CHAPTER 9 part 3

3.4K 107 4
                                    

Isang linggo nang nagmumukmok sa loob ng bahay si Kharen. Ayaw niyang lumabas ng bahay mas gusto niya ang mapag isa. Kahit ang kaibigan niyang si Marco ay hindi niya hinahayaang tumambay doon.

Simula nang bumalik siya ng Maynila isang linggo na ang nakakaraan ay wala siyang ibang ginawa kundi kumain,matulog,magbasa ng pocketbooks at manood ng TV.

Naalala na naman niya si Asihiro. Paano nga ba naman niya hindi maaalala ang lalaki kung buong palibot ng bahay niya ay nagkalat ang mga litrao nito?

Sadista nga siguro siya dahil hindi niya magawang alisin ang mga litrato nito.

Nang araw na pinagbintangan siya nitoat nasampal niya ito ay umalis na siya. Para saan pa ang pananatili niya sa Hacienda kung ang mismong lalaki na ang nagsabi na siya ang espiya.

Hindi man lang siya nito hinayaan magpaliwanag para kahit papano ay hindi naman masakit sa loob niya ang pag aalsa balutan. Sa sobrang hinanakit nga niya ng mga panahong iyon naiwan niya ang laptop niya.

Tatawag na lang siya sa kaibigan para ipakuha iyon, huwag nga lang nitong isama ang digicam sa ipapadala nito at baka ibalik niya iyon sa Hacienda na may kasamang bomba.

Kontentong nakaupo siya sa sofa habang palipat lipat siya ng channel sa tv. Nagsasawa na siya sa mga palabas. Lahat ng mga bagong bili niyang pocketbook ay natapos na niyang basahin. Mamaya na lang siguro siya bibili kapag nakapag grocery na siya.

Kahit ayaw niyang lumabas ng bahay ay wala siyang magagawa dahil ubos na ang stock niya ng pagkain.

Skyflakes na nga lang ang kinain niya kaninang umaga at malamang na iyon din ang tanghalian niya dahil mamayang hapon pa siya lalabas.

Walang gana na kinuha niya ang skyflakes sa mesa at nag umpisang kumain. Alas diyes na ng umaga, mabuti na lang na may stock pa siya ng biskwit kaya kahit papaano ay nakakasurvive siya.

Natigilan siya nang makita ang litrato ni Asihiro sa isang news channel. Napatuwid siya nang upo nang marinig ang magandang boses nito habang iniinterview ng isang reporter.

Ayon sa balita  nalaman na kung sino ang nagkalat ng mga litrato nito sa social media. Binayaran lang umano nang nagngangalang Kimberly Mancillo ang isa sa mga nagpanggap na tauhan sa Hacienda para kuhanan ng pictures ang binata.

“Ayon sa nakalap na impormasyon ay may binayaran lamang si Kimberly Mancillo na tao para magpanggap na tauhan sa loob ng hacienda. Nagawa diumano ito ni Miss Mancillo dahil sa galit niya sa kapatid mo na si Riyuhki Watanabi.”

Napanganga siya sa sinabi nang reporter. Tama ba ang narinig niya magkapatid si Asihiro at Riyuhki?

Nagalit daw si Kim nang tumanggi si Riyuhki sa kagustuhan ng pamilya ng mga ito na pagpapakasal. Dahil siguro sa galit ay nagpunta ito sa Pilipinas at nang makakita ito ng pagkakataon na gumanti ay agad na ginamit nito si Asihiro.

“Totoo ba na naging girlfriend mo si Kimberly Mancillo noong nasa Japan pa kayo?”

“Hindi.... Nang mag audition siya sa isang modeling contest sa Tokyo, isa ako sa  mga naging Judge kaya magkakilala kami. Tungkol naman sa pagtanggi ng kapatid ko na pagpapakasal sa kaniya, labas na ako doon.” nakangiting sagot ng binata.

Agad na kumulo ang dugo niya sa natuklasan. Kung ganoon ay si Kim pala ang may pakana ng lahat.  Hindi siguro alam ng babae ang kasabihan na walang lihim ang hindi nabubunyag. Pwes siya alam na alam niya.

Naniningkit ang mga mata na tiningnan niya ang litrato ni Kim na saglit na ipinakita sa Tv.

“Dapat sa’yo ipinapatapon sa Pacific Ocean kasama ang mga alipores mo.”

Galit na galit talaga siya. Kung maaga lang natuklasan na ito ang may gawa at hindi pa siya nakakaalis nang mansiyon, malamang kinalbo na niya ang malanding babae.

“Noong mga unang buwan n pananatili mo sa Pilipinas, hindi sumagi sa isip mo na magbigay nang anumang saloobin sa publiko. Maaari ba namin malaman kung ano o sino ang nag udyok sa’yo ngayon para linawin ang mga kumakalat na issue tungkol sa totoong pagkatao mo?”

Ngumiti muna ito bago nagpasiyang sumagot. Dahil sa ngiting iyon kaya nag umpisa na naman magwala ang puso niya. Miss na miss na niya si Asihiro pero anong magagawa niya? Hindi naman siya tanga para ipilit pa ang sarili dito.

“Isang espesyal na tao na nagparamdam sa akin ng pagmamahal na hindi ko nakita sa ibang tao.” Makahulugang sabi nito.

Daig pa niya ang tinusok ng maraming aspile sa bandang puso niya sa narinig. Sino ang espesyal na taong tinutukoy nito, babae ba?

Tuluyan na siguro siyang mawawalan ng pag asang maging sila. Baka may naiwan itong espesyal na babae sa Japan at nakahanda na itong ipakilala iyon sa buong mundo.

Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit. Ilang beses ba siyang nangarap na balang araw ay ipapakilala siya nito bilang ang babaeng minamahal nito.

Nagkagulo ang mga reporter sa sagot ni Ashiro. May mga fans din na animo iniwanan ng mga kasintahan ang nagsisigawan. Kahit siya ay ganoon din ang magiging reaksiyon pero mas pinili niyang maupo at hindi magwala.

Nanamnamin na muna niya ang sakit na nararamdaman niya. Dadaanin na lang niya ito sa alak mamaya. Tatawagan niya ang lahat ng mga kaibigan niya para damayan siya.

“Pwede ba namin malaman kung sino ang espesyal na taong ito na nagparamdam sa’yo ng pagmamahal?”

Lalong lumakas ang sigawan ng mga tao.

“Sana ako na lang,” naluluhang sabi niya sa sarili.

Alam niyang imposible na siya ang tinutukoy nito pero kahit papaano ay umaasa siya. Kahit na nga ba isandaang porsiyento na sigurado siyang hindi siya iyon. Hindi naman lingid sa kaniya ang mga naggagandahang babaeng nauugnay dito.

“Hindi pa ako handang ipakilala siya sa ngayon medyo mahiyain kasi siya.”

Imposible nga na siya iyon dahil hindi naman siya mahiyain. Makapal nga ang mukha niyang pasukin ito tuwing gabi sa kwarto niti. Laglag ang mga balikat na pinatay na lang niya ang Tv nang matapos na ang interview kay Asihiro.

Napabuntong hininga siya. Kung magdesisyon na itong magpakasal ay paano na siya? makakaya ba niya na ang lalaking pinakamamahal niya ay makita niyang ikinakasal sa ibang babae? Pero hindi siya makasarili para hindi hangarin ang kaligayahan ni Asihiro.

Abala siya sa pag iisip nang marinig niyang may nagdoorbell. Patamad na tumayo siya para tingnan kung sino ang bisita niya.

“Sandali! Masyado kang nagmamadali.” Inis na sabi niya nang marinig niyang sunod sunod na ang pagdoorbell ng nasa labas.

“Ano ba! sabi ng sandali ‘eh!” pagalit na binuksan niya ang pinto.

Natulala siya nang tumambad sa kaniya ang nakangiting mukha ni Asihiro.

ANATANI AITAKUTE by BETHANY SY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon