VEINTISIETE

94 5 0
                                    

"Ano nga ba talaga ang tunay mong pinanggalingan, Anastasya?" napipe ako sa tanong niyang iyon. Seryoso ang kanyang muka at nanguusig ang kanyang mga mata. Alam kong itatanong niya sa akin ito but still I was caught off guard and don't know what to say. I just sighed before  gave him my words.

"Galing ako sa ibang mundo Luinco. Parehas na taon kung anong taon ngayon dto sa mundo ninyo. Hindi ko alam kung paano ako nakakapunta sa mundo niyo. Isa lang ba itong pantasya ng sarili kong isipan o ito mismo ang reyalidad. Hindi ko alam Ingko. Pakiramdam ko may kumukontrol sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon." And now I even questioned if this man in front of me is true. What if Im sick? And just hallucinating things but that's not what I felt this time. Alam kong nasa katinuan padin ako dahil nakakaramdam ako ng sakit, pighati at kasiyahan. Napapitlag ako ng hawakan ni Ingko ang balikat ko.

"Maaring ito ay isang uri ng mahiko(magic) o kaya naman ay gawa ng siyensya(science). Huwag kang mag alala. Tanggap kita." he gave me his reassuring smile. Hindi ako nakakibo.
May pagaaral na ba sa siyensya sa panahong ito? May nabanggit noon si Anchita kaugnay dito.

"Ako ay kabilang sa pamilya ng mga Macaraeg. Luinco Macaraeg ang aking ngalan at nakababatang kapatid ko si Fulgencio Macaraeg. Bata pa lamang ay nais ko ng alamin ang bawat detalye na mayroon ang mundo. Marami akong tanong na nais alamin at ang siyensya lamang ang maaring makasagot noon. Ngunit sa sa mundong ito pinagbabawalan ng pamahalaan ang pagaaral ng siyensya at diyos lamang ang pinapairal nila bilang sentro ng pamumuhay. Ang sino mang mahuling nagaaral ng siyensya ay mapaparusahan ng kamatay. Hindi lamang siya kundi ang buo nitong angkan ay mawawala sa lipunan." bumuntong hininga sya at sumakay sa kanyang kabayo. Ganon din naman ang ginawa ko.

"Hindi ako mapigilan ng aking angkan. Sa kadahilanang iyon ay tinakwil nila ako at kinalimutan na mayroon silang anak na katulad ko. Hindi ko matanggap ang pamamalakad ng gobyerno. Sa mundong ito para kaming nasa loob ng isang napakalaking kulungan. Walang sino man ang nakakalabas ng bansa maliban sa mga prayle at piling kasapi ng pamahalaan. Natuto ako ng mga maling gawain para lamang mabuhay at itama ang landas na dinadaanan ko." nakatitig lamang ako habang pinapakinggan ang mga salitang lumalabas mula sa kanya na may kasamang hinanakit.

"Naiintindihan ko kung ako'y tuluyan mo ng lalayuan sa pagkakataong ito, ngunit hindi ko iyon papayagan." bigla siyang ngumisi sa akin. Napangiti naman ako sa kompyansa niya sa sarili.

"Ako at ikaw ay walang pinagkaiba Luinco." tiningnan naman niya ako ng may pagtataka. Napangiti ako at nagkuwento sa kanya habang mabagal na naglalakad ang mga kabayong sinasakyan naming dalawa. 

Tahimik lamang siyang nakikinig na para bang napakaintiresante ng bawat salitang lalabas sa bibig ko. I told him who I was and what I was doing back then. I also told him what my name is. Hindi naman mapurnada ang ngiti sa kanyang mga labi noong banggitin niya ang aking ngalan. Napairap nalang ako. Nababaliw na ata ang mokong.

Namalayan ko nalang na nasa harap kami ng isang simbahan. Halatang may kakatapos lang na kasalan dito. Nagtaka ako nang iabot sa akin ni Ingko ang kamay niya. This is so gay. Saka ko lang naalala na parehas pala kaming mukang lalaki. Napapikit ako ng mariin at nagsariling bumaba sa kabayo. Mukang nahiya naman siya sa inasta niya.

"Anong ginagawa natin dito." hindi naman niya ako inimik at pumasok na sa loob. Sumunod naman agad ako, pero huminto siya kalagitnaan at parang tuod na nakatayo doon. Napailing nalang ako.

"Mukang hindi tayo bagay sa ganitong uri ng lugar Ingko." natatawa kong sabi but he just nodded. Parehas kaming napatitig sa altar ng ilang saglit.

"Sa simbahang ito nais kong pakasalan si Anastasya-ang tunay na Anastasya." nanlaki ang mga mata ko. I was shocked by the sudden confession.

Biglang nakaramdam ako ng matinding kirot sa dibdib.

"Bata pa lamang ay siya na ang nais ng aking puso. Ngunit mas pinili niya si Fulgencio na walang ginawa kundi ang magpakasarap sa buhay at walang pangarap para sa kanilang dalawa." mapait niyang sabi. Hindi ako nakakibo dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Isa lang ang pumapasok sa isipan ko. Mahal ni Ingko si Anastasya. Kaya ba naging mabait siya sa akin? Paanong umasta siya noon na hindi niya ako kilala gayong kamuka ko naman si Anastasya? Naguguluhan ako. Bakit sinasabi niya sa akin ngayon ito.

Napakuyom ako ng kamao. What if Anastasya came back. Will he chase after her? Napatingin ako sa malungkot na muka ni Luinco lalo na sa mga matang walang ibang sinisigaw kundi ang pananabik niya kay Anastasya.

"Nangako ako sa kanya na kukunin ko siya mula kay Fulgencio, nangako ako na papatunayan ko ang pagibig ko sa kanya ngunit-" hindi ko na pinakinggan pa ang susunod na sasabihin niya. Mabilis na tumakbo ako palabas ng simbahan. Madudurog lamang ang puso ko. Hinanap ko ang kabayo ni Rusca at sumakay doon.

Traydor na mga luha!Sobrang nasasaktan ako,not only for myself but also for the both of them. Anastasya and Luinco. Inalisan ko sila ng pagkakataong lumigaya. Magnanakaw ako ng pagkatao but I didn't intended to do this.

I look like her but stole her beings. Napangisi ako saka pinahid ang pesteng luha.

You never really want her to came back Ambrosia. You never, cause you suck!

Napailing ako at papasibadin na sana ang kabayo pero humarang si Ingko sa harap noon.

Napatigil ako. I really felt sorry for this man.

"Hindi mo pinatapos ang sasabihin ko binibini." nagtangis ang mga panga niya pero wala akong pakialam. I need to get away from this stupid place and think the hell out from this idiot brain.

"Paumanhin, ngunit hayaan mo muna ako Ingko. Nabibigla lamang ako sa mga nangyayari." pero wala siyang pakialam. Nanatili siya sa harap ng kabayo ko at nagawa pa niyang hawakan ang nguso nito.

"Ingko pakiusap kaila-"

"¡Captúralos! vivo o muerto(capture them dead or alive)." kasabay niyon ang sunod sunod na pagputok ng baril. Hindi ko na nagawa pang lumingon pa ng sigawan ako ni Ingko. Agad kong pinasibad ang kabayo kasabay ng kay Ingko. Kumalabog ang lupa sa sunod sunod na pagtakbo ng mga kabayo ng mga guwardiya sibil na humahabol sa amin. Sunod sunod din ang pagpapaulan sa amin ng bala.

"Paano nila nalaman kung sino at nasaan tayo?! huh, Ingko!?"

"Iyon din ang aking pinagtataka. Ngunit kailangan muna natin matakasan ang mga-"

"Luinco!" napasigaw ako ng magwala ang kabayo ni Ingko. Natamaan iyon sa bandang tiyan. Napatingin ako sa paligid. May nagtatagong sniper. Napakuyom ako ng kamao. Napapaligiran na kami, iyon ang hinuha ko.

"Luinco iwanan mo na ang iyong kabayo!" Naluluha sa galit at labag sa kalooban siyang bumitaw sa kanyang alaga na nakahandusay na sa lupa. Mabilis siyang sumakay sa likuran ko sa ko mabilis na pinatakbo ang kabayo ni Rusca papalayo.

Pero hindi pa man kami nakakalayo ng tuluyan ay naramdaman ko ang balang tumagos sa aking tagiliran. Nabitiwan ko ang pisi at sa bawat pagputok ng baril ay nagwawala ang kabayo ni Rusca. Hindi na kami makatakas pa. Sa galit ng kabayo ay naglikot ito at naitsa kami ni Ingko sa lupa saka ito nagtatakbo paalis.

Madiin kong hinawakan ang aking tagiliran para hindi mabilis ang maging paglabas ng dugo mula doon sa sugat. I gasp my breath. He held me in his arms.

"I-ingko tumakas ka na. Ma-mabubuhay pa ako at babalikan kita. Pangako." pakiusap ko sa kanya.
Ngayon ko lamang nakita ang bakas ng mga samo't saring emosyon sa kanya. He's seems so vulnerable.

"P-pakiusap...magtiwala ka sa akin." namamaos kung sabi.

Pikit mata man ay biglang nawala na si Ingko sa tabi ko. Pinilit kong maupo ng magisa at salubungin ng tingin ang mga guwardiya sibil na tumutugis sa amin.

Three Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon