Chapter 41: Family Day

112 9 0
                                    

Shine's POV

Naramdaman ko na huminto na ang kotse kaya malamang sa malamang ay nandito na kami sa school ni Angelico.

"Shine, we're here. Wake up"

Naidilat ko agad ang mata ko dahil tinapik tapik ako ni Elijah.

Paglabas namin sa kotse ay humawak si Angelico sa kamay namin ni Elijah.

"Good day mr & mrs Agoncillo! Hi Angelico" bati samin ng teachers sa school ni Angelico.

"This way po maam, sir. "

Pumunta kami sa auditorium ng school at mukhang dito mag aantay till makumpleto ang parents.

"Mommy, daddy, I'll just go to my classmates"

Tumango lang kami parehas ni Elijah.

Nilabas ko yung phone ko para icheck kung may text ba si Sab about baby Elaine. But wala siyang text.

Maya maya pa ay nag opening remarks na ang school principal at ilang teachers.

Nag announce din sila ng mga activities na gagawin ng bawat group at bawat family.

Ngayon ko lang napansin na pare parehas kami nila Elijah at Angelico na naka kulay blue. Is it a coincident?

Sa unang activity ay pinagawa kami ng isang artwork that will symbolize how do we love and take care each of us in our family. Sa una ay akala ko, mahirap gawin dahil hindi namin iyon nagagawa dahil separate kami. Pero nagawan iyon ni Elijah ng paraan.

Nakapasok naman sa top 3 yung gawa namin kaya tuwang tuwa ang mag ama.

Second activity naman is gagawa kami ng short play on what do we do if one of our family member is sick. Si Elijah naman ang nagisip kung pano namin i aact. Kahit alam kong hindi naman talaga namin to ginagawa ngayon, alam ko na ginawa na namin ito noon ni Elijah.

Sinusubuan ng soup. Pinapa inom ng gamot at binabantayan ang usual na ginagawa namin but one thing I forgot na ginagawa ni Elijah sakin nung nagkasakit ako is, niyakap niya ako magdamag, hindi siya natulog.

After ng play namin ay medyo naluha ako dahil sa bumabalik ang mga alaala na ginawa namin noon ni Elijah. Na sana ay ginagawa pa rin namin ngayon.

Third activity naman ay obstacle course. Tutulungan ng parents ang anak nila na naka blindfold para matapos yung obstacle course. Sa una ay nailang ako kay Elijah dahil madalas ay nagkakahawak kami ng kamay habang inaalalayan si Angelico but nawala din iyon dahil inenjoy ko na lang bawat oras na magkakasama kami.

After ng obstacle course ay break muna. Nakalimutan ko pala magbaon ng snacks and tubig.

"Angelico, you stay here muna ha. I'll buy snacks and drinks"

Tumango lang si Angelico dahil busy siya sa pakikipag usap sa classmates niya.

Pagtayo ko naman ay may nag abot na sakin ng tubig.

And it's Him.

"Ah, thanks" ibibigay ko sana iyon kay Angelico pero nakita kong may iniinom na siya

"That's for you. So inumin mo na"

At ininom ko na nga iyon.

Maya maya ay nagserve na ang students ng lunch. Magkakasama sa isang table ang bawat family. Since nag seserve si Angelico ng lunch ay magkasama kami ni Elijah.

Naramdaman ko naman ang pananakit ng paa ko. Hindi pala ako nakapagpalit ng flats. Kakamadali ko.

Pagdating ng pagkain namin ay nagsimula na din kami kumain. Seafood pasta yung pagkain. Medyo nawalan naman ako ng gana kumain dahil may naalala ako sa pagkain na to.

Pero para hindi mahalata ni Elijah ay kumain na lang ako paunti unti.

Naramdaman ko ulit ang pananakit ng paa ko. Nakita kong umalis si Elijah, saan naman kaya siya pupunta?

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. At pinagmasdan ko sila Angelico at mga classmates niya.

Nagulat naman ako sa humawak sa paa ko, paglingon ko naman ay tinatanggal ni Elijah ang heels ko.

Naalala ko naman yung ginawa niya dati sa mall. Naramadaman ko naman ang pagmasahe ni Elijah sa paa ko.

"Elijah, wag na. Nakakahiya naman sayo"

"It's okay. Ito na muna ang suotin mo. Hindi ko alam kung pasok pa ba ito sa fashion taste mo dahil baka nag iba ka na. Kumportable naman itong gamitin" tapos sinuot niya sakin ang sandals na madalas ko isuot. Kulay blue pa nga ito at terno sa outfit ko.

Naaalala pa pala niya kung ano ang mga quality ng products ang mga ayaw at gusto ko.

"Mommy, daddy, tara na po sa field. Mag start na po ang afternoon activities"

At hinila na kami parehas ni Angelico. Natawa na lang kami ni Elijah sa kinikilos ni Angelico.

Fourth activity namin ay newspaper dance. Ang saya ng mga music na pinlay nila kaya pati kami ay tuwang tuwa. Ni hindi ko nga namalayan na nung nasa pinaka maliit na fold na ang newspaper ay binuhat ni Elijah si Angelico at ako. And the result ay panalo kami!

And last activity ay parang Q&A pero mga tatay ang sasagot.

Ang tanong na napunta kay Elijah ay,

"If you we're given a chance to say sorry to someone, who will it be? "

Tumingin naman si Elijah nang diretso sa mata ko at nagsalita.

"I would like to say sorry to the mother of my child. I know its been a long time, but still, hindi ako magsasawang humingi ng sorry sayo. Alam mo kung gano kita kamahal. And I would even risk my life just to prove my love for you" at nagpalak pakan na ang mga tao.

After ng activities ay nag picture taking kami.

May picture na selfies at kuha ng teachers ni Angelico. After namin magpicture kung saan nasa gitna namin si Angelico at nakahawak kami sa balikat niya.

"Mommy, daddy, kayong dalawa naman po"

Sa una ay nagaalinlangan pa ako pero pumayag na din sa huli.

"Mommy, daddy, mag dikit pa po kayo. "

Lumikod si Elijah at niyakap ako. Tapos ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. The usual Elijah Agoncillo.

Dahil na rin sa miss ko siya ay napangiti pa ako. Yung sweetest smile ko...

"Ayan! Ang ganda naman po ng smile niyo dito mommy,"

"Naku Angelico, binobola mo naman si mommy eh"

"Hindi po ah. Totoo pong ang ganda ng smile niyo. Diba po daddy? "

At tinignan ni Elijah yung picture.

"Oo naman. Maganda naman lagi ang mommy mo eh"

Naramdaman ko naman ang pamumula ng mukha ko.

After ng family day sa school ay umuwe na kami. Inihatid lang nila ako dahil hanggang bukas pa si Angelico kay Elijah.

Pag uwe ko sa bahay nag scroll ako sa newsfeed ko sa facebook. Bungad ang post ni Elijah.

Elijah Agoncillo updated his profile picture.

Yung picture ay yung kanina na yumakap siya sa likod ko and with a caption of:

I love you. Always and forever

Next post naman ay ni update din niya ang cover photo niya kung saan magkasama kaming tatlo.

At next post pa ay album ng family day kanina...

"I love you too Elijah. Im sorry... "

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz