya at napakamot sa batok.

"Kung hindi lang kita matalik na kaibigan Binibining Anastasya at kung ikaw ay isang ginoo na kagaya ko ay kanina pa kita binatukan." Natatawa niyang sabi. Anastasya?

"Ang brutal naman ng taong ito." Bulong ko pero mukang narinig naman niya at mas lalo pa nitong kinatawa. With this state na sobrang kailangan ko ng tulong at kalinga mukang ang taong nasa harap ko na ang syang sagot sa lahat.

"Binibining Anastasya, Juancho jusko, mukang ako ay inaatake na naman ng aking karamdaman." Biglang sumulpot ang isang dalagita naghahabol ng hininga na mukang kasing edad ko lang kung susumahin.

Siya ba ang tinutukoy ng Juancho na ito na si Anchita?

"Binibini, napakahilig mo naman po kasing makihalubilo sa mga nakakababang uri ng tao dito sa bayan, maaring kayo ay mapahamak sa inyong ginagawa. Nawa'y sa susunod ay hindi na ninyo kami muling takasan sapagkat lubos ang aming pagaalala sa tuwing ikaw ay nagpupunta sa lugar na ito. " pagbubunganga ni Anchita.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon sa dalawang taong to.

Wala din akong nagawa ng isakay nila ako sa loob ng kalesa. Si Juancho ang nagmaniobra sa kabayo samantalang si Anchita naman ay nasa tabi ko. Mukang okay naman na ang kanyang pakiramdam.

I think nga na may hika siya. Walang umiimik sa aming dalawa ni Anchita kaya inaliw ko nalang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtingin sa dinadaanan namin.

Woww...

Nalula ako ng makita ko ang karagatan sa may di kalayuan. It's blue and that is very amazing,seing the blue sea that sorrounds the old Philippines is just superb amazing to the highest level. Ang pinagtataka ko lang ay ang malalaking barko sa dulo ng karagatan na abot lamang ng aking pananaw.

Three Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon