VIENTEDOS

99 6 0
                                    

"Bakit ka tulala dyan aber?"
Napamata ako sa kanya. Hindi parin mawala sa isipan ko ang lalaking iyon.

Maybe I just did overthink at that time.

Napansin ko na wala na ang mga bulbol sa sa muka niya kaya maaliwalas ang awra niya ngayon.

"You look neat and clean." I commented. Though messy ang pagkakahawi ng buhok niya, hindi naipagkakaila na gwapo talaga ang kaibigan ko. May saltik nga lang minsan.

"Sana all na notice ang itchura ko."
Nakasimangot niyang sabi.

"You know, stop hunting that bitch, she's not worth your soul." anas ko. Tinutukoy ko ang babaeng kinababaliwan niya. Si Leucine.

Nasa food court kami at kumakain ng shawarma. Bigla nalang kasing nag-aya si Mav saying that I need to hang out para mabawasan ang kung ano man ang dinadala ko. Iyan ang bagay na gusto ko kay Mav. He respects me and the things that I am hiding. He respected my personal space and I like that kind of friend. Baka kapag sabihin ko sa kanya mapraning siya at tuluyan na nga akong ipatingin sa psychiatrist.

Napakunot ang noo ko ng makita ko ang mga pamilyar na tao. Sinamaan ko ng tingin si Mavros. Nagkibit balikat lang naman siya at nginisihan ako.

"This is what I usually do oftentimes."

"You're an obsessed maniac lintek ka." tinawanan lang naman niya ako. Nakita kong naupo ang tatlong babae sa tapat ng KFC. I have my contact lenses now. I could see how Xela Alexa laugh so hard without a poise. Biglang sumagi sa isipan ko si Julia na sobrang kabaliktaran niya. Si Kaelin naman na lalaking lalaki sa mundong iyon. Nakakaloka.

"Alam mo ba Mav. Nanaginip ako tungkol kay Leucine. She was happily married to a lawyer and had a twin baby. A girl and a boy. Sadly, that lawyer was not you. Maybe it is a sign na hindi talaga kayo para sa isa't isa tanga!"

"Ouch gurl, hindi masakit." napahawak pa sya sa dibdib niya. Natawa nalang ako.

Kinagabihan sa condo, binuksan ko laptop ko na tinago ni Ibrahim. Nandoon ang lahat ng datas ko regarding sa naiwan ko na kaso bago ako mawala. I also open my messenger with my dummy account. Tiningnan ko ang GC ng Guardians. Tahimik na iyon. Maybe they are done with the mission at nahanap na nila ang hustisya na matagal na nilang inasam. Napagisip-isip ko mula noong bumalik ako sa mundong ito na mahalaga pala ang present rather wasting time for the past na hindi na maibabalik pa. I need to free myself mula sa madilim kong nakaraan.

Lumabas ako ng kuwarto saka nagpunta sa sala. Ganon na lang ang pagkaalerto ng katawan ko ng may marinig akong kaluskos galing sa kusina. Marahan at walang ingay akong sumulong papunta doon. Bukas ang ilaw pero alam kong tulog na si Mav.

Kinuha ko ang vase na asa gilid at handa na sana akong basagin iyon sa ulo ng lalaking nakatalikod mula sa kinaroroonan ko. May kinakalkal sya sa mga drawers doon. Bigla siyang humarap, naramdaman niya ata ang presensiya ko. Di na ako nagdalawang isip na ibato sa kanya nasalag naman niya yun nga lang nalaglag sa sahig kaya nabasag.

"Sino ka bat ka nakikigamit ng kusina?!"

"The heck ano ba ang problema mo!" sigaw niya pabalik sa akin.

"Ikaw anong problema mo?! Sino ka ba? Kakasuhan kita ng trespassing!"

"Who do you think you are shouting at me like-!"

"Hephephep!" pumagitna si Mavros sa amin. Half naked siya at nakapajama pa. Wrong move nga lang ang mata ko, nakita ko tuloy ang pagkakabakat ni brusko mula doon. Gosh kadere. Napairap nalang ako. Magkasabay pa nga kaming tumae noon, hati sa bowl, ako sa kaliwa siya sa kanan.

Three Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon