CHAPTER 8 part 1

3.1K 87 3
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Kharen nang makitang sinalubong ng mainit na halik at yakap ng babaeng kararating pa lang si Asihiro.

Hindi man umiwas si Asihiro ay hindi niya masasabing nagustuhan nito ang ginawa ng babae. Hindi masyadong nagtagal ang yakap at halik ng babae dito pero pakiramdam niya ay ilang araw iyong iindahin ng puso niya.

Tumigil yata sa pagtibok ang puso niya nang makita ang ginawa ng haliparot na babae.

Ang walanghiyang Asihiro na ito kung akitin ako kagabi akala ko totoo na.

“Sino yan mukhang dugyot?” Naiinis na bulong niya sa katabi niyang si Mica.

Hindi rin maipinta ang mukha ng kaibigan niya. Siguro ay hindi rin nito gusto ang presensiya ng babaeng walang pakundangang yumakap at humalik kay Asihiro.

“Si Kim, kababata ni sir Riyuhki. Madalas yan magpunta dito kahit nasa Japan na ang mga kamag anak niya.” nakasimangot na sagot nito.

“Japanese ba siya? ‘eh bakit maitim? Mas maputi pa ako diyan, ah.” Nagtatakang tanong niya.

“Hindi. Feeling Japanese lang yan malanding yan. Naku! bantayan mo si sir Asihiro baka mapikot.” Banta ni Mica.

Kinabahan siya sa sinabi ng kaibigan. Paano na lang kung mapikot si Asihiro paano na siya? Kungsabagay wala naman silang relasyon at kung anuman iyong nangyari sa kanila kagabi ay balewala lang siguro iyon sa binata.

“Mainit ba sa Japan ngayon?” Naisipan niyang itanong sa kaibigan.

“Ewan bakit?”

“Maikli pa sa panty ko ang suot niya.” nakataas ang kilay na wika niya.

“Masanay ka na diyan kapag nandito yan feeling ko araw-araw may fashion show. Ang balita ko nag try siyang maging model ‘eh kaso kulang sa height kaya hindi nakapasa. Bakit nga ba hindi ka na lang magmodel sigurado ako madaming kukuha sa’yo?”

“Ayoko nga.”

Naputol ang pagbubulungan nila nang tumingin sa kanila ang “bwisita”.

“Pakidala ang mga gamit ko sa taas.” Mataray na utos nito sa kanila.

Mukha ba silang utusan para mag utos ito na daig pa ang anak ng presidente?

Gusto niyang patulan ang babae ngunit nagtimpi siya. Hindi siya bayolenteng tao para lang patulan ang  kaartehan nito.

Hindi niya inaasahan ang sinabi ng kaibigan niya.

“Secretary ako dito at ang babaeng katabi ko ay nurse kaya wala ka sa lugar para ipabitbit sa amin ang sangkaterbang gamit mo.” Palabang sagot ng kaibigan niya.

Nagulat siya pero hindi niya maiwasang mapangisi. Nakaganti na siya kahit papaano sa ginawa ni Kim na paglandi kay Asihiro.

Kung maldita siya ay mas maldita ang kaibigan niya. Ito nga madalas ang tagapagtanggol niya kapag may mga umaaway sa kaniya noong mga bata pa sila.

                       ************

Isang linggo nang nanatili ang “bwisita” sa Hacienda. Naiinis na siya sa mga ginagawa nitong hayagang pagpapakita ng motibo kay Asihiro.

“At ang walanghiyang lalaki na yon hindi man lang tumatanggi?” Hindi na naulit ang panghahalik na ginawa ni Kim sa binata. Pero nandoon pa din ang panaka nakang mga yakap nito na labis na ipinagsisintir ng loob niya.

Ano ba ang malay niya kung may ginagawang milagro ang mga ito sa loob ng silid habang siya ay nagmumukmok kasama ang kaibigan niya?

Kung dati ay sila ni Asihiro ang magkasama kapag lumalabas ito nang bahay ngayon ay hindi na.

ANATANI AITAKUTE by BETHANY SY Where stories live. Discover now