Chapter 36: Annulment

117 10 0
                                    

Shine's POV

Nagising ako na nasa kwarto namin ni Elijah.

Nasa paligid ko sila mom pati na si Elijah at Angelico.

"Sweetie, how are you? Anong nararamdaman mo? " -mom

"I want an annulment... "

Napansin kong lahat sa kanila ang pagkagulat.

"Sweetie, pag usapan niyo muna yang mag asawa... may anak kayo sweetie, you can't do that"

"I want an annulment. Kaya kong buhayin ang anak ko ng mag isa."

"Sweetie, Elijah is the father. He also has the right to your children"

"I want an annulment and that's final. I will talk to my lawyer about the rights he has. Please leave"

"Shine" at hinawakan ni Elijah ang kamay ko pero agad ko naman iyon tinanggal.

"Im sorry. Hindi ko naman sinasadyang mangyare yon.. "

Hinde?! Oh gosh, lokohin mo na ang lahat pero hindi mo na ako maloloko.

"Shine, ayusin natin to. Please, wag ka naman ganyan, pag usapan natin to hindi naman natin kailangan pang umabot pa sa annulment."

"Enough of that Elijah. " tumayo na ako sa kama at pumasok sa closet room namin. Mag iimpake na ako. Babalik na lang ako sa bahay namin.

"Shine, please, don't do this" pagpigil sakin ni Elijah habang nag aayos ako ng gamit ko habang nakayakap sya sa likod ko kaya agad ko iyon inalis.

"I said stop this nonsense! Hindi ko pinagkakait sayo ang mga bata. Maghati tayo sa oras nila. Hindi natin kailangan magsama. Tapos ang usapan"

Isinara ko na ang maleta ko at lumabas ng kwarto.

Isinakay ko lahat ng gamit ko sa kotse ko.

"Shine, " pagpigil ni mom.

"I'm sorry mom but I'm tired of this. Paulit ulit na lang kami eh. Ayoko na. Tama na. Sobra sobra na ang katangahang ito. "

Nakita ko naman na palabas na si Elijah kasama si Angelico.

"Shine, I'm sorry. Please pagusapan muna natin to "

Hinawi ko yung kamay niyang nakahawak sa akin at pumasok na sa kotse ko.

Sinimulan ko nang magdrive pa alis sa bahay na yon..

Pagdating ko sa bahay ay agad naman na sumalubong sakin ang mga kasambahay namin.

Dumiretso muna ako sa kusina para makainom dahil natuyo na ang lalamunan ko.

Narinig ko naman na may mga sasakyang dumating kaya agad akong tumakbo paakyat pero bago pa ko ako makahabang paakyat ay...

"Shine! " sigaw ni Elijah kaya napahinto ako saglit pero nang marealize ko yung nangyayare ay agad akong tumakbo paakyat pero bago pa ako tuluyang makapasok ay nahigit na ako ni Elijah.

"Let go of me! " at nagpumiglas ako sa kanya.

"Shine, kumalma ka, baka mapano kayo ng baby natin"

Pilit pa rin akong nagpumiglas.
Niyakap na ako ni Elijah para matigil ako.

"Shine, please. Im sorry. Ayusin natin to. I don't want to lose you"

Hindi ako makaimik basta iyak lang ako ng iyak.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Pero ang gusto ko ay matapos na to. Kaya kahit masakit, itutuloy ko pa rin ang annulment.

"Im sorry Elijah. But ayoko na talaga" sabay pasok ko sa kwarto ko at nilock ko iyon. Narinig ko naman na pilit akong kinakatok ni Elijah.

"Im sorry baby if mararanasan mong hindi natin kapiling ang daddy niyo. Mom's too hurt because of your daddy"

Lalapit na sana ako sa kama ko para mahiga pero naramdaman ko na naman na nanghihina ako kaya bago pa ako tuluyang makalapit ay bumagsak na ang katawan ko and it all went black.

Elijah's POV

Pilit ko pa ring kinakatok si Shine pero hindi niya pa din ako nilalabas.

"Elijah, umuwe ka na muna. Magpahinga ka muna. Bumalik ka na lang bukas. Give Shine some time to think. Im sure nadala lang siya ng galit at selos. Magkakaayos din kayo bukas"

"Okay po. But can I see her kahit saglit lang po? "

"Okay" tapos binuksan niya ang pinto gamit ang susing bitbit niya.

Pagpasok namin ay napasigaw si tita Irene dahil sa nakahandusay si Shine. Agad kong nilapitan at binuhat paakyat sa kama niya.
Pina check ni tita Irene si Shine sa doctor niya.

Okay naman daw siya, masyado lang daw syang napagod at na stress. Nagbigay naman ang doctor ng vitamins na iinumin ni Shine para sa baby.

"Tita, tito, alam niyo naman po na mahal ko ang anak niyo kaya sana po ay tulungan niyo akong kumbinsihin siyang itigil ang annulment"

"We'll see what we can do Elijah"

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Where stories live. Discover now