CHAPTER FIVE part 1

4K 97 2
                                    

KANINA pa nakayuko si Kharen habang si Asihiro naman ay abalang kumakain ng almusal. Nanatili lang siyang nakatayo at hinihintay itong matapos kumain, para makainom na ito ng gamot.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-move on si Kharen sa nangyari kagabi. Kung tutuusin ay hindi naman iyon ang unang beses na nahalikan siya ng isang lalaki, pero hindi sa ganoong paraan. Napapikit siya nang maalala ang lahat…

Pampagana lang baby pakiss ulit, hmmmm! Ang bango talaga. Hindi ka lang amoy snow sa Japan ngayon, amoy imported chocolate ka pa.” paulit ulit na hinalikan ni Kharen sa magkabilang pisngi si Asihiro.

Sa pisngi lang naman ang balak niya dahil isa siyang dalagang pilipina. Pero hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari na sobrang ikinalito ng puso niya.
Siguro ay nainis na ang binata sa paulit ulit na paghalik niya. Kaya kahit na natutulog ay nagawa nitong kabigin siya at halikan ng mariin sa mga labi.
Noong si Ian ang boyfriend niya ay hindi niya naranasan ang ganoong klase ng halik. Dahil na rin sa sobrang pagiging conservative niya kaya ipinagpalit siya nito sa ibang babae. Hindi rin naman niya masisisi ang dating boyfriend dahil aaminin niya na hindi ganoon kalawak ang alam niya pagdating sa intimate kiss.

ANATANI AITAKUTE by BETHANY SY Onde histórias criam vida. Descubra agora