CHAPTER TWO

5.3K 129 0
                                    

"Malayo pa ba? Grabe naman ilang milya na yata ang nilakbay ko hindi ko man lang natanaw ang bahay." Kanina pa naiinis si Kharen. Pagod na siya sa mahigit kalahating oras na paglalakad. Hindi niya akalain na ganoon pala kalaki ang Hacienda na pinagtratrabuhan nang kaibigan niyang si Mica.

Pakiramdam niya tuloy ay naliligaw na siya. Halos wala man lang kahit isang palatandaan na malapit na siya sa bahay ng may ari ng Hacienda. Malapit na siyang mawalan ng pag asa.

"Kung alam ko lang na ganito kalayo ang bahay na sinasabi noong nakausap ko kanina, pumayag na sana akong magpahatid dito." Nang sipatin niya sa cellphone ang oras ay nagulat siya.

Bandang alas dos na pala ng hapon at hindi pa siya kumakain. Kanina pa siya nagugutom at nauuhaw, pero anong magagawa niya? Bukod sa napagtanungan niya kanina ay wala na siyang nakitang ibang tao na maaari magsabi ng tamang direksiyon.

Matapos ang mahigit sampung minutong paglalakad ay natanaw na niya ang malaking bahay. Nawala lahat ng pagod at uhaw niya pero hindi ang nararamdaman niyang gutom. Kailangan niyang makita ang kaibigan sa lalong madaling panahon bago pa niya maisipang kainin ang mga damong nakikita niya sa paligid.

Hindi nagtagal ay may nakita siyang matangkad na babae na lumabas mula sa loob ng malaking bahay. Agad na nagliwanag ang mukha niya nang makilala ang babae. Patakbong lumapit siya sa kaibigan.

"Bestfriend, I miss you!" tuwang tuwa na niyakap niya si Mica.
Halatang gulat na gulat ang kaibigan niya nang makita siya. Hindi niya maiwasang matawa sa reaksiyon nito.

"Anong ginagawa mo dito Kharen?"

"Grabi ka 'day!.. parang hindi ka masaya na dinadalaw kita dito." Kunwa ay nagtatampong sabi niya.

"Bakit kasi nagpunta ka agad dito nang walang abiso?"

"Siyempre surprise hehe! saka namimiss na kita."

Kaibigan niya ito mula pagkabata. Nagkahiwalay sila nang magpasiya ang mga magulang ni Mica na manirahan sa Isabella. Tubong Isabella kasi ang ama nito. Base sa kwento ni Mica ay ang ama nito ang katiwala ng may ari nang Hacienda Villareal. Kung tutuusin ay marami naman na mga kompanya ang gustong kumuha sa kaibigan niya sa Maynila pero mas pinili noting tanggapin ang offer ng may ari ng Hacienda bilang sekretarya.

"Hindi ako maniniwala kung sasabihin mo na iyon lang ang dahilan mo." Tinitigan siya nito.

Napayuko siya. Hindi niya alam kung papaano sasabihin dito ang totoo. Baka pagtawanan siya nito.

"Alam mo kasi.." biglang may kumislap na ideya sa isip niya.

"Naghahanap ako ng trabaho. Ayoko muna kasi sa Maynila dahil pakiramdam ko ay punong puno na ng usok ang dibdib ko. Maski nga ang utak ko polluted na."

"Ano naman ang alam mong trabaho sa Hacienda?" Natatawang tanong nito.

Hindi niya maiwasang mainis sa tanong nito. "Sobra ka naman.. anong tingin mo sa akin inosente? Willing naman akong matutunan ang mga gawain dito eh. Kahit maging aliping sagigilid ako ayos lang."

"Mag a-apply kang maid? Seryoso ka?" Nanlaki ang mga mata nito sa huling sinabi niya.

"Ibig mo bang sabihin, pagiging maid lang talaga ang pwede mong maibigay sa aking posisyon?" Hindi pa man ay gusto nang sumama nang loob niya. Hindi niya kaya ang maghapong trabaho.

"Iyon lang ang bakante sa ngayon eh."

Napapikit siya sa sinabi nito.

Aray ko po! Kung sabagay ayos na din kaysa naman maging hardinera ako. Wala naman ako sa posisyon para maging choosy pa.

ANATANI AITAKUTE by BETHANY SY Onde histórias criam vida. Descubra agora