CHAPTER ONE

14K 189 2
                                    

Naiinis na tiningnan ni Kharen ang kaibigang si Marco na abala sa pagtipa sa keyboard nang computer nito. Kung alam lang niya na wala itong maitutulong sa napakalaking problema niya ay hindi na sana siya nag aksaya pa nang pagod na pumunta sa bahay nito.

Napabuntong hininga na naman siya. Pang ilan na ba iyon? Walanghiya kasi itong baklang 'toh walang kwentang kaibigan. Imbes na damayan ako parang walang pakialam na nag fafacebook lang simula nang dumating ako sa bahay niya.

"Ang lalim nun ah? kung makahinga ka daig mo pa ang nangangailangan ng oxygen." wika nito habang nanatili pa ding nakatutok ang mata sa monitor nang computer.

"Kapag hindi ka nakinig sa akin ikaw ang papasakan ko ng oxygen sa ilong." Inis na sabi niya.

Gulat na lumingon ito sa kaniya. "May problema ka ba?"

"Hindi ba halata?" Nararamdaman niyang ilang sandali pa at mauubos na talaga ang pasensiya niya.

"Wala ka naman sinabi kanina ah.. akala ko makikitambay ka lang. Hindi ka naman nagtext na may problema ka at kailangan mo nang kausap. Basta ka na lang nagpunta dito."

Kapag minamalas nga naman. Naturingan ngang may kaibigan siya ubod naman nang katangahan. Siya pa pala ang mali nang lagay na iyon.

"Oo na ako na ang mali.. Pasensiya na po among tunay hindi ko man lamang sinabi sa iyo na may problema ako at kailangan ko nang kausap,kaibigan,kapamilya,kapuso at kapatid."

"Ano ba kasing problema?" saglit lang siya nitong tiningnan.

Nagningning pa ang mga mata nito nang makita nito sa computer ang larawan ng isang lalaking walang pang itaas na damit.

"Bongga!.. ganito dapat ang mga nakaadd sa Facebook ko. Ay! Add as friend lang wala bang add as Boyfriend? Hehe.."

"Marco!"

"Oo na makikinig na ako. Go!." Natatawang baling nito sa kaniya.

"May writer's block yata ako." Naiiyak na sabi niya sa kaibigan. Tanging ito lang ang pinagsabihan niya noon. Nahihiya siyang sabihin iyon sa mga magulang niya baka sisihin pa siya ng mga ito dahil sa katigasan ng ulo niya.

Sa Batangas siya lumaki at nagkaisip. Ang gusto ng mga magulang niya ay sumunod siya sa yapak nang Ate Cathy niya na isang nurse sa ibang bansa. Dahil isa siyang masunuring anak ay hinayaan niya ang mga ito na magdesisyon sa buhay niya. Ang katwiran niya noon ay para sa ikabubuti naman niya ang kagustuhan ng mga magulang niya kaya ayos lang sa kaniya kahit na madalas ay kagustuhanng mga ito ang nasusunod.

Ang ate Cathy niya ang nagpaaral sa kaniya nang magkolehiyo siya. Hindi man sila mayaman ay masasabi niyang napakasuwerte niya dahil kahit papaano ay hindi niya naranasang maghirap na katulad nang ibang tao. Parehong guro ang kaniyang mga magulang kaya ganoon na lamang kaimportante sa mga ito na makapagtapos siya ng pag aaral.

Ang kaso nga lang hindi siya nakatapos. Hindi niya natupad ang pangako niya sa Ate niya at sa mga magulang niya na magtatapos siya at susunod siya sa kapatid niya sa ibang bansa. Nasa ikalawang taon siya noon sa kursong nursing ng maisipan niyang tumigil sa pag aaral.

Ilang buwan din siya noong hindi kinausap ng ama dahil sa sobrang sama ng loob. Sino nga ba namang ama ang matutuwa sa isang anak na tambay at ayaw mag aral? Hindi niya masisisi ang mga ito kaya para walang masabi ang mga magulang niya ay inako niya ang lahat nang gawaing bahay sa loob ng isang buong taon. Kahit man lang sa ganoong paraan ay mabawasan ang galit ng mga ito sa kaniya.

Pero isang araw habang siya ay nagninilay nilay sa loob ng bahay nila ay nakita niya ang nagkakalat na gamit ng bunsong kapatid niya. Inis na pinagdadampot niya iyon hanggang sa makita niya ang isang bagong biling pocketbook nito. Hindi siya mahilig magbasa kaya hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya para basahin ang buod o teaser niyon sa likod. Nang magustuhan niya ang kwento at binuksan niya ang unang pahina ay agad na naagaw nang anunsiyo doon ang atensiyon niya. Ayon sa nabasa niya ay naghahanap ang nasabing publication ng mga bagong romance writer. Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa agad siyang sumali.

ANATANI AITAKUTE by BETHANY SY Where stories live. Discover now