CHAPTER 7 part 2

3.1K 108 14
                                    

Ala una na nang madaling araw pero hindi pa rin dinadalaw nang antok si Kharen. Nagpasiya siyang bumaba sa kusina at magtimpla nang gatas. Nasanay siguro ang katawan niya sa ilang araw na pagpupuyat sa pagsusulat niya ng nobela.

Naghihikab na kumuha siya nang tasa at kutsara.

“Nakakainis! kanina pa ako naghihikab hindi naman ako makatulog.”

Naiwan sa ere ang paghihikab niya nang bumangga siya sa isang matigas na bagay. Kung hindi lang maagap ang matigas na bagay na bumangga sa kaniya ay tiyak na babalandra siya sa sahig.

Dahan dahang nag angat siya nang tingin dito. Hindi na kailangan pang magdalawang isip siya para lang masigurado na ang matigas na bagay na bumangga sa kaniya ay ang lalaking ilang gabi na ring walang sawang gumugulo sa isip niya.

“M-morning.” Naiilang na sabi niya kay Asihiro.

Isang buong araw niya itong iniwasan. Tuwing maghahatid siya ng pagkain at gamot nito ay mabilis na nagpapaalam na siya dito. Hindi pa siya handa kung sakaling banggitin nito ang nangyari noong isang araw. Kahit si Riyuhki ay iniiwasan niya dahil nahihiya talaga siya.

“Bakit pakiramdam ko iniiwasan mo ako?”

Galit ang nababasa niya sa mukha nito.

“Hindi naman, bakit naman kita iiwasan, ‘di ba?”

“Dahil hinalikan kita.” Prangkang sabi ni Asihiro sa kanya.

Napapikit siya. Bakit ba kailangan pa nitong idiin na kaya siya umiiwas ay dahil nga doon? Hindi ba nito nahahalata na ayaw niyang pag usapan iyon?

Mabilis na humarang ito sa daraanan niya nang magtangka siyang umiwas.

“Asihiro.” Saway niya sa lalaki.

“Alam mo ba na ang sarap sa pandinig kapag ikaw ang bumabanggit ng pangalan ko?” Masuyong sabi nito sa kaniya.

“Ang drama mo yata ngayon?” Pilit niyang kinakalma ang sarili.

Hindi ito umimik at matamang tinitigan lang siya.

“Alam ko na, epekto na naman nang gamot ‘yan ‘noh?”

Napailing iling ito.

“Alam mo na hindi na naninibago ang katawan ko sa sangkaterbang mga gamot na ipinapainom mo sa akin.”

“’eh, bakit daig mo pa ang sabog kung kumilos.” Wala siyang maisip na isagot kaya iyon lang ang nasabi niya.

Naningkit ang mga mata nito at muling nagsalita.

“Bakit mo nga ako iniiwasan?”

“Ang kulit mo naman! sinabi ng hindi kita iniiwasan. Saka bakit naman kita iiwasan, ‘eh ako ang nurse mo?”

Tumaas ang sulok ng mga labi nito.

“Sa tingin mo ba ikaw lang ang may karapatan na manghalik ng walang paalam?” Nakangising wika ni Asihiro.

Kinabahan siya. Balak na naman ba siya nitong halikan?

“Ano bang sinasabi mo?” Nagmaang maangan siya.

“Alam mo bang ilang gabi kong hinanap hanap ang mga halik mo?”

Hindi niya mapigilang mapalunok nang dumako ang mga mata nito sa labi niya.

Napaatras siya nang lumapit ito sa kaniya. Nacorner siya nito ng wala na siyang maatrasan dahil sa mesang nakaharang doon.Iniharang niya ang mga kamay sa malapad na dibdib nito nang tangkain nitong halikan siya.

Hindi niya alam kung hanggang kailan siya magpapakipot sa ginagawa nitong pang aakit sa kaniya.

“Pwede ba?” Nagkunwari siyang galit dito.

“Pwedeng ano? sabihin mo lang, gagawin ko.”

Pwede bang halikan mo na ako agad para hindi na ako tumanggi pa?

Nang umiwas siya ay sa pisngi niya tumama ang mga labi nito.
Nararamdaman niyang ilang sandali pa ay bibigay na siya. Pero hangga’t maaari ay ayaw muna niya. Sabihin ng sadista siya pero gusto niyang patagalin ang oras para mas maramdaman niya ang ginagawang pamimilit nito.

Bigla siyang napaisip. Hindi nga pala pamimilit ang tawag doon kundi pang aakit.

At naaakit siya....

Sinong babae ang hindi maaakit sa isang napakagwapong lalaki na hinahangaan ng mga tao, mapababae man o binabae?

Maswerte siya dahil hindi lang isa kundi maraming beses na naramdaman niya ang mga labi nito.

“Epekto talaga ‘yan ng gamot.” Aniya dito.

“Epekto ito ng mga halik mo sa akin.”

“Ang cheesy mo ngayon, sige ka mamaya hindi ako makapagpigil  patulan kita.”

Hindi ito nag abalang sagutin pa ang huling sinabi niya. Sinamantala nito ang pagkakataon na nalingat siya,  mabilis pa sa alas kuwatrong sinakop nito ang mga labi niya.

ANATANI AITAKUTE by BETHANY SY Where stories live. Discover now