CHAPTER FIVE part 2

4K 122 7
                                    

Bandang alas nuwebe na ng gabi at oras na naman nang pagpapainom ni Kharen ng gamot kay Asihiro. Ano na naman kaya ang sasabihin niya? Malamang na magpilit na naman ito na magdala siya ng beer.

Bahala na! ang importante mapainom ko siya nang gamot. Makadalaw nga ulit mamaya sa kwarto ng irog ko hahahaha!

“Oras na po nang pag inom mo ng gamot,”

“Na naman? bakit kailangan ko pa bang inumin lahat iyan?” masungit na bungad agad sa kaniya ni Asihiro.

“Siyempre naman po.”

“Kapag ininom ko ba iyan mailalakad ko na agad ang kaliwa kong paa ha?!” paasik na tanong nito.

“Mas magtataka po ako kung matapos mong inumin ang mga gamot na dala ko ay makalipad ka na parang si Darna.”

Huli na para bawiin pa niya ang sinabi niya. Agad na nanlisik ang mga mata nito at galit na tiningnan siya. Sa halip na takot ang maramdaman niya at umiwas siya nang tingin ay ngumiti pa siya. Sabihin nang nagpapacute siya pero anong magagawa niya? Sa mga ngiti man lang niya ay maglaho sana ang galit nito sa mundo.

“Niloloko mo ba ako?”

“Hindi po.”

“Hindi ko iinumin ang mga iyan.”

Nag alala siya. Halatang seryoso ito sa banta nito. Paano na lang kung hindi nito iinumin ang dala niyang gamut? tiyak na mahihirapan nga itong matulog kapag inatake ito nang pananakit ng binti. Sa kabilang kwarto lang siya kaya siguradong maririnig niya kung dadaing ito ng matinding sakit mamayang madaling araw. Siyempre ayaw niyang mangyari iyon kaya gagawa siya ng paraan.

At saka paano na ang goodnight kiss niya? Nagagawa lang naman niyang halikan si Asihiro kapag lasing ito o kaya ay nakainom na ng gamot.

“Bakit naman po?” kunwari ay malambing ang boses na tanong niya.

“Wala kang pakialam kung ayokong inumin iyan. Alis na!” taboy nito sa kaniya.

Siya naman ang uminit ang ulo. Sabihin ng mabait siya pero hindi pwede sa kaniya ang katigasan ng ulo nito. Hindi siya tatawaging maldita ng nanay niya para lang sa wala.

“Kung ganoon..”

“Kung ganoon ano? magsusumbong ka sa amo mo?”

Tumawa siya. Iyong tawang malandi, wala nga lang sa practice kaya medyo pumiyok siya.

“Kailangan pa bang magsumbong ako?”

Nagtatakang tiningnan siya nito. “Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi ka ba talaga iinom ng gamot?” Mas pinalambing pa niya ang boses niya.
“Hindi. Umalis ka na.”

Imbes na umalis ay umupo siya sa kama nito. Alam niyang nagulat ito.

“Sige, ikaw ang bahala.”

Napaisog ito nang lumapit siya ng kaunti mula sa kinauupuan nito.

“Anong..” namilog ang mga matang sambit nito.

Nakakainsulto man ang nakikita niyang pagkabigla at takot sa mga mata ni Asihiro ay mas pinili niyang balewalain iyon.

“Parang bigla akong nilamig, sir.”

Kung makikita lang siya ni Mica ay tiyak na pagtatawanan siya nito sa mga kalokohang ginagawa niya.

ANATANI AITAKUTE by BETHANY SY Where stories live. Discover now