CHAPTER 9 part 1

3.1K 102 5
                                    

Kusang pumikit ang mga mata ni Kharen nang magtagpo ang mga labi nila ni Asihiro. Alam niyang maaaring may maganap sa kanila ngayong gabi at nakahanda siya sa bagay na iyon.

Hindi niya pagsisisihan ang anumang nakatakdang maganap ngayong gabi dahil mahal niya ang binata. Kung ito lang ang tanging paraan  para kahit papaano ay mabawasan ang mga sakit at problemang dinadala nito ay gagawin niya.

Naramdaman niyang lumalim ang mga halik na pinagsasaluhan nila. Ang mga kamay nito ay nag umpisa nang pag aralan ang kabuuan niya. Napaungol siya nang dumako ang kanang kamay nito sa may bandang hita niya.

“I want you..” paulit na ulit na anas nito.

Hindi man iyon ang inaasahan niyang sasabihin nito ay masaya na din siya. Para sa kaniya hindi na din iyon masyadong malayo sa inaasahan niyang sasabihin nito.

Hindi niya alam kung ano na ang magiging kapalaran niya pagkatapos ng gabing pagsasaluhan nila. Ipokrita siya kung hindi niya hahangarin na panagutan nito ang mangyayari sa kanila. Pero hindi siya makasarili para pilitin itong panagutan siya. Tama na sa kaniya na naiparamdam niya kay Asihiro na mahal na mahal niya ito.

Itinaas ni Asihiro ang damit niya. Gumapang paitaas ang mga kamay nito na kanina lang ay abala sa paghaplos sa mga hita niya. Muli siyang napaungol nang bumaba ang labi nito sa leeg niya. Napasinghap siya nang bumaba iyon sa may parteng dibdib niya. Napakagat labi siya nang maramdam ang init na pumapaloob sa buong katawan niya.

Ilang sandali itong nanatiling sa may parteng leeg niya. Hanggang sa naramdaman niyang tumigil ito sa ginagawa. Napakunot noo siya ng hindi na ito nagpatuloy pa. Nang iangat niya ang mukha nito mula sa pagkakasubsob sa leeg niya ay labis labis ang panghihinayang na naramdaman niya.

“Anak ng tupa naman, Asihiro! Nagawa mo pa talaga akong tulugan ngayong gabi?” Naiinis na inalalayan na lang niya ang lalaki para makahiga ito nang maayos.

Hindi lang siya naiinis sa binata kundi sa sarili na din niya. Nakahanda na talaga siyang ibigay ang sarili dito kundi lang ito nakatulog. At siya naman, imbes na magpasalamat dahil hindi natuloy ang dapat na gagawin nila ay nakadama pa nang panghihinayang.

“Nakakainis ka, irog, bibitinin mo lang pala ako. May I want you ka pang nalalaman.” Pinisil niya ang kanang pisngi nito.

Nasaktan siguro ito sa ginawa niya kaya napaungol ito.

“Ay! Sorry, hehe.” Makailang ulit na hinalikan niya ang namumulang kanang pisngi nito.

Isipin na ng lahat na praning siya, basta ang importante ay kasama niya ngayon ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay niya.

Masuyong tinitigan niya si Asihiro habang mahimbing na natutulog ito sa kama niya.

“Kung may magagawa lang sana ako para hindi ka na malungkot ng ganiyan.”

ANATANI AITAKUTE by BETHANY SY حيث تعيش القصص. اكتشف الآن