Chapter 12: Anything for You

121 11 0
                                    

Shine's POV

"Hmmm.. " pagbangon ko ay nag unat unat muna ako. Tulog pa si Elijah. Tinignan ko ang orasan, 8am pa lang,10am ang oras ng pagsisimba namin.

Bumaba na ako para maghanda ng breakfast namin.

Kinuha ko yung pancake at sinumulang paghalu haluin ang mga ingredients tapos niluto ko na iyon.

Habang inaayos ang set up ng table ay nagulat ako sa yumakap sa likod ko,

"Good morning mahal ko, " bati ni Elijah tapos hinalikan ako sa pisngi.

"Good morning. Let's eat na. We have a mass to attend pa"

After ko kumain ay nagligpit na ko at umakyat sa kwarto para maligo.

Nagsuot lang ako ng white blouse and jeans. Binolower ko lang ang hair ko tapos pinusod ito. Nagpulbo lang ako at lipstick tapos bumaba na ako. Baka kasi hindi pa nagligpit si Elijah ng pinagkainan niya eh.

And pagbaba ko ay nakita ko si Elijah, nagpupunas ng mesa kahit na nakabihis na sya ng pangsimba namin.

Awwwiiee..

Dumiretso ako sa lababo para sana hugasan ang plato niya pero wala nang hugasin doon. Hmm? Mukang ang sipag ng mahal ko ah?

"Are you ready mahal ko? " -Elijah

"Uh, yeah. Let's go? "

Tapos nauna na ako lumabas sa kanya pero nahabol niya ako tapos hinawakan ang kamay ko habang palabas kami ng bahay.

Pagtapat sa kotse ay bubuksan ko na sana ang pinto pero naunahan ako ni Elijah,

"Uh, thanks" sabi ko na lang. Nakakapanibago naman kasi si Elijah.

"Anything for you mahal ko, " sabi niya sabay kindat at sinara na ang pinto.

Pinaandar niya agad ang kotse.

After mass ay nagdrive si Elijah papunta sa mall, siguro ay doon na lang kami kakain it's almost lunch time na din eh.

Pagdating sa mall ay naunang bumaba si Elijah. Nagulat pa nga ako dahil sa pinagbuksan niya ako ng pinto.

Habang naghahanap ng makakainan ay magka holding hands kami.

"What do you want to eat mahal ko? "

Nag ke crave kasi ako ngayon sa fries, gusto ko kumain sa mayroong fries. Pero nakakahiya kasi magdemand, every Sunday kasi kapag sa mall kami kumakain ng family ko ay alam na nila na gusto ko ng fries.

"Uh, ikaw bahala" sabi ko na lang.

"Hays. Hindi ka pa din nagbabago mahal ko. Sabihin mo na kung saan mo gusto kumain"

Hays. Nakakainis naman oh, kung kelan nasa tapat kami ng mga fast food na may fries wh doon sya magtatanong? Nananadya ba siya?

"Im serious. Ikaw na bahala" sabi ko habang iniiwas ang tingin ko sa mga fast food.

"Ok fine. Let's eat na lang sa McDo. I know you want fries"

Ganon ba ako ka obvious? Or is he just testing me?

Hinila na ako ni Elijah papasok sa McDo.

Naupo na ako sa table while Elijah's ordering our food.

Since napansin kong mahaba ang pila ay nag scroll na lang ako sa facebook ko.

Puro post nila Yumi na nag out of town.

Andaya naman nila! Bakit hindi ako kasama?

So nagcomment ako dahil nagtatampo talaga ako.

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Where stories live. Discover now