VIENTICUATRO

84 6 0
                                    


"For the mean time dito muna kayo tumuloy ni Ibrahim. Pagaari ng pamilya Arhennius ang isang ito kaya wala kang dapat ipagalala."

Napatanga ako. Anong tinutukoy niya? I look at the whole building. Sumakit ang leeg ko sa sobrang taas ng gusali.

Hindi na ako nagatubiling pumasok sa lobby, iniwan na kasi ako ni Arhennius. Naabutan ko siyang kausap ang nasa front desk,saka may inabot sa kanyang susi iyong babae na mukang nagpa cute pa sa kanya. Napairap nalang ako. Walang lingon likod naman ulit siyang naglakad papuntang elevator. Umusok ang ilong ko dahil iiwanan na naman niya ako. Kaka discharged ko palang sa hospital but this Arhennius guy is treating me like this. Napangisi ako dahil nakapasok na ako sa elevator. This guy surely is a tough one.

Habang paakyat ang elevator tahimik lang na nagmasid ako sa repleksyon naming dalawa. He handed me the keys and two swipe cards. Hindi naman ako nagatubiling tanggapin iyon.

"Ikaw na ang magbigay ng isa kay Ibrahim."

"Can't we have a separate units? That idiot is so annoying." I muttered with irritation.

"He need to protect you."

"I can handle my self old dude." i sighed.

"Whatever, old hag." anas niya. Napangisi naman ako but not until he patted my head. I glared at him but he smiled that shocked me. Why does he seems like very familiar to me. A moment of silence for a minute after I broke it.

"Oy, tell me Incognito, did we happened to met each other in the past?"

"Im not fortunate with that."

Pagkapasok namin sa unit nakita ko ang iilang paper bags na may brands pang nakalagay, napuno ang mahabang sofa ng mga iyon.

"Why are you doing this by the way?"
Tanong ko sa kanya habang iniikot ang mga mata ko sa malawak na unit na may second floor pa. This place is very nice compared to an ordinary unit.

"Gusto ko lang." napangiti ako sa tipid niyang sagot. I was petrified when he touch my face and massage a part of my cheek using his tumb.

"I want you to have a perfect life Ambrosia. Far from being miserable because of your condition. I want you to be happy in every single day and up to the last minute of your life." parang may humimas sa puso ko dahil nakita kong naluluha si Incognito. Why?

Hinawakan ko ang kamay niya sa pisngi ko at napangisi ako.

"Are you confessing me your damn feelings Arhennius?" anas ko. A chuckled escaped from his vocal chords. Sakto naman ang pagdating ni Mavros na haggard mukang tinakbo ata ung hagdan. Agad niyang niyakap si Incognito na para bang mahihimatay na. I look at those two na mukang close sa isa't isa. Especially Incognito. There's something off about him. I just shrugged with the thought.

Pumasok ako sa nakatalagang kwarto ko. Gusto ko sanang magpahinga but at the same time gusto ko sanang magpahangin sa labas. Tumingin ako sa labas. Gawa sa glass ang wall kaya kitang kita ko ang buong kumunidad. Hinawi ko ang kurtina saka naupo sa sahig. It will be dark soon, i will just savor this moment . Where I could see the sun setting down and blue-violet clouds above it.

Kinabukasan, handa na akong pumasok pero nakita ko sa sala si Mav at Incognito saka ang mga bote ng alak at in cans na nagkakalat katabi nila hanggang sa sahig. They stinks my ghad! Nakasalampak si Mav sa sahig si Incognito naman sa Sofa. Andudugyot! Napabuntong hininga nalang ako. Niligpit ko muna lahat ng kalat nila bago ako tahimik na umalis. That bastard Ibrahim. Nag inom kahit may pasok.

Pagkababa ko sa lobby may nakapilang mga staffs and watsover at nagyuko sila sa akin. Why, yamanesa lang ganon? Awkward naman akong naglakad palabas ng gusali. Mayanaya pa ay may pumaradang kotse sa tapat ko. Ito na siguro iyong Grab ko. When he asked my name and confirm it, I hop in right away.

Habang nasa byahe nakaramdam ako ng hilo. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong nakangisi ang driver sa rear view mirror. Nilabanan ko ang pagdilim ng paningin. I was about to attack him but he's quick at naramdaman ko nalang na nakatutok na ang baril sa dibdib ko. Bago pa man ako makagawa mg paraan ay narinig ko nalang amg putok ng baril. Kasabay niyon ang tuluyan kong paglaho sa kamalayan.

"May regalo ako sayo kapatid!" napatigil ako sa pagsusulat sa kuwaderno ko na binigay ni mama sa akin nitong nakaraang buwan. Ilang page nalang pala ang natitira lahat nasulatan ko na. Manipis lang naman kasi ito. Napatingin ako sa nakakatanda kong kapatid. He smiled at me and kiss me in the forehead.

"You look pretty today, as always my dear. Here." he handed me that thing. Isang makapal na diary notebook.

"Thank you kuya."

Writing is my only hobby and the thing that I can only do. I also write stories on a blank book. I dont type it kasi mabilis lumabo ang mata ko sabi ng doktor. Kailangan ko daw umiwas sa mga bagay na hindi maganda para sa mata ko. So i was prohibited to use cellphones and such. Itinabi ko muna ang binigay ni kuya sa akin. Nimaniobra ko ang welchair palabas ng kuwarto saka sumakay ako sa mini elevator ng bahay namin para magpunta sa roof top.

Naabutan kong naggigitara si kuya doon. Mukang malungkot siya. Napabuntong hininga nalang ako.

If I could only walk, I want to run and hug my older brother. I was a burden, not only to him, but to the rest of my family member. I look at my legs. Maliliit ang mga iyon kaya hindi ako makalakad. Nakasalamin na din ako na pagkakapal kapal ng grado. Lahat sa akin may deperensiya. How I wish to live a normal life. If only I could have it. Napatingin ako sa kaulapan. Malakas ang hangin na lalong nagpalungkot sa akin. Sinabayan pa iyon ng musika ni kuya.

A dream?

Nagmulat ako dahil sa sakit ng ulo. Ganon nalang ang pagkasilaw ko dahil sa matinding sikat ng araw.

Huh?

Napabalikwas ako ng bangon. Nasaan ako? Nilibot ko ang aking paningin. Parang nanghina ang tuhod ko nang mapagtanto ko kung nasaan ako.

Napasalampak ako sa lupa. No way. It can't be. Not again. Nakabalik na ako sa mundo ko bakit nandito na naman ako?! Naalala ko ang huling tagpo naming dalawa ni Luinco sa lugar na ito. Napasandal nalang ako sa puno. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko mapatda ang matinding kabang nararamdaman ko. I look at my dress. Parehas na damit na suot ko sana papuntamg school but that bullshit impostor grab driver mess up with me. Urgh! Im so frustrated!! I wanna hang my self right here, right now! Pero hindi ba't ginusto kong makita ulit si Luinco, dapat ay masaya ako dahil nakabalik ako dito.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!"
It does echoed.

Nagdesisyon akong maghanap ng damit na isusuot. Hindi ko kabisado ang kagubatan sa baba ng burol na ito baka maligaw lang ako. I sighed. That's when I notice flowers and fruits behind this tree na nakalagay lang sa lapag.Maraming iba't ibang klase ng bulaklak at ang iba dito at lanta na. Pero may isang bulaklak na mukang bagong pitas pa lamang. Bakit nila inaalayan ang puno na ito? May diwata kaya rito? O kanilang mga Anito.

Walang direksyon kong tinahak ang daanan paalis sa kabundukan. Makalipas ng ilang oras na paglalakad  bago ako nakarating sa isang malawak na pamilihan. Kung hindi mali ang pagkakatanda ko ay ito ang unang palengke kung saan ako unang nakarating at nagnakaw ng damit. Maybe this time I can sneak at get some freaking old dress again. I look at myself. Siguro sa mga panahong ito pinaghahanap na ako ng bruhildang mayordoma sa mansiyon ng mga Ybañez. Magkano na kaya ang patong ko sa ulo? Hindi malayong magkaganoon nga. Mamatay na ata ako.

Three Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon