Chapter 19: Result

105 11 0
                                    

Shine's POV

Balik trabaho na ako ngayon. Pagbalik ko ay tuwang tuwa ang mga kasamahan ko ng malaman nila buntis ako. Mga nagsabi na sana ay kunin ko silang ninong at ninang ng baby ko.

Maski sila mom and dad and Sab ay excited kay baby. Ayun ang nagiisip isip na sila ng mga pwedeng name ng baby kung babae o lalaki. Pero wala pa naman akong napiling name mula sa mga suggestion nila.

Pag nasa bahay naman kaming lahat ay lagi nilang kinakausap ang baby sa tyan ko. Natatawa na na lang ako dahil sa super excited sila.

Sa sobrang maalaga nila ay pinapadalan nila ako ng mga prutas at pagkain. Tapos lagi nila ako nireremind na uminom ako ng vitamins ko.

Kahit na wala ang daddy ni baby ay madame namin kaming nagmamahal sa kanya.

Nasa bahay lang ako ngayon.

Umalis saglit sila mom dad at Sab. Nag grocery kasi sila. Nagpaiwan na lang ako dahil wala ako sa mood lumabas ng bahay at day off ko pa.

"Hi baby, alam mo, kahit mag tu two months ka pa lang, excited na kami sa pagdating mo... "

"Pasensya ka na baby kung paglabas mo ay hindi mo makikita or makilala man lang ang daddy mo. May iba na kasi syang family eh. Nasasaktan lang si mommy sa tuwing nagkakasama kami ng daddy mo. Hayaan mo, balang araw ay baka maipakilala ko sya sayo kahit na may family na siya. "

"Magkakaroon ka din pala ng kapatid sa kanya. Ibang mommy nga lang... it's your half brother or half sister.. "

"Promise ko sayo baby, na kahit tayong dalawa lang ay magiging maayos ang buhay mo. Ibibigay ko lahat ng pangangailangan mo. Mamahalin kita ng sobra sobra.."

"Ate, we're home! " dinig kong sigaw ni Sab sa baba...

"Nandito na pala ang lola at lolo mo pati si tita ninang mo,baby. "

Bumaba na ako dahil medyo nagutom ako.

Elijah's POV

"Elijah, bakit ba dinala mo pa si Jade dito? Baka mamaya niyan mapano sila ng baby" -mom

"Mom, narinig mo naman siguro ang mga sinabi niya kanina? Malakas ang kutob ko na nagsisinungaling sya.. "

"Oo. Pero hindi naman tama na ganonin mo sya. "

"Mom, I think kuya is right. Mabuti na yung mapaalis sya agad if nagsisinungaling talaga sya. Baka kung ano pa magawa non sa inyo. Naitulak nga niya kayo kanina eh. Im sure she can do worse" -Yumi

"Okay fine. Kung yang ang makakapagpanatag sa inyo"-mom

Maya maya lang ay pumasok na si Jade dito sa opisina ni doc kasunod si doc Leyson.

"Good afternoon mr and mrs Agoncillo. "

"Good afternoon doc. Ano pong result? "

"Well, the result was... "

Tapos binasa ni doc yung mga hawak nyang papel..

"According to the tests we've done... she is... "

Sana naman ay tama ang hinala ko...

"She's not pregnant. "

"See? I knew it! Tama ako. Hindi ako magkaka anak sayo! "

"Elijah, calm down" -mom

"Kuya, sa bahay na kayo mag usap"

"No! Hindi ako papayag na makatapak yang babae na yan ulit sa pamamahay natin"

Tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan nya.

''Tell me, sino nag utos sayo na gawin ang lahat ng yon? "

Hindi sya makatingin ng diretso sakin kaya inangat ko ang mukha niya sa akin.

"Kapag hindi mo sinabai, sisiguraduhin kong makukulong ka.. "

"Si... "

"Si ate... "

Ate? Sino naman ang ate nito?

"Sinong ate? "

"Si ate Crystal... "

Oh f*ck! Bwisit na Crystal  yan. Sinisira niya kami ni Shine.

Umalis agad ako sa clinic at balak ko puntahan si Shine.

Pero bago pa ako makalabas ay hinagit ako ni Yumi.

"Kuya, saan ka pupunta? "

"Kay Shine. Kailangan ko sya makausap.. "

"Hindi pwede.. "

"Why? Kailangan kong sabihin sa kanya ang lahat lahat. Habang maaga pa, baka maayos pa namin ang relasyon namin. " naluluha kong sagot sa kapatid ko.

"Kuya, hindi na pwede. Hayaan mo na si Shine... maayos na ang buhay nya.. tahimik na sila.. hayaan mo na sya.. wag mo na sanang sirain pa yon.. "

At tuluyan nang umagos ang luha ko... niyakap na lang ako ni Yumi at sa kanya ako umiyak.

"B.. bakit kailangan na humantong kami sa ganito? "

"Bakit??.... "

"Shh. Kuya, tahan na... "

Yumi's POV

"B.. bakit kailangan na humantong kami sa ganito? "

"Bakit??.... "

"Shh. Kuya, tahan na... "

Im sorry kuya...

Pero ito lang ang way para matahimik na tayong lahat. Para sa ikabubuti ni Shine at ng magiging baby niyo.

Im sorry kuya. Sana ay maintindihan mo ako kung bakit kita nilalayo kay Shine...

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα