CHAPTER 9 part 2

3.1K 97 4
                                    

Ang gaan ng pakiramdam ni Kharen. Hindi niya alam ang eksaktong tawag sa nararamdaman niya lalo na nang magising siya kanina bandang alas kuwatro ng umaga na katabi niya si Asihiro.

Sapilitan niya itong pinalipat sa kwarto nito dahil ayaw niyang isipin ng mga tao sa loob ng bahay na may ginagawa silang milagro. Mabuti sana kung natuloy ang milagro ayos lang na mag isip ang mga ito.

Napangiti siya sa naisip. Ayaw man nitong umalis kanina sa tabi niya ay wala itong nagawa nang sabihin niya na isa siyang dalagang pilipina at ayaw niyang pag usapan ng mga kasama nila sa bahay.

Huminga muna siya ng napakalalim bago siya nagpasiyang pumasok sa silid ni Asihiro. Bandang alas siyete na ng umaga at kailangan na nitong uminom ng gamot.

Lahat nang inihanda niyang ngiti kasama na ang kaligayahang naipon sa dibdib niya dahil magkasama sila kagabing natulog ay mabilis na nawala nang makitang nasa loob na naman ng silid ni si Kim.

Ang ngiting inihanda niya sa binata ay naging ngiwi nang makitang seryosong nag uusap ang mga ito.

“Oras na po para uminom na
ng gamot.” Seryosong sabi niya.
Nawalang parang bula ang happy moment na iniimagine niya kanina dahil sa “bwisita” nito.

“Iwan mo na muna kami, Kim.”

Napakunot noo siya nang mapansin na galit ang paraan nang pagtitig nito sa kaniya. May nagawa ba siyang mali?

Mabilis na tumayo naman si Kim mula sa pagkakaupo nito sa sofa.
Ngumisi pa ito sa kaniya bago sila nito iniwan sa loob nang silid.

Kung siya lang ang masusunod ay hindi lang sa kwarto ni Asihiro dapat itong lumabas. Dapat din itong lumabas ng Hacienda at hindi na bumalik pa. Hindi niya gusto ang presensiya nito doon.

“Sino ka ba talaga?” Baling sa kaniya ni Asihiro.

Nagtaka siya sa tanong nito.

“Ano?”

“Ikaw ba ang naglabas ng mga litratong kumakalat ngayon sa internet? Umamin ka na! espiya ka ano?” galit na sinaklit nito ang kanang braso niya.

Nasaktan siya sa ginawa nitong pagsaklit sa braso niya pero higit pa doon ang naramdaman niya sa nakikita niyang galit sa mga mata nito.

Paano nito nagawang pagbintangan siya samantalang kagabi lang ay magkasama sila?

Magkasamang sakit at hinanakit ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ayos lang sa kaniya noong mga panahong nagagalit ito sa kaniya kapag ayaw nitong uminom nang gamot pero hindi ang ganoong sitwasyon na paghihinalaan siya nito.

“Ano ba, Asihiro! Nasasaktan ako.” Galit na pumiksi siya.

“Magkano ang ibinayad nila sa’yo para manmanan ako?” Kung tingnan siya nito ay masahol pa siya sa isang magnanakaw na nahuli nito sa akto.

“Wala akong alam sa mga sinasabi mo. Hindi ko ugali ang pumasok sa pribadong buhay ng ibang tao.”

“Kung ganoon ano ang ibig sabihin nito?” Inilabas nito ang laptop niya. Nagulat siya nang makitang hawak ni Asihiro ang gamit niya. Paano iyon napunta sa binata? Siguro ay nakalimutan niyang ilock ang kwarto niya kanina at may ibang nakapasok.

Ano namang pruweba ang makikita nito sa laptop niya? Samantalang puro pictures at video ng mga laban lang naman nito ang nakasave doon. Kasama na ang mga nobelang ginagawa niya.

“At ito pa!” pagalit na ibinagsak nito sa kamay niya ang digicam. Hindi kaniya iyon. Hindi siya nagdala ng digicam bago siya nagpunta ng Hacienda.

Nang tingnan niya ang mga larawang nandoon ay nanlaki ang mga mata niya. Nakasave doon ang mga larawan ni Asihiro na lumabas sa internet kamakailan lang. Kung ganoon, iyon ang camerang ginamit ng taong kumuha ng mga pictures nito.

Pero sino? Siya ba ang pinaghihinalaan ng binata?

Hindi pa man niya nakukumpirma na tama ang hinala niya ay ibig ng sumama ng loob siya. Oo nga at taga hanga siya nito na gustong malaman kung paano nito ginugugol ang bawat oras nito pero alam niya ang salitang privacy at hindi pa siya nasisiraan ng ulo para ilabas ang mga pictures nito sa internet.

“Hindi sa akin ito!.” tukoy niya sa digicam na hawak pa din niya.

“Nakita 'yan ni Manang Lori sa kwarto mo, kasama ang laptop kaya ‘wag ka nang tumanggi pa.”

Napamaang siya sa huling sinabi nito. Paano napunta sa kwarto niya ang digicam?

“Magkano ba ang katumbas ng pananahimik mo para hindi mo na mailabas pa ang ibang nalalaman mo tungkol sa akin?” Patuyang sabi ni Asihiro sa kaniya.

Natulig siya sa sinabi ng binata. Hindi siya makapinawala na mismong ito pa ang magsasabi ng ganoon sa kaniya. Ano ba ang palagay nito sa kaniya? Mukhang pera na nakahandang ipagkanulo ito sa mga reporters?

Dahil sa sobrang galit at sama ng loob niya sa binata ay hindi na siya nakapagpigil pa. Sinampal niya ito at wala siyang pakialam kung tanggalin siya sa trabaho dahil magreresign na siya.

Hindi agad ito nakahuma. Nag unahang pumatak ang mga luha niya. Masakit para sa kaniya na ito pa mismo ang nagsabi noon sa kaniya.

Pero paano nga ba niya maipapaliwanag ang mga ebidensiyang nakuha sa kwarto niya?

ANATANI AITAKUTE by BETHANY SY Where stories live. Discover now