CHAPTER THREE

4.5K 113 2
                                    

Bandang alas diyes na ng gabi nang maisipan ni Kharen na dalawin ang pasyente niya sa kwarto nito. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangang gawin iyon. Sa isang buong araw na pag asikaso niya kay Hiro ay nararamdam niya na hindi siya magtatagal sa pagiging nurse. Kaya nga siya tumigil sa pag aaral ay dahil hindi niya kaya ang pressure lalo na kung karamihan sa mga pasyente ay katulad ni Hiro.

Nakadama siya nang inis nang makita niyang hindi man lang nito ininom kahit isa sa mga gamot na dinala niya. Kahit ang mga pagkain ay maghapon lang nakatambay sa mesang malapit sa kama.

“Grabe.. malapit na talaga akong sumuko sa’yo.” Bulong niya sa sarili.

Muntik pa siyang matisod dahil sa mga bote ng alak na nagkalat sa sahig. Napakunot noo siya nang makita niyang wala sa kama ang lalaki.

“Nasaan kaya ang masungit na iyon?” Inilibot niya ang paningin sa buong paligid. Sa sobrang laki ng kwartong tinutuluyan nito masasabi niyang mas malaki pa iyon sa bahay na inuupahan niya sa Maynila.

Nakarinig siya nang ungol sa may bandang paanan ng kama. Dali daling tiningnan niya ang pasyente niya. Agad siyang nag alala dahil baka nahulog ito sa kama at hindi na makabangon pa dahil sa pananakit ng katawan.

Alam niyang mahina pa ang katawan nito dahil ilang linggo pa lang naman mula nang lumabas ito sa ospital. At dahil hindi nito iniinom ang mga gamot nito kaya may posibilad na atakihin ito nang sobrang pananakit ng katawan lalo na ang kaliwang paa nito na napuruhan nang maaksidente ito.

“Sir okay ka lang po?” Mabilis na lumapit siya kay Hiro.

Mahihinang ungol lang ang naging tugon nito sa kaniya.
Hindi na niya alam ang gagawin niya. Masyadong mabigat ang lalaki at mahihirapan siya kung pwepwersahin niya ang sarili niya na ihiga ito sa kama.

Oo nga at malapit lang ang kama pero paano siya? Sa laki ng katawan ni Hiro baka mabali ang mga buto niya.
Bahala na!

“Sir?” Bahagya pa niyang tinapik nang mahina ang magkabilang pisngi nito para lang magising ito.

Napakunot ang noo niya nang maamoy ang alak sa katawan nito.
“Kaya naman pala halos hindi na makabangon kasi lasing na lasing pala.”

Napahinga siya nang malalim. Isa lang ang ibig sabihin niyon. Kailangan niya itong alalayan na makatawid sa kama nito dahil kung hahayaan niya itong nakahiga sa sahig ng buong magdamag ay baka magkaroon pa ito ng pulmonya. Baka siya pa ang sisihin nito kapag pinabayaan niya ito.

Inabot siya ng mahigit sampung minuto bago ito maitayo mula sa pagkakahiga sa sahig. Ang problema naman niya ay paano niya maihihiga ng maayos sa kama ang lalaki kung hindi nito maihakbang nang maayos ang kaliwang paa.

Katakot takot na problema ang ibinigay sa kaniya ng lalaking ito sa loob lang nang isang araw. Tatagal pa ba siya?

Sampung minuto muli ang lumipas bago niya matagumpay na naihiga sa kama si Hiro. Nakahinga ng maluwag si Kharen nang makita ang panatag na paghinga nito.

“Kailangan ko siyang palitan ng damit. Ang swerte ko naman kahit papaano madadama ko ang kakisigan mo.” Nakangisi siya habang kinakausap niya ang natutulog na pasyente. Tutal lasing naman ito at hindi nito malalaman kung bigla niyang maisip na pagsamantalahan ang…

Naku hindi pala pwede. Seloso si Asihiro ko e. pasensiya ka na cutiepie next lifetime ka na lang. Tinapik tapik pa niya ang pisngi ni Hiro.

ANATANI AITAKUTE by BETHANY SY Where stories live. Discover now