TRES

409 22 0
                                    


"Ikaw si?..." tanong ko sa kanya habang sinusubukan na itali ang maiitim at pino niyang buhok.
Nakaharap kami sa salamin kaya kita ko ang muka niya at ganon din sya sa akin. Blangko ang mga matang tiningnan niya ako sa salamin. Parang hinahagilap niya ang mga salitang bibigkasin ng kanyang bibig.
Habang pinagaaralan ko ang kabuuhan ng kanyang muka,I could see a familiar face. She look like someone I know which I couldn't figure out who's who. I just shrugged it off.

"Nyx..." she said.

Hinatid sya ni Mavros kahapon sa bahay ng mga madre pero ayon kay Mavros hindi daw bumitaw sa kanya si Nyx which is kakaiba cause I think Nyx has an androphobia o man phobia maybe mali ako. Kumapit pa daw ito sa binti niya at hinabol ang sasakyan na gamit nya hanggang sa highway kaya wala syang nagawa baka mapaano ang babae.

"Mav Ano na~!! Nagtext ako sayo para magpasundo nasaan na ba kasi!?"

Nagiinit na ang ulo ko at gusto ko ng manakal ng tao ngayon na.
Halos lumuwa naman ang mata ko sa inis nang tawanan niya ako sa kabilang linya. Galing akong school library kanina pagkalabas ko gabi na pala, I overslept,geez. Nasa sulok pa man din ako nakapwesto pasalamat hindi ako nalock-an.

Lalakarin ko pa hanggang kanto dahil sa gantong oras sarado na ang gate ng kalsada papunta dito sa school.

"Wala namang gagalaw sayo dyan ang panget mo kaya.Hala uwe!"

"Hindi masakit. Ouchh! Humanda ka pagdating ko dyan ugag tu."

Brrr! tumingin tingin ako sa paligid. Napakadilim mga tol! Hindi naman sa pageexagerate pero isang kilometro pa daw ang main road! Anak ng tokwa! Wala man lang akong natatanaw na ilaw ng mga sasakyan.
Medyo pababa pa ung dinadaanan ko ngayon. Inis na tinahak ko nalang ang iyon.

Naririnig ko ang ang tunong ng mga kuliglig sa kapaligiran,maging ang kaluskos sa mga damuhan. Binilisan ko ang bawat kong paghakbang. Hanggang sa naging takbo na iyun. Kailan pa ako naging duwag?

What if lang naman biglang may sumulpot na multo? Kwento pa man din ng karamihan na ang paaralang ito ay ginawang pansamantalang pagamutan ng mga naghihingalong pasyente noong World War II dahil nawasak ang pinakamain hospital cause of the bombing. 

Wahhh! 

Tinakbo ko na talaga sya. Hindi ko na kailangan magtapang tapangan ngayon,wala namang nakakakita saken! I just run for my freaking life.

Napahinto ako ng may makita akong kulto sa ilalim ng liwanag. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kumurap kurap ako para siguraduhing hindi ako nagha hallucinate. At confirm.

Mukang nagsasagawa sila ng pagaalay sa ilalim ng street light! Akala ko ba kandila ang ginagamit nila with matching usok pa. Umunlad na sila ganon? Naging resourceful pa!
Dahan dahan akong naglakad sa pinakagilid ng daan para hindi nila ako mapansin. Sumisigaw ang isang lalaking na pinagigitnaan ng mga lalaking nakaitim. Tiningnan kong maiigi.

Ahhh... binubugbog lang naman pala nila.

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko naman ano na. 

Hawak hawak ng dalawang lalaki ang isang lalaki sa magkabilang braso at pinagtutulungan naman ng iba na bugbugin ito. Napakunot ang noo ko.

"Try not to deal with other people sometimes,hmm?"

Naalala ko ang sinabi ni Mav. Pero nakita kong tinutukan ng isang lalaki ang lalaking bugbog sarado ng baril sa ulo. Parang sa palabas lang to ah.

Kill him na! Pasuspense pa.

Napapikit ako ng mariin. Pagmulat ko ng aking mga mata nakita kong nakatingin sa ibayo ko iyong lalaki. Nakasalamin ako kaya kita ko ang tingin ng mga mata nyang tumama sa akin. Suddenly, I was stuck and felt something strange inside me. Puro dugo na ang muka nya. Putok ang bawat parte ng niyon. Parang kumirot ang puso ko sa nakita. I hate this feeling. Never akong nakaramdam ng ganito sa isang estranghero. Hindi na nga pala ako dapat nangingialam sa mga ganyang bagay.

Three Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon