TREINTA

101 4 0
                                    

Every day were full of bliss since I married him. Days turned to months and months turned to years.

"Lab, kamusta ang lagay ni Cara?" napangiti ako ng makita ko siyang nakapansaka.

"Bumubuti na mahal, bumaba na ang kanyang lagnat." i saw relief on his face. Binaba ko muna si Cara para ayusin ang mga kalat na nasa sahig.
Pero maramdaman ko nalang ang pagyakap sa akin ni Luinco mula sa likuran saka marahang hinagkan ang aking leeg at sumobsob siya doon.

Ramdam ko ang pagod niya dahil maaga siyang gumigising para magsaka at gabi na halos nakakauwi dahil masukal ang daanan mula dito hanggang sa sakahan. Araw araw na ganoon ang routine namin. Hindi niya ako pinapayagan na tumulong dahil dito na lamang daw ako para magalaga kay Cara. Ang alaga naming biik na anak ng pinakaunang alaga naming baboy. Sakitin kasi itong si Cara kaya hiniwalay muna namin siya sa nanay at mga kapatid niya. Nilalagnat ba ang baboy? Feel ko kasi nagiinit ang katawan niya eh.

Bago kami ikasal ni Luinco ay hiningi muna niya ang kamay ko sa mga magulang ni Anastasya. Wala namang nagawa ang dalawa kundi ang pumayag para sa kapakanan ko at kaligayahan ko.

Lumipat kami sa ibang bayan kung tutuusin ay nasa isang isla kami ngayon. Mayaman naman sa agrikultura ang isla kaya may ikanabubuhay ang mga naninirahan dito. Tahimik ang naging buhay namin sa nakalipas na mahigit dalawang taon. Hindi kami nagpakasal sa simbahan dahil alam naming mahuhuli kami instead kinasal kami sa harap ng pinakalumang tribu na kilala ni Ingko.

Simula noon wala pang nangyari sa amin. He never touched me with anything in mind. He just simply hugged me and kissed me. Unlike now, he's being rough and careless. Wala naman akong ginawa kundi tugunan ang lahat ng galaw at halik niya. Magpadala sa kalasingang pinapalasap niya sa akin. That night we reach out heaven and came as one. Therefore it was a blissful night.

Masaya akong pinagluto siya kinabukasan. Ramdam ko ang pananakit ng aking katawan, para kasi akong hinati kagabi pero ayos lang. Naramdaman ko ang kakaibang saya na parang nakalaya ako sa isang hawla na ginawa ko sa sarili ko. Pakiramdam ko napunan ang kulang sa aking sarili.

Isang araw hinatiran ko ng pagkain si Luinco sa bukid para sa kanyang tanghalian. Hindi ako nakapagluto kaninang umaga dahil puyat kami parehas kagabi. Napabuntong hininga nalang ako. He just can't get enough. Wala namang mali doon. Mag asawa na kami ngayon.

Sinalubong niya ako nang makita niya ako sa malayuan pa lamang. I can't see him clearly dahil malabo nga ang mata ko. Hindi  na pwede ang contact lenses ko na good for only six months lang. Pero nang nasa harap ko na siya kita ko kung gaano kalaki ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi na din tinatago ni Luinco ang kanyang peklat sa muka. Hindi na siya nagsusuot ng maskara dahil wala namang makakakilala sa amin sa lugar na ito and it doesn't matter anymore as long as I love him I'll stay with him.

"Saluhan mo ako lab, malungkot kumain ng magisa, inantay ko talaga ang iyong pagdating." napahagikhik ako ng tawa. Lab short for love. Ang cheesy pero iyon ang pinili niya out of all the endearments na pinapili ko sa kanya.

Nakangiti kong nilatag ang pagkakainan namin. Nagluto ako ng steamed okra na may sawsawang may kamatis at toyo at pritong tuyo. Iyon lang naman ang alam kong gawin. Tamang prito at tamang pakulo lang. Wala naman kasing matinong ingredients na makikita. Im not used on cooking vegetables at pinagaaralan ko palang iyon. Naaawa na nga ako kay Ingko. Mabuti nalang at wala akong narinig na reklamo tungkol dun mula sa kanya.

"Mahal, gusto ko ng buko." sambit ko sa gitna ng aming pagkain. Nagtaka naman siya.

"Hindi ka ba nananawa? Araw araw iyon ang palagi mong hinihiling." nakangisi niyang sabi. Umiling lang ako. Pagkatapos kumain inakyatan niya ako ng buko. Napakabait na asawa ni Ingko. Hindi ako nagsisisi na pinakasalan ko siya. Masyado siyang maalaga. Kahit na ganoon pa man, hanggang ngayon ay nangangarap padin ako na makasama siya habambuhay.

Kinagabihan nais kong baguhin ang putahe ng ulam na kakainin namin ni Ingko ngayong gabi. Kaya nagdesisyon akong mangisda sa pond di kalayuan mula sa kinatatarakan ng bahay namin. Pero nang hiwain ko na ang isda hinalukay bigla ang tiyan ko. Tumakbo agad ako at sumuka sa lababo. Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Parang hindi ko kayang magluto ng isda ngayon. Nagsuka na naman ako dahil kumalat na ang lansa ng amoy sa buong kusina.

Inabutan ako ni Ingko sa ganoong kalagayan. Hinagod niya ang likod ko habang walang patid ang pagsuka ko. Pinatakpan ko sa kanya ang isda saka ipinalayo iyon mula sa akin.

"Ako na ang magluluto ngayong gabi."
Sabi niya saka ako binuhat papunta sa  kwarto at marahan akong inihiga sa kama.

"Paumanhin mahal..."

"Magpahinga ka nalang muna." he smiled at me saka lumabas ng kuwarto. Nakokonsensya ako dahil hindi ko pa sinasabi sa kanya ang lahat ng ito. Palagi akong nagsusuka tuwing umaga, naduduwal din ako sa mga amoy na hindi kayang tanggapin ng ilong ko. Isa pa hindi na ako dinadatnan ng buwanang dalaw ko. Kaya noong nakaraang linggo nagdesisyon ako na magpatingin sa manggagamot.

Isang buwan na akong buntis. Why didn't I noticed it earlier. Napahimas ako sa aking tiyan. Naghahanap ako ng tyempo para sabihin kay Ingko ang  lahat ng ito. Magkakaroon na ako ng baby bumps, hindi na surpresa kapag nahalata na niya.

"Ingko?" Naghahanda na kaming matulog ng gabing iyon. Nakaupo ako sa kama at siya naman ay nakatalikod mula sa akin habang nagbibihis ng kanyang damit.

"May kailangan kang malaman." humarap naman siya sa akin. Natural lang naman sigurong kabahan hindi ba, dahil iyon ng nararamdaman ko ngayon. Humarap siya sa akin para antayin ang susunod na salitang lalabas mula sa bunganga ko.

"Magiging tatay ka na Ingko, buntis ako. Unti unti na nating nabubuo ang ating pamilya." marahan kong sambit.
Nanlaki ang mata ni Luinco. Napahawak siya sa kanyang dibdib at bigla nalang siyang natumba sa sahig.

Hinimatay si Luinco!

Three Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon