Chapter 1: Wala nang Tayo

339 10 0
                                    

Elijah's POV

"Tita, tito, ano pong pag uusapan natin? "

"Elijah, " - tito Shawn

"Ika cancel na muna natin ang kasal niyo ni Shine. " -tita Irene

At doon nagsimulang gumuho ang mundo ko.

"B.. bakit po? Tita, tito, kaya pong mag antay kahit gano katagal pa makarecover si Shine."

"Alam namin yon Elijah. Pero hanggang si Dave ang naalala at alam niyang karelasyon niya, mahirap yon sa sitwasyon niyo. At baka ikasira yun ng pamilya natin" -tita Irene

"Pe.. pero.. --"

"Elijah, hayaan mo na muna sila. Magulang na ni Shine ang nagdesisyon. " -mom

Umalis na lang ako sa lugar na yon. Pinuntahan ko na lang muna si Shine sa kwarto niya.

Pagdating ko don ay napatigil ako, may bisita pa nga pala siya. Walang iba kundi ang magaling niyang ex.

Ang saya saya naman ni Shine, habang naguusap sila ni Dave.

Shine, ito ang tatandaan mo; oras na bumalik ako dito, sisiguraduhin kong akin ka na ulit.

Shine's POV

"Talaga? Hahahaha. It's so funny nga"

"Oo nga. Haha. Yeah, it's so funny" -Dave

-silence-

"Shine, "

"Hmm? "

"May sasabihin ako sayo. "

"Ano yon? "

"W.. wala ka ba talagang naaalala sa nangyare satin 6 years ago? "

Hmmm.. wala talaga eh. Ang alam ko lang is boyfriend ko na si Dave since high school.

"Wala talaga eh. Bakit? May dapat ba akong malaman? "

"Shine, matagal na kasi tayong naghiwalay. 6 years ago, break na tayo. "

B.. bakit? May nagawa ba akong mali?

"B.. bakit? How? May nagawa ba akong mali? " at nagsimula nang mang gilid ang luha ko.

"No, Shine. Wala kang nagawa. Ako, ako ang maraming nagawang mali sayo. Nakaroon ako ng relasyon kay Crystal"

Bigla bigla namang sumakit ang ulo at may nagflash na scene sa isip ko.

1 month na ang nakalipas, 1 month na akong hindi pinapansin ni Yumi. Sa 1 month na nakalipas ay halos 1 week lang nagparamdam si Dave, busy daw siya sa company nila kaya hinayaan ko na lang.

Kakaiba din ang kinikilos ni Chloe every after lunch break, parang may gusto siya sabihin pero pinipigilan siya ni Yumi at Nikki thru masamang tingin.

Tapos na ang exams namin for the last quarter, practice for the graduation at requirements for clearance na lang ang ginagawa namin.

"Students you may now take your lunch break"

Nauna na akong lumabas ng auditorium, nagbabaon na lang ako ng lunch para hindi sumabay sa apat, ayoko namang si Yumi pa ang lumayo.

"Shine wait up. Sabay sabay tayo mag lulunch today" -Yanna tapos pinakita niya ang isang basket.

Kumain na lang kami ng lunch at wala ni isa samin ang nagsalita hanggang sa matapos kami.

Dumiretso si Nikki at Chloe sa parking para ibalik yung mga ginamit namin sa lunch, si Yumi naman ay pumasok na sa council room. Sinamahan naman ako ni Yanna papunta sa locker ko. Habang papalapit ako sa locker ay bigla akong kinabahan, may 2 estudyanteng naghahalikan. Napahinto ako aa tapat ng janitors room na katabi lang ng locker.

Yung dalawang naghahalikan ay si Dave at Crystal. Tumutulo na pala ang luha ko.

"S.. s.. Shine " -Dave. Bumagsak pala yung bitbit kong libro kaya napahinto sila

Tumakbo ako palayo sa kanila. Tumakbo ako khit hindi ko alam kung saan pupunta. Hanggang sa napaupo na lang ako at umiyak.

-an hour ago

"Shine... " -Yumi

"Y.. Yumi " tapos niyakap niya lang ako.

"Yumi, im sorry.. sana nakinig ako sayo. Sana---"

"Shh.... tahan na Shine"

"Mahirap ba akong mahalin? "

"Shine tama na. Umuwi na tayo" hindi pa ako tumitigil sa pag iyak. Nang makarating kami sa may tapat ng library ay unti unti ako nanghihina

"Yu.. Yumi.. "

"Shine! " and it all went black.

After nun ay napabitaw ako sa magkahawak naming kamay ni Dave.

"U.... umalis ka... na" sabi ko sa kanya habang umiiyak.

"Shine, " -Dave

"Umalis ka na.. pls.. "

At naalala ko na wala na pala akong boyfriend. Single pala ako.

*knock*knock*

"Sweetie, are you okay? Anong nangyare? " -mom

"Mom, bakit hindi niyo sinabi? "

"Sweetie, ayaw naming ipilit lahat ng alaala mo. Makakasama iyon sayo"

"Pero mom, mas masasaktan lang ako. Naalala ko na. Hindi ko na siya boyfriend since 6 years have passed. "

"Na.. naalala mo na lahat? " -mom

"Bakit mom, ano pa ba ang dapat kong malaman? "

"W.... wala... "

"Mom naman! Wag niyo nang hintayin na sa iba ko pa malaman lahat lahat! "

"Sweetie, kumalma ka. Magpagaling ka muna. Promise, pag pwede ka nang umuwe, sasabihin ko din sayo lahat lahat. Pero unti unti lang. Para rin yon sa ikabubuti mo. "

"Mom, "

"Please sweetie, magpagaling ka muna"

"Okay "

Natulog na lang ako dahil wala rin naman akong mapapala kay mom.

------------------------------------------------------

Pls vote and comment. Thankiiie

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Where stories live. Discover now