CHAPTER 7 part 3

3K 106 5
                                    

Napangiti si Asihiro nang maramdamang tumutugon na si Khare  sa mapusok na mga halik niya. Hindi niya alam kung ano ang nag udyok sa kaniya na sundan ito sa kusina nang makita niya ito kaninang patungo doon.

Sa ilang linggong magkasama sila ay agad na nakuha nito ang atensiyon niya. Kung tutuusin ay iyon ang unang beses na siya ang kusang lumapit sa babae. Sanay siya na ang mga babae mismo ang lumalapit at nagpapakilala sa kaniya noong nasa Japan siya. Bilang isang sikat na personalidad ay hindi na bago sa kaniya ang mga babaeng nagpapakita ng motibo at hindi siya tanga para tumanggi.

Ilang beses na nga ba siyang naugnay sa mga sikat na modelo o artista sa Japan man o sa ibang bansa? Kakabit na ng pangalan niya ang pagiging playboy niya.

Isa man sa mga naging karelasyon niya ay wala siyang sineryoso. Ayaw niyang matulad sa mga magulang niya na naghiwalay din sa bandang huli at iniwan siyang mag isa. Masyadong malalim ang sugat na iniwan ng nakaraan. Namalayan na lang niya na ang sugat na dulot ng nakaraan ay naging takot.

Ayaw niyang sumubok sa isang relasyon na maaaring humantong sa pagpapakasal dahil natatakot siyang masaktan na katulad ng nagyari sa kanyang ina.

Napaungol si Kharen ng marahang kinagat niya ang mga labi nito. Hindi na siya nakapagpigil pa kanina nang makitang bumaba ito na ang tanging suot lang ay maikling short at puting sando na hapit sa katawan nito.

Sa lahat ng mga babaeng nakasalamuha niya. Ito lang ang bukod tanging babae na kahit walang ginagawa kundi panoorin at bantayan lang ang pag inom niya ng gamot sa maghapon ay nagagawang magbigay sa kaniya ng ibang damdamin.

Naalala niya ang ginawa nito noong mga unang araw nito bilang nurse niya. Nang gabing pinilit siya nitong uminom ng gamot ay hindi niya ininom iyon. Hindi niya gusto ang epekto sa katawan niya ng mga gamot na pilit ipinapainom ng dalaga. Kaya nga nang lumabas ito ng silid niya ay iniluwa niya ang mga iyon.

Ngunit nagulat na lang siya ng makalipas ang isang oras ay bigla na lang itong pumasok sa silid niya. Nang sabihin ni Kharen na ayaw man nitong ipainom sa kaniya ang mga gamot na nireseta sa kaniya ng doktor dahil iba ang magiging epekto niyon sa katawan niya ay nagtaka sya.

Ang buong akala siguro nito ay ininom niya ang mga gamot at makalipas ang isang oras ay tumalab na iyon sa kaniya.

Nagulat pa siya ng nagsimula itong pisil pisilin ang mga braso niya. Iba ang naging epekto nang ginawa nito sa kaniya.

Ang saya ng buhay kaya wala kang dapat ikagalit sa mundo. Maraming tao ang nagmamahal sa'yo kasama na ako doon.

Iyon ang mga eksaktong sinabi nito sa kaniya na tumanim naman sa isip niya. Nang aktong hahalikan siya nito sa pisngi ay hindi na siya nag dalawang isip pa. Sinamantala niya ang pagkakataon para sakupin ang mga labi nito.

Simula ng gabing iyon nag iba ang pananaw niya sa buhay. Bakit nga ba naman siya magmumukmok sa loob ng madilim na silid niya samantalang may mga taong naghihintay at nagmamahal sa kaniya. Hindi man niya masasabing pamilya niya ang mga taong iyon, pero ang mga ito ang nagbigay sa kaniya ng pagmamahal na hindi niya nakuha sa mga magulang niya.

Pareho silang nagulat ng may marinig silang mga yabag ng taong patungo sa kusina. Agad na lumayo ito sa kaniya at nagkunwaring abala sa pagtitimpla ng gatas.

Napapikit na lamg siya sa sobrang inis. Bakit ba sa tuwing ganoon ang eksena sa pagitan nilang dalawa ay bigla na lang may dumarating na istorbo?

"Hey!." Ani Riyuhki.

Siguro ay nagising ito at bumaba lang para magtimpla ng kape.

"Bakit nandito ka?" Naiinis na tanong niya.

"Bakit bawal na bang pumunta sa kusina nang ganitong oras? Unless....." makahulugang sabi nito na ikinainit naman ng ulo niya.

Binigyan niya ito nang nagbabantang tingin. Hindi man lang ito natinag at nakuha pang ngumiti sa kaniya nang nakakaloko.

"Ahm.. excuse me po." Pasintabi ni Kharen habang bitbit nito ang baso ng gatas na tinimpla nito. Nakayuko na naman ito kaya hindi niya mabasa ang reaksyon nito.

"Again?" Napasinghap si Riyuhki nang dibdiban niya ito. "Aray! masakit yon,  ah? Nagkaroon ka lang ng magandang nurse biglang lumakas ka na."

Hindi na siya tumugon pa sa pang aasar ng kaibigan niya. Tahimik na sinundan na lang niya nang tingin ang dalagang nagmamadaling pumanhik sa silid nito. Hindi man dapat pero nakaramdam siya ng panghihinayang ng maputol ang maiinit na halik na kanina lang ay pinagsasaluhan nila.

"Istorbo." Umiiling na sabi niya kay Riyuhki.

"May kwarto ka naman kasi bakit...." hindi na nito nagawang ituloy pa ang sinasabi nang paika ikang naglakad na siya at iniwan ito sa kusina.

"Pikon." Natatawang pahabol pa ni Riyuhki.

ANATANI AITAKUTE by BETHANY SY Where stories live. Discover now