CHAPTER 8 part 2

3K 101 7
                                    


Bandang alas dose na ng gabi. Pabiling biling lang si Kharen mula sa pagkakahiga. Hindi niya magawang matulog dahil sa dami nang iniisip niya.

Hindi pa sila nagkakausap ni Asihiro dahil wala itong ibang ginawa sa maghapon kundi ang magmukmok sa silid nito.

Hinayaan na lang muna niya ito. Pumapasok lang siya sa kwarto nito kapag oras na nang pag inom nang gamot. Kahit naman siguro siya ay ganoon din ang magiging reaksiyon dahil sa mga balitang lumabas sa social media. Lalo pa at involved ang pamilya nito. Alam niyang masakit iyon para sa binata.

Hindi magbabago ang nararamdaman niya kay Asihiro kahit na marami ang mga taong gustong sumira sa reputasyon nito at binabato ito ng maraming issue. Mahal niya si Asihiro kaya kahit ano ay matatanggap niya.

Napapitlag siya nang marinig na may kumatok sa pinto ng silid niya.
Nagtatakang tumayo siya mula sa pagkakahiga at binuksan ang pinto.

Agad na lumukso ang puso niya nang makita si Asihiro sa labas ng kwarto niya.

Ngumiti ito sa kaniya. “Pwede ba akong pumasok?”

“Sige.”

“Bakit hindi ka pa natutulog namimiss mo ako ‘noh?”

Kahit kailan talaga simpleng bumanat ito. Kanina lang ay halos hindi siya nito kinakausap dahil mainit ang ulo nito, pero ngayon nagbabalak na naman yata itong landiin siya.

“Bakit ikaw lang ba ang pwede kong mamiss?” Nakataas ang kilay na tanong niya.

“Mayroon pa bang iba?” Lumapit ito sa kaniya.

“Nakainom ka ba?”

“Oo..”

“Kadalasan sa mga umiinom ay may mga problema.” Iyon ang nasabi niya dahil gusto niya na mag open ito sa kaniya ng mga sama nito ng loob.

“Marami akong problema kaya nga marami din akong ininom na alak.”

“’di ba sabi ko sa’yo bawal kang uminom?” Pagalit na sabi niya dito.

Hindi pa ito lubusang magaling kaya nga ganoon na lang ang pagbabawal niya dito na uminom ng alak.

“Ngayon lang naman.” Matipid na sabi ni Asihiro.

“Gusto mo ba na pag usapan natin 'yan napakarami mong problema?” Nakahanda siyang makinig sa mga hinaing nito sa buhay. Kahit abutin sila ng umaga ay ayos lang sa kaniya.

“Ayoko.”

“Bakit naman?” Napansin niyang kumulimlim ang mga mata nito dahil sa tanong niya.

“Tinatamad ako ‘eh. Bakit hindi na lang natin pag usapan ang tungkol sa ating dalawa?” Lumapit na naman ito sa kaniya kaya napaurong siya.

Kinakabahan siya sa ginagawa nitong paglapit.

“May dapat ba tayong pag usapan?”

“Marami.”

“Katulad ng ano?”

“Katulad nang ginagawa mong pang aakit sa akin.”

“Kailan naman kita inakit?” Hindi lang mga mata niya ang nanlaki, pati butas ng ilong niya.

“Iyon nga ang magulo ‘eh, hindi mo naman ako inaakit. Pero kahit tumayo ka lang sa harapan ko at ngitian ako naaakit na ako.” Hinaplos nito ang kanang pisngi niya.

Sa kaiiwas niya sa binata ay namalayan na lang niya na magkayakap silang dalawa na natumba sa kama niya.

Napalunok siya nang makitang titig na titig ito sa kaniya.

“Asihiro..”

“Hmm?”

“Bakit ba nandito ka sa kwarto ko? Dapat natutulog ka na, anong oras na kaya,”

Gusto tuloy niyang sisihin ang amo niyang si Riyuhki. Alam naman nitong bawal ang alak pero pinagbigyan pa din nito si Asihir siya tuloy ngayon ang kinukulit nito.

Gusto mo naman ‘di ba? Kung makapakipot ka naman sa kaniya parang hindi mo siya iniisip kanina.

“Maninigil ako ng mga utang mo sa akin.”

“Ha?” Naguguluhang tanong niya. Hindi naman niya ugaling mangutang kaya hindi niya naintindihan ang sinasabi nito.

“Ito ang bayad mo sa mga pang aasar mo sa akin.” Masuyong hinalikan siya nito sa noo.

“Ito naman para sa mga pang aakit mo kapag ayaw kong uminom ng gamot.” Hinalikan siya nito sa kaliwang pisngi.

“Ito naman ang bayad mo sa walang awang pagpisil mo sa mga muscle ko.” Sa kaliwang pisngi niya dumako ang ikatlong halik nito.

Kinakabahan siya sa susunod na gagawin n binata. Pakiramdam niya anumang oras ay hihimatayin na siya.

“At ito ang bayad mo sa ilang araw na pagpapahirap mo sa akin.”

Nangyari nga ang inaasahan niya at inaasam ng sutil na puso niya. Napasinghap siya ng sa mga labi na niya dumako ang paniningil na sinasabi ni Asihiro. Kung sa ganoong paraan ito maniningil ng utang ay mas gugustuhin niyang mabaon siya sa utang para isahan na lang kapag siningil na siya nito.

ANATANI AITAKUTE by BETHANY SY Where stories live. Discover now