DIECIOCHO

94 5 0
                                    

Marahan ang ginawa niyang pagkahakbang palapit sa akin. Sa huling pag-atras ko'y diko namalayan na may ugat pala doon kaya natumba ako sa lupa. Isa na namang kamalasan.

Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng takot para sa sarili ko. Hindi ko alam ang kayang gawin sa akin ni Ingko. Alam ko kung anong klase siyang tao. Kung ano ano na ang naiisip ko.

Natigil ako sa pagiisip dahil narinig ko siyang tumawa. Mahina iyon at may pagaalinlangan sa umpisa pero binitawan na rin niya ang pag-tawa niya. Kumunot ang noo ko sa inasta niya. Agad na tumayo ako at inayos ang saya. Nakakainis. Ang sarap upakan ng bulbulin na ito. Pinakalma ko na ang sarili ko, pinagloloko lang pala niya ako.

"Pasensya na, binibiro lamang kita. Paumanhin kung natakot kita binibini." Sabi niya. Parang biglang umakyat lahat ng dugo papunta sa ulo ko. Hindi ko na napigilan pa ang inis, mabilis na lumapit ako sa kanya at tinamaan siya ng lintek pagkatapos ko siyang suntukin sa sikmura.

"Wooohhh! Ang tigas ah! Bato ka ba na tinubuan ng tiyan?" Pinagaspas ko ang kanang kamay ko sa ere. Saket dudes! Napahawak din naman siya sa sikmura niya saka ininda ang nararamdamang sakit. Natawa ako sa kalagayan niya.

"Kwits na tayo ngayon!Ha.Ha!"

"Anong kwits?"

"Eh, patas--patas na tayo kako."

Pagkatapos niyang makahinga ng maluwag ay tinawag na niya iyong kabayo niya. Ang nakaka amaze lang ay gamit ang kamay niya na sinubo niya lang tas hinipan at kaboom! Sumulpot na ung kabayo niyang white, huminto pa iyon sa tabi ko,hindi pa nakontento at inilapit pa ang ulo niya sa akin napaatras na naman tuloy ako.

"Nais niyang hagurin mo ang kanyang ulo at katawan." Sinamaan ko ng tingin si Ingko. Magtutuos pa kami ng bulbuling ito next time. Blangko lang naman ang muka niya na nagiwas ng tingin sa akin. Nakangiti kong hinaplos ang leeg ng kabayo,gumawa pa iyon ng tunog saka binabaan ang ulo niya para mahaplos ko. Nakakatuwa naman ang kabayong ito, hindi katulad ng may-ari na hindi mo mawari kung suplado ba,mabait o walang paki.

Dumating na ang gabi at nakasunod pa din ako kay Ingko.

"Hanggang kailan mo ako susundan?" Tanong niya habang may kung anong orasyon na ginagawa sa kahoy para paapuyin iyon. Gagawa ata siya ng bonfire. Ang angas ng way of creating ng bonfire niya. Masyadong ancient!

"Haler! Gabi na at hahayaan mo akong maligaw sa gitna ng kagubatan?" Napairap nalang ako sa kanya. Nasaan ang sense of pagaalala niya? Waley?

"Nagawa mong makarating kung gayon kaya mo din ang bumalik." Umapoy na ang pinagsama-sama niyang kahoy. Tuwang tuwa naman ako na lumapit doon. Ang sarap sa pakiramdam. Medyo malamig na kasi ang paligid at maraming nagliliparang lamok at insekto.

"Hindi ko alam kung paano bumalik." Tinitigan ko ang apoy. Hindi ko alam at wala na akong balak na balikan ang lugar na iyon. Nakatakas na ako ano pa ang silbi ng pag balik, para mahirapan ka lang manilbihan. No way!

Masarap sana magsunog ng marshmallows o hotdog sa apoy ngayon. Sa oras na makabalik ako sa mundo ko. Gagawin ko ulit ito at magiihaw ako kahit anong gusto kong kaining inihaw. Nakaramdam tuloy ako ng gutom. Napalakas pa ata ang daing ng tyan ko. Mas maganda pa din sa lugar na may makakain. Kahit naman wala basta kasama ang pamilya ko magkasamang lulusutan ang kagutuman.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot. Naalala ko ang Don at Donya. Noong masaya pa kaming kumakain sa hapag kahit na bagoong at saging lamang ang nakahain. I smiled bitterly. Nagaalala na talaga ako kung ano na ang nangyari sa kanila pero wala akong nagagawa, na siyang pinakamasaklap sa lahat.

Bumalik ako sa reyalidad dahil sa mga inilapag ni Ingko sa tabi ko. Nakabalot iyon sa tela kanina binuklat niya iyon at nakita ko ang isang piling ng saging na lakatan. Shockness! Hulog ng langit! Natakam ako bigla kahit hindi naman ako mahilig sa saging. Ganon talaga siguro kapag gutom.

Three Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon