CHAPTER SIX part 1

4K 103 3
                                    

Dahil sa mga maiinit na eksena sa pagitan nila ni Asihiro ay natagpuan na lang ni Kharen ang sarili na abalang tumitipa sa laptop niya. Katatapos lang ng isang manuscript niya pero hindi pa din siya nagpaawat sa pag iisip ng bagong kwento.

Masyado siyang inspired. Pangiti ngiti pa siya sa harap ng laptop at nagsusulat kahit alas dos na nang madaling araw. Sanay naman siya sa puyatan kaya walang kaso sa kaniya kung gumising siya mamayang alas sais para asikasuhin ang alaga niya.

Iniwan niyang natutulog si Asihiri sa kwarto nito. Ayaw pa sana niyang umalis pero wala siyang magagawa. Mahirap na dahil baka sa tabi pa nito siya abutin nang antok. Sigurado kasi na magugulat ito kung magigising ito kinabukasan na magkatabi sila sa kama. Kung mangyayari iyon ay hindi na siya mahihiran pang pikutin pa si Asihiro.

“Lakas tama ka talaga ‘ne.” natatawang sabi niya sa sarili.

Naisipan niyang buksan ang Facebook account niya. Nagkakagulo na naman ang mga fans. Wala pa rin daw balita hanggang ngayon kay Asihiro.

“Naku mga ineng kung alam lang sana ninyo na ang hinahanap ninyong tao ay kasama ko ngayon.”

Daig pa niya ang nanalo sa Lotto. Iyon ang nararamdaman niya ngayon. Naputol ang pagsasaya niya nang makarinig siya nang ingay mula sa kwarto ni Asihiro.

Kinabahan agad siya. Baka nahulog na ito sa kama!

“Naku sabi ko na nga ba, dapat talaga hindi na kita iniwan, mahal ko!”

Dali dali siyang nagpunta sa kabilang kwarto para tingnan ang kalagayan nito. Namutla siya nang makita ang lagay ng binata. Siguro sa sobrang pananakit ng kaliwang paa nito kaya hindi na nito nakayanan at bumagsak ito sa sahig.

Mabilis na nilapitan niya ito. Narinig niya ang mahinang pagmumura Asihiro.

“Shit!”

“Sir, okay ka lang?” pilit niyang nilakasan ang loob kahit natataranta na siya sa kaba. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit itinigil niya ang pag aaral ng nursing.

Hindi niya kayang makakita ng mga taong naghihirap na kagaya ng lalaki. Masydong malambot ang puso niya sa mga ganoong eksena.

Hindi sumagot si Asihiro. Parang balewalang pinilit nitong tumayo pero muling natumba lang ito.

Kitang kita niya ang paghihirap sa mukha nito. Binuksan niya ang ilaw bago niya ito nilapitan.

Lumapit siya at inalalayan itong bumangon. Paika ikang umupo ito sa kama.

“Okay ka lang?” nag aalalang tanong niya.

“Sa tingin mo okay lang ako?” Paasik na sagot nito.

Napadaing na naman ito ng muling sumakit ang kaliwang paa nito. Nagpasiya siyang iwanan ito. Nagpunta siya ng kwarto niya at kumuha ng gamot. Ordinaryong gamot lang iyon para sa sakit ng katawan. Hindi na niya maaaring bigyan pa ito ng mga gamot na dapat inumin nito dahil masyadong mataas ang dosage niyon.

Hindi na ito tumutol pa nang ipainum niya ang tabletas dito. Sa sobrang sakit na nararamdaman nito ay hindi na nito magawang tumutol pa nang sabihan niya itong humiga para mahilot niya ang paa nito.

Mayamaya pa ay nakatulog na ulit ito. Sa halip na iwan ay nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang lalaki. Marahang hinaplos niya ang mga pisngi nito. Ilang minuto na siya sa ganoong posisyon nang matigilan siya. Kinabahan siya sa biglang naisip.

Paano aatake ang sakit sa paa ni Asihiro kung pinainom niya ito ng gamot, bandang alas nuwebe nang gabi? Uminom nga ba ito?

Napansin niyang bago siya lumabas kwarto nito kagabi ay tumayo ito sa kama. Paano kung tumayo ito para iluwa ang mga gamot na ipinainom niya?

ANATANI AITAKUTE by BETHANY SY Where stories live. Discover now