DOCE

80 5 0
                                    

"Mukang naging masaya ang araw mo binibini." Masayang wika ni Anchita na nasa likuran ko habang sinusuklay ang buhok ko. Medyo kulot at kulay pula ang dulo ng buhok ko noong mapadpad ako sa lugar na ito. Para hindi maging alien sa mga mata nila ay pinutol ko ang dulo nito kaya may kaiklian na siya ngayon.

Humarap ako sa kanya. Tulog na sila ina at ama sa silid nila. Kami nalang ni Anchita ang natitirang gising. Gabi na din ng makarating kami, siguro mga hating gabi na ngayon.

"Anchits, nakita mo ba ang lalaking iyon kanina?"

"Sino pong lalaki?" Nagtataka niyang tanong, syimpri nagtaka na din ako.

"Hindi ba't sinabi mo na nakamasid ka sa lahat ng pinaggagawa ko kanina?" Ani ko.

"Oo binibini pero-"

"Tasya nalang Anchits, di ko na uulitin pa."

"Paumanhin bin-Tasya... nasanay akong tawagin kang ganon. Pero hindi ko po napansin ang lalaking tinutukoy ninyo. Baka naeengkanto ka na Tasya jusko maryosep." I bit my lower lip. Naghahallucinate lang ba ako kanina? But he's there,and other kids seems so fond with him.

"Alam mo bang iyong lolo ko nakakakita ng engkanto? Nakwento ko na ba sa iyo, kuwento ng ama ko sa akin. Si lolo daw nakakalusot sa maliit na butas ng bahay namin. Minsan daw habang kasama ni lolo si lola mangahoy sa kagubatan bigla nalang nawala si lolo. Kuwento naman ni lolo, hinawakan daw siya ni lola sa hinliliit niya pagkatapos ay hinila siya nito palayo. Akala daw noon ni lolo naglalakad sila ng babaeng kamuka ni lola ngunit nakita niyang sobrang layo na pala ng narating nila. Ang hinala naman ni lola noon,may nangyari sa babaeng engkantong iyon at kay lolo. Sabi naman ni lolo akala niya si lola lang kaya nagawa niyang halikan. Aminado naman si lolo na ginugulo siya ng mga engkanto at hindi niya alam ang intensiyon nito sa kanya. Ngunit katagalan may ginawang orasyon para hindi na muling makakita si lolo ng mga engkanto." Mahabang litanya ni Anchita. Kwentong bayan na naman. Pero totoo nga kaya ang mga ganon? Never know and never wish to.

Matutulog nalang kami lahat lahat, si Luinco padin ang laman ng isipan ko. Nakita ko na ba siya dati? He seemed familiar.

Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ang pilit kong pagalala kung saan ko ba siya nakita. Madilim halos lahat ng pangyayari sa buhay ko kaya imposibleng maging klaro ang isang taong kagaya niya.

Mabilis na lumipas ang mga araw sa akin. Isang umaga napagutusan kami ni ina na maglaba sa tabing ilog ni Anchita dahil mamamalengke daw ang Donya Proserpina. Imbes na pasamahin ko si Anchita sa paglalaba ay pinasama ko nalang siya kay inay sa pamimili. Baka mapano pa si ina eh ako kayang kaya ko naman ang sarili ko. Medyo ilang buwan ko na nga lang na hindi nagamit ang fighting skills ko. Baka isang paling lang sa akin tuwad na agad ako. Bruh! Wag ganon. Ginamitan ko ng palo-palo ang damit ni itay Eulalio. Madumi kasi dahil nagsasaka siya. Nakasanayan na din niya ang pagsasaka at natutuwa akong hindi niya naisipang maghiganti sa mga taong nagdiin sa kanya pailalim. Tama na nga sigurong manahimik nalang muna ang pamilyang ito. Malayo sa gulo na gawa ng politika at mundo ng negosyo.

Grabe! Feel ko naging strong ako kakapalo sa damit eh. Ang palo-palo ay gawa sa pinutol na sanga ng niyog, iyong dahon na may mga dahon pa na pinagkukunan ng walis tingting. Basta sanga nalang!

Habang ginagawa ko ang bagay na ito hindi ko maiwasang ma miss ang tunay kong mundo. Nakakaloka naman kasi parang sobrang tagal ko na dito eh. Huhu! Nahulog ako sa balon habang bumabagyo noon at nang magising ako! Bongga! Nandito na ako sa mundong to? Hindi kaya nag-tesser ako dahil sa infinity stone? Hello! Nasa earth pa ba ako?!

Mygawd!

Napasigaw ulit ako dahil sa biglang putok na narinig ko. Hindi lang isa kundi sunod sunod pa iyon. Oh dear, it gave me chills hoohh!

Three Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon