CHAPTER SIX part 2

6.6K 148 50
                                    

“Siguro type ka ni sir Hiro kaya ganoon?” Ani Mica.

Masaya silang nag uusap sa kusina habang kumakain ng merienda. Wala itong trabaho ngayon dahil nasa Maynila ang boss nila. Si Asihiro naman ay natutulog sa kwarto nito.
Mag iilang linggo na siyang nagtratrabaho bilang nurse nito at natutuwa siya dahil sa ilang linggo na iyon ay nagbago na ang pag uugali nito.

Hindi na ito masyadong masungit ngayon. Nagagawa na din nitong sakyan ang mga biro niya. Kahit papaano ay kaya na din nitong lumabas ng bahay at mamasyal sa labas.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa din nila napag uusapan ang nangyari, ilang linggo na ang nakakaraan. Wala naman balak si Kharen ungkatin iyon. At kung ungkatin man iyon ng binata, siguradong tatanggi siya.

Sa ngayon hindi na niya ito kailangan pasukin sa kwarto nito para makagoodnight kiss dahil nasanay na ito sa epekto ng mga gamot. Hindi na ito humihingi ng beer sa kaniya. Alam naman kasi nitong hindi siya nito mapipilit.

“Paano mo naman nasabi?” halos masamid na tanong ni Kharen.

“Wala lang.”

“Pwede ba ‘yun wala lang?” nakataas ang kilay na sabi niya.

“Hindi mo ba napapansin? sa’yo lang siya mabait. Sa ibang tao dito hindi naman siya ganoon. At saka ngayon lang siya lumabas ng lungga niya 'ah. Tapos narinig ko noong isang araw, pumayag na daw si sir Hiro na mag undergo ng therapy.”  Nang iintrigang wika ni Mica.

Napangisi siya. “Sa akin lang ba siya mabait? Baka ako lang kasi ang nakikita niyang maganda dito.”

“'Kapal mo!” Natatawang binato siya ni Mica ng tinapay.

“Hindi ba totoo?”

“Kung sabagay maganda ka naman talaga.”

“Ikaw ang may sabi niyan, hindi ako.”

Totoo naman ang sinabi ng kaibigan na maganda talaga siya. Kadalasan na sinasabi ng mga kakilala niya na sa kanilang tatlong magkakapatid ay siya ang pinakamaganda. Nangingiting napahawak si Kharen sa mahabang buhok niya. Mas lalo yata iyong humaba dahil sa kayabangan niya.

“Ano bang sekreto mo?”

“Saan?” Nagtatakang tanong niya.

“Kung bakit hindi na siya masungit ngayon. Akalain mo bumait si Sir Hiro. Parang beauty and the beast lang ang kwento ninyong dalawa.”

“Aba! maganda ako ‘eh!” nagmamalaking sabi niya.

“Ginawa mo ba?”

“Ang alin?”

“’Yun sinabi ko sa’yo dati,”

“Wala akong maalala.” Naguguluhang sabi niya.

Lumingon na muna ito sa paligid bago siya hinarap ulit.

“'Yung soft side at hard side, nahanap mo ba?” Nakangising tanong nito.

Saglit na natulala siya. Namula ang buong mukha niya sa narinig. Ginawa nga ba niya?

Napuno ng malakas na tawa ni Mica ang buong paligid ng hindi niya masagot ang maintrigang tanong nito.

Naiinis na binato niya ulit ito ng tinapay sa mukha.

**********************************************

Lihim na napapangiti si Kharen habang pinagmamasdan niya si Asihiro na naglalakad palapit sa kaniya. Ilang araw na mula ng sumailalim ito sa theraphy at masasabi niya na may nagbago na sa kondisyon ng binata.

Hindi na dumadalas ang pananakit ng binti nito at hindi na rin niya kailangan na painumin ito ng ilang klase ng gamot. Natitiyak niya na ilang buwan pa simula ngayon ay makakalakad na ito ng maayos.

Hindi niya alam kung ano ang nagtulak kay Asihiro para bumalik sa dati. Isa lang ang masasabi niya. Masaya siyang nakikita na wala na ang dating bugnotin at masungit na si Asihiro.

“Ang bagal mo naman kaunting bilis, kamahalan.” Natatawang sabi niya.

Katatapos lang ng therapy nito. Sa halip na magpahinga nang umalis na ang therapist ay nagpatuloy ito sa exercise.

Sa ilang linggong pananatili niya sa Hacienda ay nabuo ang pagkakaibigan sa pagitan nilang dalawa. Kaya hindi siya nangingiming magsabi ng mga salitang minsan ay ikinaiinis nito. Masyado silang naging komportable sa isa’t isa. Ayaw na nga nitong magpatawag na ‘sir’ sa kaniya.

“Umalis ka nga diyan nakaharang ka sa dadaanan ko.” Taboy nito sa kaniya.

“Ayan! Tatawagin mo ako sa labas tapos magsusungit ka lang pala.”

Hindi na bago sa kaniya ang mga ganoong eksena.

Paika ikang naglakad si Asihiro palapit sa kaniya.  Salubong na naman ang mga kilay nito. Pagod na siguro ito dahil sa ilang beses na pabalik balik na paglalakad.

“Next time sa labas ka mag practice ‘wag dito sa kwarto mo. Para naman kung sakaling matisod ka..”
Hindi na naituloy pa ni Kharen ang sasabihin niya. Nanlaki ang mga mata niya sa sa sunod na nangyari. Sabay silang bumagsak sa sahig ng magkatotoo ang sinabi niya.

Natisod nga si Asihiro. Mabuti na lang at mabilis ang mga kilos nito dahil bago sila bumagsak sa sahig ay nayakap na agad siya nito. Kung hindi nito iyon ginawa siguradong kawawa ang katawan niya.

Pero hindi ang mga labi niya….







ANATANI AITAKUTE by BETHANY SY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon