CHAPTER 7 part 1

3K 86 6
                                    

Ilang sandali na hindi nakakilos si Kharen. Aminado siya na madalas niyang nakawan ng halik si Asihiro noong madalas na bangag ito sa gamot.

Pero hindi siya ready ngayon…..

Paano siya kikilos kung alam niyang ang lalaking kasama niya ay nasa tamang huwisyo?Alam niyang ipagkakanulo siya ng puso niya kung mag umpisa si Asihiro na gumawa ng marahas na hakbang. Dahil para sa kaniya ay hindi karahasan ang tawag sa paghalik nito sa mga labi niya.

Matapos ang mahigit sampung segundo na nanatili silang magkayakap at magkadikit ang mga labi ay nagpasiya na siyang lumayo. Mukhang wala rin naman mangyayari kahit maghapon pa silang magdikitan ng mga labi. Wala siguro siyang epekto sa binata kaya ganoon lang ang reaksiyon nito, parang balewala lang.

Marahang hinawakan ni Kharen ang mga balikat nito para iparamdam na gusto na niyang tumayo. Pero namangha siya sa ginawa nito. Muli itong yumuko at hinalikan siya.  Peri dahil hindi nga siya handa kaya hindi agad siya nakakilos. Ang sarap palang halikan ng lalaking ito kapag gising. Ang sarap rin panggigilan ang mga pisngi nito na paulit ulit niyang hinahalikan noon kapag natutulog ito at walang kamalay malay sa ginagawa niya.

Kung alam lang ng lalaking ito na abot langit ang pagsamba niya rito lalo na noon na hindi pa niya ito nakikita sa personal at isa pa lang siyang simpleng fan nito. Ang buong akala niya ay isang paghanga o pagmamahal lang sa taong idolo ang nararamdaman niya kay Asihiro. Pero nagbago ang lahat ng magkasama silang dalawa sa iisang bahay.

Makita lang niya ito noon sa mga interview sa TV man o internet ay sulit na. Hindi kompleto ang buong araw niya kapag hindi niya ito nakikita. Kaya nga kahit ang buong kwarto niya ay punong puno ng mga pictures nito. Kapag nagsusulat siya ng nobela ay kailangan pa na titigan muna niya ng matagal ang picture nito sa screen ng computer niya.

Hindi biro ang kabang nararamdaman niya noon kapag pinapanood niya ang mga naging laban ni Asihiro. Pakiramdam niya ay siya ang masasaktan kapag naaksidente ito sa laban.

Nang umuwi nga ang kaibigan niyang si Marco mula sa seminar na pinuntahan nito sa Japan at ibinenta sa kaniya ang litrato ni Asihiro na may pirma pa nito ay hindi na siya nagdalawang isip pa at agad na binili niya iyon sa halagang limang libo.

Wala siyang reklamo dahil alam niyang madami sa mga kaopisina ni Marco ang handang gumastos ng ganoong halaga para lang sa pirma ni Asihiro. Pero dahil selosa siya kaya mabilis pa sa alas kuwatrong binili niya ang litrato ng irog niya.

Pinag ipunan pa nga niya ang pagpunta sa Japan makita lang si Asihiro. Napurnada nga lang ang pag alis niya dahil naaksidente ito sa huling laban sa Amerika.

Hay naku Asihiro, my love! kung alam mo lang kung gaano kita namiss ng bigla ka na lang nawala. Kaya kahit pagsawaan mo ang malambot kong mga labi ay ayos lang.

Siya naman yata ang nawala sa tamang huwisyo dahil sa epekto ng mga halik nito. Napapikit pa siya habang ninanamnam niya ang tamis na dulot ng halik na pinagsasaluhan nila. Kung alam lang niya na mas masarap palang halikan si Asihiro kapag gising ito ay noon pa sana siya gumawa ng paraan.

Napangiti siya dahil sa kapilyahang naglalaro sa isip niya.

“May nakakatawa ba?”  tanong nito matapos nitong itigil ang paghalik sa kaniya.

“Wala, ang gwapo mo kasi.”  Natatawang sabi niya.

Masyado na siyang nagiging komportable ng oras na iyon. Para bang ordinaryo na lang sa kaniya ang mainit na eksena sa pagitan nila. Sigurado siya na matatapos na naman ang nobela niya mamaya dahil sa bagong kilig at inspirasyon niya.

Mayamaya ay pareho silang nagulat nang bumukas ang pinto ng silid nito. Mabilis na lumayo siya sa binata at tumayo na siya habang inaalalayan niya ito.

Iniluwa ng pinto si Riyuhki at nagtatakang tiningnan sila. Sandali lang ang pagtatakang rumehistro sa mukha nito dahil agad na napalitan iyon nang ngiti na may kasamang panunudyo.

“Nakakaistorbo ba ako?”

Hindi siya makatingin ng tuwid sa amo niya. Nahihiyang napayuko na lang siya habang si Asihiro naman ay nanatiling nakatayo lang sa tabi niya.

“Marunong ka bang kumatok?” saway ni Asihiro dito.

“Dati naman akong hindi kumakatok kapag napapadaan ako sa kwarto mo, ha?”

“Ahm... excuse me po sa labas na muna ako.” Nagmamadaling umalis na siya sa harapan ng dalawa.

Narinig pa niyang nagtatalo ang mga ito.

Nakakahiya sa amo niya baka mapalayas siya ng wala sa oras!

ANATANI AITAKUTE by BETHANY SY जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें